"Summer always ends with good memories! "Ellie's POV
Bakasyon na! Salamat at natapos na rin ang isang taon ng klase. Panahon na rin para mag-enjoy at mag relax. Haaayyyy...feel na feel ko na ang summer. Ang matingkad na sikat ng araw ay sumisilip na sa kalangitan. Napakaganda ng liwanag na tumatagos sa bintana ng aking kwarto nagbibigay sa akin ng palatandaan na kailangan ko nang bumangon.
Bumangon na ako at nag inat-inat. Inayos ko muna ang aking unan at kumot. Kailangan ko nang mag handa para sa outing namin ngayon.
"Sasama kaya si Mike?", ang tanong ko sa isip ko.
Matagal na rin siyang hindi nagsisimba simula nung kinausap niya ako. Siguro kaya siya nagtapat sa akin e dahil wala na siyang balak na magsimba.
"Hay, nakaka-miss din pala kapag wala siya. E kung pumayag kaya akong magpaligaw o kaya sinabi ko sa kanya na crush ko siya... magsisimba pa kaya siya?" Eto ang mga tanong ko sa sarili ko habang inaayos ko ang mga dadalhin ko sa outing.
"Sana pumunta siya", ang bulong ko sa aking sarili.
Alam kong hindi sasama si Andrew at Kristoff dahil matagal na rin silang hindi nagsisimba doon sa church namin. Malamang
kami lang girls ang pupunta. Parang nakakalungkot naman dahil hindi na kami kumpleto.Naglakad lang kami papunta sa resort na pag su-swimming-ngan namin. Aakyat kami na mga tatlong burol bago makarating doon. Eto daw kasi ang shortcut papunta doon sa resort. Medyo nakakapagod pero exciting dahil may thrill ang pag-akyat sa mga burol.
Habang kami ay naglalakad ay may napansin akong dalawang lalaking nakasunod sa aming likuran. Nagulat ako nang makita ko si Andrew at Kristoff pala ang nasa likuran namin.
"Uy! Kayo pala. Akala namin hindi kayo sasama" ang bati ko sa kanila.
"Si Andrew niyaya ako. Sumama daw kami" ang sagot ni Kristoff.
"Wala naman kasing ginagawa kaya sumama na kami", ang paliwanag ni Andrew.
"Si Mike? Bakit hindi niyo kasama?" ang tanong ni Katie.
Gusto ko rin sanang itanong yon pero salamat na rin at naunahan ako ni Katie. Nahihiya din kasi akong itanong sa kanila kung bakit hindi kasama si Mike. Baka mahalata nila akong hinahanap ko si Mike. Pero natutuwa naman ako na kahit hindi siya nakasama ay nandito naman si Andrew at Kristoff.
"O, ingat. Dahan-dahan sa pag-akyat", ang paalala ni Kristoff.
Naakyat na namin ang unang burol. Nakakatakot din pala baka kasi bigla akong bumulusok pababa. "Mortal sin" pa naman sa nanay ko ang masugatan ako at magka-peklat. Ayaw na ayaw niyang nasusugatan ako. Hindi bale daw na maitim basta makinis lang ang balat.
Naalala ko nung minsan sinubukan kong tumulay sa makitid na daan sa pagitan ng dalawang kanal bigla akong nahulog sa kanal at nagasgasan ang tuhod ko at ang braso ko. Pag-uwi ko sa bahay ay pinagalitan pa ako ng nanay ko kahit iyak na ako nang iyak sa hapdi ng sugat ko. Kaya simula noon tinandaan ko na... "bawal ang masugatan". Minsan naiisip ko na balak yata akong isali ng nanay ko sa Bb. Pilipinas dahil sa sobrang ingat niya sa akin.
Naka-survive ako sa unang burol. Hindi ako nagalusan. May nadaanan kaming isang maliit na bukal. Huminto muna kami para mag-osyoso doon sa bukal. Likas na yata sa mga bata ang maging "curious" sa lahat ng bagay.
Lumapit si Kristoff sa bukal.
"Ano yan?", ang tanong ni Rea kay Kristoff.
"Bukal. Nanggagaling yung tubig sa ilalim ng bundok" ang sagot ni Kristoff.

BINABASA MO ANG
They Called It Puppy Love
Teen Fiction"Di ko alam kung masuwerte ba ako at sa mura kong edad ay naranasan ko nang umibig. Dati pag-aaral lang at paglalaro ang pinagtutuunan ko ng pansin pero nagbago ang lahat nang makilala ko si Andrew." ~ Ellie Magkababata, magkalaro, at mag best frien...