Maymay's POV
× × ×Lunes na agad?! Grabe siya oh! Hahaha Paano naman kasi, sobrang enjoy ng family day namin kahapon, lumipas lang ang mga oras ng ganun-ganun lang. Ang saya, kasi kumpleto kami tapos puro good vibes lang talaga.
Naalala ko tuloy si Edward. Dapat sinama pala namin siya. Sigurado ako, nagkulong lang nanaman yun sa kwarto niya at nakaharap sa computer ng maghapon. Hanggang ngayon, hindi ko parin maintindihan kung bakit walang oras sakanya ang mga magulang niya samantalang pag linggo ay andun lang din naman silang tatlo.
Hoy! Ano to!? Edward nanaman!?
Nahahalata kong napapadalas talaga ang dalaw niya sa isip ko ah! Sabagay, kahit naman sa bahay. Luhh? Erase, erase! Nakakapikon a! Yuck. Yuck talaga, parang itong si Kuya. Bigla ko nanaman kasing narinig ang ka-feelingan niya. Hahaha
"Ano, Maymay? Tititig ka nalang sa mukha ko? Alam ko ulam na 'to, pero kumain ka rin ano! Hahaha"
"Hindi ka ba napapagod i-angat ang sarili mo Kuya? Hahaha Wala bang fans na gagawa para sa'yo?! Hahaha"
"Eh kung dalian mo magcollege para malaman mong sikat ako? Hahaha Who-you ka sakin pag nagkataon!"
"Isang taon nalang, Kuya. Wag kang mag-alala. Malalaman ko rin talaga kung may fans ka. Hahaha"
As usual, si Kuya, puro hangin ang almusal. Hahaha Kung may isang mabuti siyang ginagawa araw-araw? Yung ihatid kami ni Yong. Buti nalang marunong siyang magdrive. Oh diba? May silbi siya. Hahaha
Naglalakad na kami papasok ng school nang nakita ko yung crush ko. Hala uy! Grabe! Grabe talaga! Ganda namang pang-bungad sa umaga.
Junior High palang si Yong kaya iba ang ruta niya kaysa sakin. Nagpaalam naman na siya, at teka, seryoso ba tong nakikita ko?! Papalapit sakin yung crush ko?! Homaygash!? Napangiti tuloy ako ng sobra-sobra.
"Bro! Hey! How you doin'?
Ha? Bro? Anong bro ka diyan? Sa ayos kong to, napagkakamalan akong lalake!? Utang na loob, nakaayos pa buhok ko ah!
"Great! Off to somewhere?"
Aba, teka lang! Pamilyar sakin ang boses na yan ah!? Kung hindi ako nagkakamali, at sigurado na nga akong hindi ako nagkakamali! Si Edward yan. Bwisit talaga to, panira ng diskarte! Kung may bumubuo ng araw ko, eto, siya tong tagasira. Hayy! Kahit kelan talaga!!
"Yeah. I gotta go. See you sa room!"
"Okay bro. Meet you in the hallway."
Nye Nye Nye. Whatever! Okay bro. Chuchu! Daming alam! Haynako talaga! Sabi ko nga kasi, mortal na kaaway ko rin to si Edward! Ganyan kasi yan. Lahat nalang ng gusto kong lalaki - kung hindi niya kakilala, siya naman ang kinakaibigan. Malas talaga! Tapos para sakanya di niya friends yung mga yun?! Ako dito naghihingalo para lang makausap sila eh!
"Asa." Bulong niya sabay dumaan siya sa harap ko. Kupal eh!
Ah ganun? Nung Sabado akala mo kung sino tong pumasok sa kwarto ko ng alas-tres ng umaga eh dahil hindi makatulog, noh? Tapos sasabihin sakin, "asa" ako? Sinong hindi mahahayblad sa nilalang na to?!? Bwisit. Best friend nga naman.
Kung pwede ko lang talaga siya patulan, matagal ko nang ginawa! Pero sabi ko nga, loyalista ako. Kung anong napag-usapan namin, tumutupad ako. Hayy! Umagang-umaga kumukulo nanaman ang dugo ko!!
Iisa lang naman ang classroom namin. Pareho kaming nasa Senior High na. Pasalamat talagang marami akong kaibigan, kahit paano nawawala stress ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Broken Promises (MayWard) - Completed
FanficBasta ang sabi ni Edward sakin: "Sometimes, there's just more to life in breaking promises." 💖