Hoping for Nothing (Oneshot)

2.3K 80 13
                                    

Hoping for Nothing (Oneshot)

By: a'Ashne(Infinite-dreamer)

x°x°x°x°x°

*Ako ang Ringtone mo, ako ang Ringtone mo. Bilisan mo na't sagutin ang telepono mo oh~*  Dali-dali kong kinuha ang Cellphone ko sa Bag at sinagot agad ito ng makuha ko. Tumingin ako sa mga nasa harapan ko, Tsk. ang haba ng pila tapos ang Init pa.

"Hello?" Sabi ko

[Chums.. Waaahh! Chumsss. OMG] Bungad ng nasa kabilang linya habang nagtititili. Anong nangyari dito?

"Oh? Baket?" Tanong ko habang tumingin sa likod ko. Tsk. Ang haba din ng pila sa likod ko

[Chums! Ang Swerte mo waahh! Congrats!] Ano bang nangyayari dito?

"Huh? Ano ba yon?" Lito kong tanong at lumingon ulit sa likod. Ewan ko ba di ako mapakali eh.  Napansin ko naman yung lalaking nasa likod ko, napaka formal ng pananamit nya, Di ba sya naiinitan? Sabagay, Anong Pakelam Ko diba? Tinignan ko sya Mula Paa hanggang ulo, Well Matangkad sya tapos moreno, Pogi din naman.

"Ehem." Napatingin ako sa lalaki at nakatingin din sya sakin hindi ko alam kung bakit? dahil ba nakatingin ako sakanya o Nagagandahan lang sya sakin. Ang kapal  ng mukha ko Lol.

Naalala ko tinignan ko sya mula paa hanggang ulo siguro dahil dun kaya nakatingin sya sakin ng parang naguguluhan. Ngumiti ako sakanya

"Uhh, Eh, Sorry po" Sabi ko sa lalaki at tumalikod na dito. Nakakahiya.

[Huuuyy! Chums. Sabi ko~~] Nakalimutan ko kausap ko pala si Amy sa kabilang linya.

"Ayy, Sorry ano ulit yun?" Tanong ko habang nag pupunas ng pawis. Ang init Naman kase talaga  ang dami pang tao. Andito ako sa Munisipyo may kukunin lang akong importaneng bagay.

[ANG SABI KO NA-KA-PA-SA-KA-SA-BO-ARD-EX-AM] 

"Ah ayun lang pala~~" Saka nag sink-in sa utak ko yung sinabi nya "ANO?" Napasigaw ako wala akong pakelam basta ang saya ko sa narinig ko.

Di na ako magtataka kung paano nya nalaman yun. Lagi lang naman yan nakatapat sa Computer at kada minuto tinitignan kung naka post na yung nakapasa sa board Exam.

[NAKAPASA KA CHUMS, WAAHH! CONGRATS IM SO PROUD OF YOU!!] Sigaw ng Bestfriend ko sa kabilang linya.

"Thank god.Thank god. Hintayin mo ko dyan Chums punta ako sainyo." Sabi ko at pinunasan yung luha ko. Sobrang saya ko di ko namalayan naiyak na pala ako.

[Sige,Sige Hintayin kita Dito.] Sabi nya at binaba ko na ang tawag.

Napansin kong nakatingin sakin yung ibang tao at bakas sa mukha nilang na wiweirduhan sila sakin.

"Iha, Okay ka lang ba?" Tanong ng nasa harap ko.

"Uhh.. Opo Masaya Lang...po ako" Sagot ko sa pagitan ng aking pagiyak at ngumiti.

"Akala ko kung napaano kana. Bakit Iha?" Juskoo, ang tsismosa pero sige ikwento ko nalang.

"Nakapasa ho kase ako ng Board Exam sa Nursing. Unang take ko palang po iyon." Sagot ko at ngumiti. Sobrang saya ko talaga.

"Napaka swerte mo nga iha.Congrats and goodluck" Sagot nung matanda.

"Salamat po." Sagot ko at ngumiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hoping for Nothing (OS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon