Libro
"Mands, pahiram naman ako ng libro mo sa Physics oh. Diba hindi niyo na rin subject yun ngayon?"
Kinilig ako nang sa dinami-rami naming mga high school classmates nyang Engineering, ako ang napili ni Chase na hiraman nya ng Physics book.
"Huh? Ahh, o sige. Bukas?" Sagot ko na parang ewan. Ngumiti sya.
"Cool. Sige, kita tayo bukas." As simple as that, umalis na sya.
Chase Divinagracia. Ang aking ultimate long-time crush. Mula nung first year high school kami, unang beses ko pa lang nakita ang mga mata nya, alam ko nang he's the one na talaga.
Paano ko ba sya idedescribe?
Matangkad, maputi, gwapo, yummy. Pero, ako lang ang nakakapansin nun dahil ang mga tao sa paligid namin, hindi nya naakit. Ako lang talaga.
Mas gusto kasi nila si... yung best friend ni Chase, si Ran. Mas matangkad, mas maputi, mas gwapo, mas yummy. Pero syempre, mas love ko naman si Chase.
Ay! Ano ba itong pinagsasasabi ko. Nag-college lang, lumandi na ako. Charot!
"Hi Amanda. Dumaan ba dito si Chase?" Tanong sa akin ni Ran.
"Huh. Kaaalis lang nya. Ang bagal mo kasi." Pagsusungit ko sa kanya.
"Hindi naman talaga sya ang habol ko eh. Ikaw." Sabay kindat. Eek. Pwede na ba akong masuka?
"Wag ka nga." Pagalit kong sabi. "Alis ka na! Shupi! Shupi!" Bugaw ko sa kanya with matching hand actions.
"Hay, grabe ka talaga Mandy. Kelan mo ba kasi tatanggapin na tayo ang nakatakda para sa isa't isa?" Sabi nya at lumuhod sa harapan ko. Nakaupo kasi ako sa damuhan, sa ilalim ng puno ng mangga, sa isang liblib na lugar dito sa school.
"Tumayo ka nga dyan. Para kang ewan." Sabi ko at binato sya ng binabasa kong hand-outs. Tinamaan sya sa dibdib.
"Aray naman. Haha!" Tumayo sya at inabot sa akin yung hand-outs ko. "Oh, mag-aral ka nang mabuti para maging maganda ang kinabukasan ng mga magiging anak natin, ha?"
Ambwisit na 'to! "Heh! Pwede ba, iba na lang ang landiin mo." Sabi ko at tumayo na sa pwesto ko at iniwan sya.
"Mandy! Balang araw, ako naman ang hahabulin mo!" Sigaw nya habang papalayo ako. "WAHAHAHAHA!" At tumawa pa ang loko.
Pagdating ko sa lobby ng building namin, nakaupo na si Chase sa may mahabang bench. Nilapitan ko sya at kinalabit sa tuhod.
"Chase!"
"Oh, Mandy." Siya: Ngiti. Ako: Tunaw. Sheeet. "Dala mo?"
"Ah, oo." Umupo ako sa tabi nya. Bakit ba? Gusto ko lang naman maamoy yung pabango nya na hindi na nagbago mula nung high school kami. Yung dati pa rin, amoy alcohol na parang amoy sandalwood. Nyamnyam.
Nilabas ko yung libro sa bag at inabot sa kanya. "Oh ayan, ingatan mo ah. May sentimental value yan sa akin." Sabi ko kahit na wala na lang. Gawa-gawa ko lang.
"Yes Ma'am." Sabay ngiti. Napapansin ko, madalas na ngumingiti si Chase ah. Hindi naman sa hindi sya ngumingiti ever, pero kasi, madalas, blangko lang yung itsura nya, tipong walang emosyong mababakas sa mga mata nya.
Nilagay nya sa bag nya yung libro at naghiwalay na kami ng landas.
Ako si Amanda Diaz. Mandy sa lahat. Fifth year college na ako. Isang sem na lang, graduate na ako. Hindi na ako magte-take ng board exams, kasi Petroleum Engineering naman ang course ko eh. Eh hindi naman uso ang board doon.
BINABASA MO ANG
Libro-One Shot
Short StoryCrush ko sya, matagal na. Tapos... hiniram nya yung Physics book ko. Edi kinilig ang lola nyo. Pero may mas nakakakilig pa pala dun.