PCvsCC : (Martin's Past)
Allen Frits POV
after magawa ang morning routines ko ay dumeretso na ako sa palengke para mamili ng sariwang isda, hipon at pusit, mag luluto ako ng special dish for my special visitor mamayang lunch, napag desisyonan ko kasing mag luto ng relyenong bangus, garlic shrimp, at grilled stuffed squid
"sir ano pong hiwa gagawin dito sa bangus?" tanong sakin ni ateng mag iisda
"paki separate po nung laman sa balat yung pang relyeno po"
"ok po sir" at dali daling kumuha si ateng mag iisda ng manipis na spatula at saka mabilis na ipinasok sa ulo ng isda at kinayod ang laman nito at saka binali ang bandang buntot nito saka buong buong nilabas ang laman nito, at saka binalot sa plastik
"sir ok na po bali 150 lng po" binayaran ko na si ateng mag iisda saka kinuha ung inabot nya "thankyou po" sabi ko saka ako umalis,
after kong bumili ng bangus ay nag ikot na ako para bumili ng hipon at pusit, bumili na din ako ng ilang pang rekado para sa lulutuin ko
9:40 na nung nakauwe ako sa bahay agad naman akong nag prepare ng mga kailangan ko para sa lulutuin ko, hinugasan ko na yung laman ng isda at saka ito pinakuluan at yung balat naman nito ay hinugasan ko at saka inasinan at inilagas sa freezer, nag hiwa ako ng shallots, bell pepper, tomato, garlic at carrots, na drain ko na din ung green peas na nasa lata, hinanda ko na din yung raisins at salted egg para sa pang palaman ko sa relyeno at pusit, nag laga naman ako ng 3itlog na gagamitin ko naman para sa pusit
ng maluto ang laman ng bangus ay pinalamig at hinimay ko na ito, tinanggal ko lahat ng tinik at saka ito ginisa at nilagyan ng rekado, ganun din ang ginawa ko sa ground pork na pang palaman sa pusit, matapos kong maiprepare ang mga ito ay ibinalot ko na sila sa mag kakabukod na aluminum foil at saka inilagay ulit sa ref, sinimulan ko namang linisin yung hipon at saka ito ibinabad sa tubig
10:30 na ng matapos ako sa pag hahanda ng maka received ako ng text
[kindly send you location para dyan na ako dederecho] text from martin
"location sent"
[ok 11:30 andyan na ako]
"ok ingat ka mr. sungit :)"
napangiti ako habang nag sisindi ng sigarilyo at saka tumunghay sa cellphone ko dahil baka mag reply pa si martin, hanggang s naubos nlng yung sigarilyo ko ay wala ng dumating na reply galing sa kanya kaya naman bumalik na ako sa kusina para mag saing at lutuin na yung hipon, pusit at relyenong bangus,
"ok tempt. set" sabi ko sa sarili ko nung painit ko ang oven dahil dito ko isasalang yung relyenong bangus, kinuha ko naman ung grill at saka pinainit at isinalang ko na ang pusit dito, matapos kong isalang yung dalawang ulam ay ginisa ko na yung hipon
--
woah natapos din, buntong hininga ko nung matapos akong mag luto at mag ayos ng lamesa saka ako nag tungo sa salas para sana maupo ng--
*beeeeeeep*
*beep beee beeeep beeeeeep*
sh*t di pa ko nkakapag bihis, sumilip ako sa oras sa cellphone ko at eh? 11:10 palang ha napaaga naman si martin
dali dali akong lumabas para salubungin ito,
Martin's POV
"oh anak aalis k nnman?" tanong ni mama
BINABASA MO ANG
Pastry Chef vs. Chief Cook (COMPLETED)
Romancea BOYxBOY love story tunghayan ang makulit, nakakatawa, at napasweet na kwento ang ating dalawang bida .. subaybayan kung paano sila sinubok at pinaglaruan ng tadhana .. paano nga ba sila magkakakilala, paano mag sisimula ang love story nila kung sa...