Alamat ng Repolyo

371 4 4
                                    

Nung unang araw, sa malayong lugar ng Barabak ay may mga repolyong masyang naglalaro. "Rita ikaw na ang taya" ang sabi ni Rony at Rogger habang masayang naglalaro. Habang masaya silang naglalaro ay may lumapit na isang klase ng gulay sakanila na nangangalang beti "pwede ba akong sumali sainyo?" ani nya at tumigil nmn sa paglalaro ang tatlong repolyo at biglang nagsalita si Rita "sa itsura mong iyan? Isasali ka namin? Tignan mo nga ang sarili mo hindi ka tulad naming makikinis at magaganda ang kutis" payabang nitong sabi. Pinipilit padin ng nagmamakaawang gulay na maisali sya ng mga repolyo ngunit ayaw pdin nila. Bumulong ang kawawang gulay na si Beti "may oras din kayo". Makalipas ng ilang minuto hndi nakuntento ang gulay na iyon at nagpalit sya sa totoong anyo hndi nila alam na sya pala ang hari ng mga gulay na nagkunwari lamang isang simpleng gulay, upang malaman ang totoong kulay ng kanyang mga kapwa gulay. Kaya sa oras na iyon binigyan ang mga Repolyo ng isang malaking parusa na habang buhay nilang madadala "dahil sa pagiging makasirili at madamot sa kapwa simula ngayon magiging kulubot at pabilog o mataba na ang inyong mga katawan pero dahil may awa pa akong natitira sainyo papanatilihin ko nmn ang sustansyang taglay ninyo" aniya ng hari. Kaya simula nung araw na iyon lahat ng repolyo na malilikha o magagawa ng kanilang diyos ay pabilog at kulubot na ang katawan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Alamat ng RepolyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon