Nicole's POV
Andito kami ngayon sa isang restaurant ni Belle. Simula nung nagkita ulit kami 3 months ago, naging close na ulit kami.
"Sino yan?" sabi niya bigla.
"Huh?" bigla kong binaba yung phone ko.
"Kanina ka pa nagtetext diyan. Nakasmile ka pa habang nagtytype. Si Rain yan noh?"
Biglang uminit yung mukha ko. Nagsmile lang ako sa kanya.
"So kailan ko siya makikilala? Wait, kayo na noh?"
Nagdecide ako kagabi na sabihin na kay Belle na kami na ni Rain. Siya yung alam kong makakaintindi sa amin. Saka nabanggit ko na sa kanya dati pa yung about sa amin. I wanted to tell Max pero nasa New York na siya. So sasabihin ko na lang pag-uwi niya next month.
Pagtingin ko sa labas andun na si Rain. Papasok na siya dito sa resto. Tinex ko kasi siya na maglulunch kami ngayon. Pero hindi ko sinabi na kasama si Belle.
Makikita mo sa mukha niya na nagtataka siya kung sinong kasama ko. Nagsmile lang ako sa kanya habang papunta siya sa table namin.
"Hi" sabi niya sa amin.
Napatingin si Belle sa kanya. Tapos tumingin siya sa akin at saka ulit siya tumingin kay Rain. Tumatawa lang ako habang pinapanood ko siya.
Umupo si Rain sa tabi ko. I know that she wanted to kiss me sa cheeks pero nag-aalangan siya dahil kay Belle. Hinawakan ko na lang yung kamay niya.
"Uhm Rain, this is Belle. Bestfriend ko"
Inabot ni Rain yung kamay niya kay Belle para makipag-shake hands.
"Belle si Rain. And yes, kami na" sabi ko sa kanila.
Pareho silang nagulat. Well mostly si Rain.
Si Belle sa sobrang tuwa, tumayo pa siya at niyakap ako.
"I'm so happy for you"
Tapos lumapit siya kay Rain. Ihuhug na dapat niya si Rain pero tumingin siya sa akin.
"Ok lang ba?"
"Oa mo. Oo naman" sabi ko habang tumatawa.
So hinug niya si Rain.
"Ingatan mo si Nikki. You may be taller than me but I'm telling you malakas ako. So pag niloko mo bestfriend ko, itutumba kita"
Tumingin sa akin si Rain. Tumatawa lang ako.
"Well done my bestfriend. Galing mong pumili. Hindi mo sinabing ang hot pala nitong si Rain"
Nacoconscious tuloy si Rain.
"Nagkita na ba tayo dati?" sabi niya bigla kay Belle.
"I don't think so. With a face like that, I'm sure maaalala kita"
Natawa lang si Rain.
"Stop teasing her Belle"
"No but seriously. Parang nakita na kita eh" sabi ulit ni Rain.
"Maybe nagkasalubong na tayo somewhere"
"Siguro nga"
---------------------------
After namin kumain umalis na rin si Rain agad. Kailangan niya kasi bumalik sa office. Andito kami ngayon ni Belle sa resto.
Biglang seryoso yung mukha ni Belle. Hinawakan niya yung kamay ko.
"You know I'm happy for you right?"
"Oo naman" sagot ko.
"But what about your mom?"
Natahimik kami pareho. Hindi ko alam ang isasagot ko kay Belle. Simula nung naging kami ni Rain, hindi ko na naisip si Mommy. I know I will have to deal with her once na malaman niya yung tungkol sa amin ni Rain. Pero hindi ko pa naiisip kung ano nga bang gagawin ko pag dumating yung araw na yun.
"I honestly don't know" sabi ko sa kanya.
"Sino na bang may alam?"
"Ikaw pa lang"
Nagulat siya sa sinabi ko.
"What about her friends?" tanong ni Belle.
"I asked her na wag munang sabihin kahit kanino"
I saw how Belle looked at me. Nakita kong nag-aalala siya.
"I know that look. Bakit?" sabi ko sa kanya.
"I will be honest with you ok? And this is only my opinion"
"Go on" sabi ko.
"Sa ngayon alam kong naiintindihan ka ni Rain. Naiintindihan niyang gusto mong itago muna yung relationship niyo. But what about next month? Or the next few months? Pag nag one year kayo?"
Nakakunot yung noo ko. Hindi ko kasi maintindihan yung point niya.
"Nikki darating yung araw na tatanungin ka na ni Rain kung bakit kailangan niyo pang itago. What are you going to do if that day comes?"
"Hindi pa ako ready Belle"
"I know. I can totally understand that. And I know na naiintindihan rin ni Rain. But she can't be your secret forever. At some point you will have to tell everybody na kayo na"
"How I'm going to do that? Ni hindi pa nga ako nag-oout sa family ko. Paano ko pa kaya masasabi sa kanila that I'm in a relationship with a girl?"
Bigla na tuloy akong kinabahan. Hindi ko pinagsisihan na kami ni Rain ngayon. Coz I really love her and she makes me happy. Pero hindi ko maiwasan makaramdam ng takot tuwing naiisip ko ang family ko. I feel like I'm betraying my Mom. And hindi ko rin maiwasan na maawa kay Rain. Because she doesn't deserve this. I should be proud of her. I shouldn't be keeping her as a secret. I didn't think of this 3 months ago. I was so in love with Rain na hindi ko na inisip kung anong mangyayari once na naging kami na.
"Anong gagawin ko Belle?"
"Mahal mo ba talaga?"
"Sobra" sagot ko.
"Isa lang naman ng tanong diyan eh"
I was waiting for her to say it.
"Kaya mo bang ipaglaban?"
It hit me hard. Hindi ko naisip na baka umabot sa point na ipaglalaban ko si Rain sa family ko. Unti unti ng lumalabas lahat ng mga kinakatakutan ko.
"I don't wanna lose her Belle. If I have to, I will fight for her"
BINABASA MO ANG
Sweet Disposition
RomanceSequel to She's My Cold Coffee Are you willing to fight for the one you love? How long are you going to understand? Is love gonna be enough?