KACHAKAHAN 8

1K 27 0
                                    



CHAPTER 8

Excited much lang naman si ako dahil sa first day of work ko sa isang sikat na publishing company, ang VBL. Halos di nga ako makatulog dahil sa subrang excited. Excited akong makita at makilala ang mga katrabaho ko, excited akong makita muli si Clifford, at mas excited ako sa work ko dahil sa sure talaga ako na madami pang gwapo sa company na yun na naghihintay na ma-discover ko.

Sabay kami ni itay Juancho pumunta ng VBL company. Naka business suit nga ako at naka eyeglass dahil medyo malabo lang naman ang mata ko kapag nag ta type ako sa computer. Ang mata ko at ang relasyon namin ni Drake ang kasing labo ng mata ko noon. Sana pala nag suot ako ng eyeglass noon para mas makita ko ang tunay na pagkatao nya. Peste sya, na iinis talaga ako kapag naaalala ko ang katarantaduhan nyang ginawa sa akin.

Pagdating namin sa VBL ay syang punta ko sa HR department para hanapin si Clifford. Tumawag kase sya sa akin kagabe, sabi nya ay puntahan ko daw sya sa HR department kapag dumating na ako ng VBL.



Pagpasok ko sa office ng HR ay nagsilingunan ang lahat sa akin. Tutok na tutok ang kanilang mata sa aking mukha. Ang iba ay tumigil pa sa pag ta type sa key board ng computer para tignan lang ang kapangetan ko, ang iba naman ay nag tanggal pa ng kanilang salamin, at ang iba naman ay kung makatingin sa akin, mula ulo hanggang paa lang naman. Parang nahiya tuloy akong pumasok dahil sa kanilang pag tingin sa akin. Ewan ko lang din ba't ganun sila makatingin sa akin, baka first time nilang makakita ng panget na naka business suit.

Nilakasan ko nalang ang loob ko at di na inintindi ang mga empleyado. Naglakad ako papasok ng office, at sa bawat hakbang ko ay parang umiikis lang naman ang paa ko. Muntikan na nga ako matipalo sa 5 inch kong heels, buti at di natuloy kundi pag tatawanan marahil nila ako dito. Baka sabihin nila na panget na nga, lampa pa.

Pagdating ko sa loob ay kaagad akong nilapitan ni Clifford. Tang ina lang kase, di ko mapigilang mapatulaley sa kanyang kagwapuhan. Halos lumuwag ang bra ko at matastas ang garter ng panty ko. He looks like a prince for me. Parang nakakatakot syang hawakan baka madumihan ang kanyang katawan.

"ang aga mo naman" ngiti nya sa akin. At dahil sa ngiti nyang yun ay tuluyan nang kumalas ang panty ko, pero ecthus lang.

"huh? A-ano bang dapat oras ang pag pasok ko?" nauutal kong turan na halos di makatingin sa kanya ng diritso. Kahit di ko sya titigan ay alam kong titig na titig sya sa akin, he looks me in the eye everytime he talks. At ako naman ay pilit iniiwasan ang mga titig nyang yun, baka kase sabihin nyang may pag tingin ako sa kanya, lol!

"nine ng umaga ang pasok mo, at its seven fourty five palang ng umaga" smile nya ulit at syang hakbang nya palapit sa akin.

Napaaga lang naman ako ng pasok dahil excited akong makita ka!! Chus!! Kalandian mo Victorina, di ka pa natuto!

Lumapit si Clifford sa akin at syang tabi nya sa aking kinatatayuan, at itong heart ko naman ay halos mag pa fiesta dahil sa grabe lang naman ang kanyang pag kabog, daig pa ang nag a-ati-atihan ehh. Itong na feel ko ngayon ay minsan ko ng na feel kay Drake, yung parang mapapaihi ka sa kilig, yung parang tinutusok tusok ang aking lalat, lols!. At putcha lang din talaga, naalala ko naman ang putang Drake na yun! kung kumakain man yun ngayon sana nasamid na sya, pasnea sya.

"ahh, namumutla ka yata" turan ni Clifford.

"huh? Ako? namumutla? Di ahh, baka sa foundation lang yan.." ngisi ko habang hinihimas ang pisnge ko.

"ahh, foundation pala yan? Akala ko harina" turan nya sabay bawin na joke lang daw! Ganun daw talaga sya, mahilig magpatawa lalo na't kung may mga baguhang empleyado para daw di maging OP o kabahan ang mga baguhang tulad ko.

Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang