melophobia (short story)

197 1 0
                                    

MELOPHOBIA : fear of Music

(Philippines, Manila)

crews and manager of jollibee : We, the jolly people of Jollibee, do hereby cheerfully pledge to always satisfy our customers by consistently providing them with the highest standards of food,service and cleanliness; to work as one big happy family by doing our shares to the best of our abilities as a proud member of Jollibee team; and by respecting others as much as we respect ourselves. Therefore, we totally commit ourselves to excellence as we make Jollibee number 1 now and forever.

kitchen crew si Alpha at assigned sa kanya ang SODA station. Sya ang in-charged sa pag-operate ng Taylor Machine na gumagawa ng vanilla. Sya rin ang assigned sa paggawa ng mga brownies,pag-prepare ng mga ingredients sa ube cheesy magic at mango ice craze, pag-operate ng syrup machine kung saan dumadaloy ang mga softdrinks, at sya rin ang gumagawa ng mga sundaes: Rocky Road, Black Forest, at Choco Crumble.Sa madaling salita, trabaho nya ang paggawa ng desserts.

Pagkatapos ipaliwanag ng Opening Manager ang kanilang game plan ng production para sa araw na iyon ay dumiretso na si Alpha sa crewroom upang magbihis. Night shift kasi siya dahil 24 hour ang kanilang store. Naabutan na siya ng opening shift dahil natagalan siya sa pagka-CAYGO (clean-as-you-go).

Nagulat siya nang may biglang humalik sa pisngi niya habang inaayos niya ang kaniyang mga gamit sa locker.

Anton: "Happy monthsary." 

Alpha: "Ikaw talaga. Ginulat mo naman ako." 

Anton: "Gusto lang naman kitang i-surprised,Bebe ko. Heto pala ang gift ko sayo." 

Alpha: "Salamat,Bebe ko. Pero bakit green? Ngayon lang ako nakakita ng green rose."

Anton: "Ang sabi kasi sa nabasa kong article, sa langit lang matatagpuan ang green rose. At ang sini-symbolize ng green rose ay eternal love."

Alpha: "Ah, akala ko green rose kasi bubot pa. Pag red, hinog na. Haha! Joke lang! Salamat talaga,Bebe ko. You really surprised me."

Anton: "I love you, Alpha."

Alpha: "I love you more, Anton. Pero Bebe ko, next time mag-ingat na tayo ha. Alam mo naman ang policy dito sa company. Bawal ma-engaged sa relationship sa isa't-isa ang mga crew,kundi ay suspension o maaring termination pa ang maging parusa pag nakarating sa management."

Anton: "I understand. Pero ngayon wala namang nakakakita diba? Pahingi naman ng isang kiss oh! Please?"

Alpha: "Ikaw talaga! Mamaya na lang pagka-out mo para dalawa." 

Anton: "Sige na nga. Teka, check ko muna yung walking freezer at iche-check ko pa yung mga frozen items dun para i-thawed sa chiller."

Alpha: "Walking? Naglalakad? May paa?"

Anton: "Ay! Walk-in pala. Sorry,tao lang!"

Alpha: "Hehe, sige Bebe ko.Uwi na ako at papasok pa ako sa school. Ingat ka sa duty mo ha."

Anton: "Okay,Bebe ko. Ingat ka rin. See you later." 

Pagkalabas ni Alpha sa store ay nag-abang siya ng jeep na sasakyan niya pauwi. Napansin niya ang mga construction workers na nakabitin sa 12th floor at nagpipintura sa ginagawang building malapit sa Jollibee na pinapasukan niya. Naalala niyang bigla na kailangan nya nga palang tawagan sa telepono ang Tiyo niya para makahiram ng pambayad sa midterm exam niya. Kaya't dali-dali niyang pinuntahan ang phonebooth sa tabi ng waiting shed. Pagkapasok sa loob ng phonebooth ay akmang dadamputin na niya ang telepono nang bigla itong mag-ring. Nagtaka siya dahil imposible na maka-receive ng calls ang public phonebooth na iyon. Upang malaman kung sino ang tumatawag ay agad niyang kinuha ang telepono at itinapat sa tenga. Nakiramdam siya kung sino ang nasa kabilang linya nang ilang saglit lang ay isang sigaw ng babae ang kanyang narinig. Sa pagkagulat niya ay naibato niya ang telepono. Aktong lalabas na sana siya ng phonebooth nang biglang may isang lalaking tumatawid sa kalsada sa tapat mismo ng phonebooth ang nasagasaan ng jeep. Sa lakas ng pagbangga ay natalsikan pa ng dugo ang pintuang salamin ng phonebooth habang si Alpha ay naroon pa rin sa loob. Nagkagulo ang mga taong naroon. Dali-daling pinagtulungan ng mga tao na buhatin ang lalaki na nasagasaan at isinakay sa jeep upang dalhin sa ospital. Tila napako naman sa kinatatayuan si Alpha sa nasaksihang aksidente. Nang makaalis na ang jeep at mawala na ang mga taong nakikiusyoso ay lumabas na si Alpha sa phonebooth. Bigla niyang napansin ang isang MP4 na nasa lapag ng kalsada. Dinampot niya iyon at pinagmasdan. Nakabukas pa ito at tumutugtog. Luminga-linga siya sa paligid para kung makikita niya kung sino ang may-ari niyon. Hanggang sa maalala niyang naka-earphone ang lalaking tumatawid kanina bago nasagasaan. Marahil hindi narinig ang paparating na jeep kaya't aksidenteng nabundol ito. (*Lesson: Huwag mag-earphone habang naglalakad sa kalye.Maging alerto lagi sa lahat ng oras.) Hindi naman niya namukhaan kung sino ang lalaking iyon dahil sa bilis ng mga pangyayari. Binusisi ni Alpha ang MP4 at pinindot ang keypad nito para i-turn-on ang speaker.

melophobia (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon