Reign POV
"Goodmorning mom! Dad!" Bati ko sa kanila ng maabutan ko si mom na nagluluto habang si dad ay umiinom ng kape.
"Goodmorning din iha! Tulog pa si AJ?" Sabi ni mom.
"Opo!" Sagot ko naman saka naupo sa tabi ni dad.
Iniwan ko muna kasi si AJ sa kwarto habang natutulog pa, makabawi manlang sya sa pagod nya nung nasa Palawan sya.
"Nakapag usap na ba kayo kagabi?" Tanong ni mom.
"Yes mom! Okay na po! Naipaliwanag ko na sa kanya. Buti na lang po naintindihan nya." Masayang kwento ko sa kanila.
"Sabi ko naman sa iyo maiintindihan ka nya eh." Sagot naman ni mom.
"I like her for you iha. Mukhang responsable naman syang tao at professional." Napangiti naman ako sa sinabi ni dad.
"At understanding. Kung sa iba yan sigurado akong magagalit agad yan nung pinakilala mo kami pero sya mas pinili nyang makisalamuha sa amin ng ayos saka ka kinausap ng kayo lang dalawa. Hindi na ko magtataka kung bakit mo sya minahal." Nakangiting sabi ni mom.
"Yes she is. I'm so lucky to have her." Nakangiting sagot ko sa kanila.
"So kelan ang kasal?"
"Dad?!" Gulat na sagot ko.
"What!? Ayaw mo ba syang maging asawa? Nasa tamang edad ka na. And I know that she can help you once na ikaw na ang mamahala ng mga business natin." Maang namang nakatingin ako kay dad.
"Syempre gusto ko. Kaso hindi naman ganun kadali yun lalo na sundalo sya. Hindi pwede dun ang same sex marriage. Tsaka marami ng inaasikaso yun. Alam kong hindi nya kakayanin pang tulungan ako." Sagot ko naman.
"Edi hikayatin mong magresign sa pagsusundalo. Para makapagfocus na kayong dalawa sa business tutal madami na din naman sya nun eh." Hindi makapaniwalang napatingin ako kay dad.
"Yan ang hindi ko magagawa dad. Alam kong hindi nya basta iiwan ang pagsusundalo nya at tsaka nakilala ko syang ganun hindi naman pwedeng basta ko na lang syang paalisin dun. Ayoko syang pangunahan, kung aalis man sya sa pagsusundalo nya gusto ko sariling desisyon nya." Paliwanag ko.
"Hayaan mo na sila sa gusto nila sweetheart." Sabi naman ni mom kay dad.
"Okay! I'm sorry iha. Iniisip konlang naman ang future mo. Pero syempre ikaw pa din ang magdedesisyon nyan." Hinging paumanhin naman ni dad.
"I understand dad."
"Goodmorning po!" Sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita.
"Goodmorning din!" Sabay na sagot nila mom and dad.
Agad ko naman syang nilapitan at hinalikan sa lips. "Goodmorning din babe!" Bati ko din sa kanya.
"Tamang tama. Maupo na kayo dito ng makapagbreakfast na tayo." Sabi naman ni mom.
Masaya akong tanggap nila ang relasyon namin at botong boto sila kay AJ.
*****
Kasalukuyan akong nasa opisina ng clothing line ko ng biglang may magbukas ng pintuan kaya napatigil ako sa aking ginagawa.
As usual, ang magaling kong bestfriend lang naman ang pumasok kasama ang kanyang jowa.
"Naligaw kayo?" Tanong dito saka nagpatuloy sa aking ginagawa.
"Hi din bes! Grabe ka ngayon na nga lang ulit tayo nagkita ganyan ka pa sa akin kundi pa kita pupuntahan dito.. naku!!hmmm!" Pagdadrama nya.
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'
RomancePaano kung natagpuan mo na ang taong magbibigay muli ng kulay sa buhay mo? Magagawa mo bang sumugal muli sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala ang taong nagpapasaya sa iyo? Maghih...