12 WARNING / IVY'S COMEBACK

1.2K 25 0
                                    


Agad agad ay nagplano ang Hari at Reyna na ibabalik nila si Ivy sa Dragic Empire at ipapaalam kay Nair ang nangyari sa dalaga. Pinag empake na din nila ang anak na kasalukuyang natutulog pa din dahil sa nangyari kanina habang sila ay kumakain.

Alam ng Hari at Reyna na isa iyong babala dahil sa nalalapit na pagtatapos ng ensayo ni Ivy at makikilala na ng lahat si Ivy bilang isang malakas na babae na tatapos sa kasamaan ng Demonic Clan.

Samantala....

Sie: Dadating sila dito ngayon. / may pagpapahiwatig na sabi ng dalaga sa mga kaibigan.

Jam: Kailangan pa rin natin mag ingat.

Oli: May hindi magandang mangyayari.

Per: Pa-anong...?

Taf: Hindi pa pwede malaman ng lahat ang tungkol sa anak ng Hari at Reyna kahit na iaanunsyo din ito.

Napansin naman ng ilan sa kanila na tila balisa si Oliver.

Peter: Okay ka lang, bro?

Nagkulay abo naman ang mata ni Oliver. Wala siyang binigkas na kahit anong salita. Pagkatapos nito ay nagbalik muli sa dati ang kanyang mga mata.

Sie: Anong nakita mo, Oliver? Sabihin mo.

Oli: May mangyayari mamaya. Kailangan natin masabihan si Master Nair.

Nagsitanguan lamang silang lahat at nagpunta na sa kinaroroonan ni Master Nair.

At Headmaster Nair's Office.

HM: Yes, okay. Ihahanda ko na ang lahat. / sabi niya sa kanyang kausap sa isang mahiwagang telepono.

Kasabay ng paglapag niya ng telepono sa lalagyan nito ay siya namang dating ng magkakaibigan.

HM: Anong dahilan at nandito kayong lahat?

Sie: Master, uuwi na po ba dito si Ivy?

Perrie: hindi pa pwede, Master.

Oliver: May mangyayari mamaya. Maaaring mapahamak si Ivy. / seryosong sabi ng dalaga na siyang ikina seryoso ng mukha ng Master pagkatapos mag salita.

HM: Bukas pa sila babalik dito. At nasabihan na rin ako nila dahil nakita ng hari at reyna ang isang babala.

Nagulat naman ang mga bata sa kanilang narinig, ngunit hindi nila iyon pinahalata.

Jam: Maghahanda po muna kami, Master. Salamat po sa impormasyon. 

Ganoon na lamang ang nasabi ni Jam pagkatapos ay sumunod sa kanya ang ibang kaibigan. 

Peter: Hindi tayo pwedeng pakampante.

Zack: Anong plano niyo? Sienna? Jam?

Saglit na nagkaroon ng katahimikan. Pagkatapos ay nakita nila na ngumisi si Yam. 

Oliver: what do you have in mind, Yam?

Yam: Ganito...... 

>>>>>

Dumating ang gabi at nanduon sila sa kani kanilang pedestal. 

flashback....

Oliver: what do you have in mind, Yam?

Yam: Ganito, magtitipon tipon tayo sa tuktok pagpatak ng gabi. Sienna and Jam, sa Hilaga kayong dalawa dahil kayong dalawa ang unang aatake sa kalaban kung sakaling lulusob sila. Zack, Oliver, Perrie sa Timog kayong tatlo para kung sa likod sila manggagaling madali niyong magagawan ng paraan. Grinn at Taffy sa Silangan kayo at kaming dalawa ni Peter sa kanluran, ganun din ang gagawin nating apat katulad ng sa kanila. Tama lang na magkakasama ang pagkakahalintulad ng lakas ng bawat isa. Kung sakaling may kalaban, alam niyo na ang gagawin. 

Tumango lamang ang magkakaibigan dahil sa isang magandang ideya ni Yam.  

flashback ends......

Katahimikan. Yan ang naghari ng dumaitng ang gabi sa Dragic Empire. Ang lahat ng estudyante ay nasabihan na maghanda dahil sa isang babala samantalang ang magkakaibigan naman ay naghahanda sa panganib na mangyayari. Ngunit nabigo sila dahil sumapit na ang kalaliman ng gabi ay wala pa ding nangyayari. Minabuti naman ng magkakaibigan na bumalik sa kani kanilang kwarto para makapag pahinga ngunit..

Sienna: Ano yun?

Agad naman kumaripas ng takbo si Yam na aagad namang sinundan ng magkakaibigan. Nagtransform ang walong kabataan into dragon. At tinungo nila ang tuktok ng Empire. Nakita nila ang isang parte ng shield ng lugar nila na may sumisira. Binilisan ng walo ang paglipad at naabutan nila si Yam na wala nang malay. 

Agad namang naglaho ang mga sumisira ng shield nila. Hinawakan ni Peter ang katawan ni Yma(dragon pa din) at inilipad ito papasok sa Empire. Nagkatawang tao agad sila at dinala si yam sa Clinic, inabutan naman nila si Nurse Mary.

Mary: Anong nangyari sa pinsan ko? Dali dito. Ilapag niyo siya. / Natatarantang sabi ni Nurse Mary sa siyam na pumasok. 

Inihiga nila si Yam sa clinic bed pagkatapos ay umalis ang mga lalaki papunta kay Headmaster Nair para sabihin ang nangyaring pagsalakay ng kalaban.

At Headmaster's Office.

Jam: Master, may nangyari....

HM: Alam ko, nakita ko kayo sa malayo. Sino ang nasaktan sa inyo?

Peter: Si yam po. Nakita na lamang namin siya na nakahandusay sa damuhan. Walang malay. Nasa Clinic na po siya kasama ang mga babae. 

Grinn: Tatlong taga Demonic Clan ang sumugod po kanina na ibinigay na impormasyon nitong dahon na ito. At ang isa sa kanila ay taga dito sa atin. 

Zack: Paanong nangyaring taga dito, Grinn?

Peter: May nakapasok? Pero di ba mahigpit ang seguridad natin, Master? Walang nakakapasok dito na taga Demonic Clan unles....

Jam/Peter/Grinn/Zack: Unless????

HM: Unless, may ginamit sila para hindi malaman na sila ay taga Demonic Clan. Huwag kayong mag alala,  handa tayo. At kaunting panahon na lang rin ay magiging handa na si Ivy. 

 Kinaumagahan, maagang ginising ang mga estudyante ng Dragic Empire dahil sa isang tunog na malakas. Kampana. Yan ang nasa isip ng magkakaibigan na kasalukuyang nag aayos papunta sa opisina ni Master. 

HM: Mabuti at nandito na kayo, mag siupo kayo. Sige lumabas na kayo diyan. / pagkatapos ay lumabas ang isang pamilya sa isang tagong kwarto sa opisina ni HM Nair. 

SILA: Ivyyyyyyyy!!! / Sabay group hug sa dalaga. 

KL: Oh baka hindi makahinga ang anak namin. 

Ivy: Ma.... este Queen Pearl, bakit tayo nandito?

QP: Pasensya na anak at nagulat ka sa biglang pagbalik natin dito. Dahil nung gabing kumakain tayo, may nangyari sayo. May binabalak ang ating kalaban. Isa iyong babala kaya nagmadali kami ng iyong ama sa pagpunta dito. At labindalawang oras kang tulog, Anak.

Ivy: Ano?!!!

QP: Oo, anak. Pagpasensyahan mo na kami ng iyong Ama. 

Ivy: Don't worry too much, Kaunti na lang, magiging handa na muli ako. 

Sumilay naman ang isang ngiti sa labi ni Ivy. 

Nung araw ding iyon ay nagkaroon ng mini reunion ang magkakaibigan. 

*****


THE BALANCER: DRAGIC EMPIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon