Chapter 1

18 0 0
                                    

Prologue

Tumayo ako ng pumatak ng alas siete ang orasan at sinikop ang gamit sa aking lamesa.

"Uuwi ka na, Khali?" tanong ni Ree, isa sa mga katrabaho ko, habang tumitingin sa kanyang orasan.

"Yes, tapos na rin naman ako sa ginagawa ko and medyo sumakit itong ulo ko. I need to sleep this off." sagot ko habang patuloy pa din sa pag aayos sa aking table.

"Ah ganon ba? May isiningit pang article si Mam Louren kanina tiaka revisions pero kung masama pala ang pakiramdam mo ay bukas nalang." she smiled at me.

"Pasensya na, I really have to go hindi ko na kaya baka bumagsak ang mata ko sa daan." I smiled back at her. Nakakahiya man pero kailangan ko na talagang umuwi.

Agad akong nagtungo sa elevator saka pinindot ang basement para sa aking sasakyan ng tumunog ang cellphone ko sa aking bag.

"Hello?"

"Hi, Khali! Are you busy? Naiistorbo ba kita?" maagap na tanong ni Paola.

"Nope, I'm off from work. Bakit ka napatawag?" tanong ko pabalik habang tinitignan ang pagpapalit ng numero bawat palapag.

"Okay good, I just want to tell you na we are going to have a high school reunion this coming Saturday!" maligaya niyang bunyag.

Agad na nanlamig ang mukha ko sa sinabi nya. High school reunion? Are you kidding me?

"Hello, Khali? Are you still there?" sabi niya ng hindi ako nakasagot agad.

"A w-what?" di ko na napigilan ang pag nginig ng aking boses.

"High school reunion, Khali. Don't tell me you are not coming? You were our class president you should come!" pagbabanta nya sa akin.

Why am I so affected? This is ridiculous. Tatlong taon na ng maghiwalay kami, I should get over this anger towards him. But then, we are going to meet again after 3 damn years. Am I ready? Ofcourse, Khaliya are you nuts? Bakit hindi ka magiging ready makita siyang muli?

"Uhm... tambak kasi ang trabaho ko, titignan ko pa ang schedule ko. I won't promise you anything. I'll just text you nalang. Sorry Paola." she's not buying my excuse, I know.

"Khali," she sighed. "I know you are hesitating to go because of him, right? It's been 3 years don't tell me hindi ka pa moved on?"

"W-what? Ofcouse I moved on!" maagap kong sagot.

"Ayon naman pala, so ano pang rason mo para hindi pag punta?" ani Paola, medyo iritado.

Bumakas ang pinto ng elevator patungong basement. Agad akong nagtungo sa aking sasakyan at mabilis na pinatunog ito.

"Look, Pao.." I stopped. "Marami lang talaga akong trabaho na kailangang tapusin this week. Wala akong pake if magkita kami or what. I don't really care anymore."

"Shhh, Khali! I know it's because of him. I will not send him invites if you dont want to see him. Baka rin naman hindi siya magpunta dahil sa project niya sa labas ng bansa so you better show your ass here, alright?"

Ang pagpapaunlak niya ng imbitasyong ganoon ay tunay na nakaka engganyo pero napaka unfair naman ata na hindi siya bibigyan ng imbitasyon dahil lamang sa kagustuhan ko? Masyado na ata akong nagpapa VIP dahil sa issue namin na matagal ng tapos ilang taon ng nakalipas.

"What? Why would you do that? Invite him, Pao. Karapatan niyang maimbitahan doon classmate naman natin siya. If choice niyang hindi magpunta edi bahala siya. This is not an issue to me anymore." Binuksan ko ang pinto ng aking sasakyan at mabilis na sumalampak sa loob.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rugged LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon