•Welcome home Ryders!

1.2K 46 7
                                    

Biglang nanlaki ang nga mata ko at naalala kong nakahiga ako sa kama ni Zac.
Hindi ako nagising dahil doon kundi dahil mamaya ay darating na sila Vicku mula Canada.

Dahan dahan kong inilibot ang tingin ko sa paligid.
Masarap pala talaga matulog dito dahil wala man lang liwanag na makikita mula sa labas kung umaga na.

Nakiramdam muna ako kung natutulog pa ba si Zac sa aking tabi saka ko dahan dahang inilingon sa kaliwa ang tingin ko.

"So bakit nandito ka?"

Bigla akong napagulong at nalaglag sa gilid ng kama.
Saktong sakto ang pwet ko sa pag bagsak at talagang nagising ako.

Nakakagulat naman kasi na nakatingin sya sa akin ng diretso.
Nakita ko nalang si Zac na dumapa sa kanyang kama at sumilip sa akin mula sa sahig.

"Sinasamantala mo ang kahinaan ko habang tulog ha. Pero sorry ka, tulog mantika ka kasi kaya hindi natuloy ang plano mo."

Pang aasar nyang sabi sa akin.

"Oy! Hindi ako tul--"

Naputol bigla ang sasabihin ko.
Oo nga pala, nag kunwari pala akong tulog nung mga oras na yun.
Napilitan nalang akong ngumiti sa kanya na ngumisi naman sa akin.

"Wag ka mag alala, wala akong ginawa sa'yo. Mabait kaya 'to."

Proud nyang sabi saka tinaas ang dalawa nyang kilay.
Napangiti naman ako sa ginawa nya, pero bigla akong nag naalala.
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa ilalim ng aking unan.

"Uy Riley. Ano ka ba? Mataas ang Radiation ng phone wag mong ilalagay sa ilalim ng unan mo."

Paninita nya sakin.
Sandali ko lang syang nilingon matapos ng sinabi nya habang pumipindot ako sa aking phone.

"Bakit ba? Ano bang meron jan? Nag text ba si Vicku? Anong sabi?"

Tanong nya sakin saka lalong lumapit sakin.
Dali dali kong ipinakita sa kanya ang texts na natanggap ko kagabi.
Agad kumunot ang noo nya sa mga nabasa nya.

"Gago 'to ah. May idea ka kung sino 'to? Sabihin mo sakin lagot 'to."

Galit na sabi ni Zac.
Umiling lang ako sa kanya na nag hihintay ng sagot ko.

"Hindi. Kaya nga natakot ako kagabi at pumunta dito."

Sagot ko sa kanya.
Kita sa mga mata ni Zac ang malalim na pag iisip tungkol sa text na nakuha ko.

Wala syang idea at sa dami ng babaeng pumapaligid sa kanya ay mahirap talagang maisip kung sino at kung isa ba sa mga ito ang nag padala ng text sakin.

"May pinag bigyan ka ba ng number mo?"

Tanong nya sa akin.
Mabilis naman akong napaisip. Wala.
At imposible dahil maliban kay Trician at Tracer ay wala ng ibang lumapit sa akin.

" wala, saka imposible yun dahil kayo lang naman ang laging kasama ko."

Sagot ko sa kanya.
Wala kaming ibang ginawa kundi mapaisip, sinong pwedeng gumawa nito?
Pero meron nga ba kaming mapapala?

"Sabihin nalang natin mamaya sa kanila. Ngayon mag asikaso na tayo. Kasi... After, anong oras na ba?--"

Sabi ni Zac saka biglang tumingin sa wall clock nya saka sabay na nanlaki ang mga mata namin.

"Shet! 45 minutes!! Go! Go! Mag ayos kana."

Pasigaw na sabi ni Zac na patalon halos na umalis sa kama dahil sa pag mamadali.
Bakit ba kasi on-time din lagi ang mag kakapatid?
Mahilig sila sa "i'll wait for only 5 minutes." O kaya naman ituturo ang orasan tapos sasabihin "30 minutes"

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon