#1: His Idea

21 1 0
                                    

"Popularity's a weird thing. You can't really define it, and it's no cool to talk about it, but you know it when you see it. Like a lazy eye or porn." 

~Lauren Oliver, Before I Fall 

~*~*~*~

"Sure kang kaya mo na mag-isa?" tanong saakin ng pinsan. Tumango lang ako. Kaya ko naman talaga. Hindi ako takot maligaw ano.

Nandito kasi ako sa school niya dahil founding anniversary nila at may fair. Ang ganda nga dito eh. Kaya naman nagpumilit akong sumama kahit hindi niya ako masasamahan dahil naka-assign siya sa booth nila. 

Saka isa pa, cool dito. Walang nakakakilala saakin. Sawa na ako sa school ko eh. Lahat kilala ako. Nakakairita yung pagpaplastic ng mga tao.

I kind of belong to the "it" girls. Well... it's not like in movies naman. Pag sa real life.. hindi naman mean yung mga katulad ko. May confidence lang siguro. Specially my friends. Hindi naman sila mean, I meant us, pero dahil may may kataasan yung confidence namin, people mistaken us as mean. Masiyado lang kasing kakaiba ang nagagawa ng mga movies. Pati pananaw ng mga tao, naapektuhan.

Iniwan na ako ng pinsan ko at nagsimula na rin akong mag-ikot-ikot. Agaw pansin yung marriage booth. Kaya nakisiksik na ako.

May isang guy doon na medyo, okay fine, gwapo talaga na parang binenta ng tropa niya sa booth pera maging groom pero wala yata bride. Maraming nag-vo-volunteer pero snob lang siya.

"Palayasin niyo na kasi ako." His friends are holding his arms na para talaga ayaw siyang palayasin.

"Dito ka lang bro. Malay mo malimutan mo yung siraulo mong syota." Inismiran niya lang yung nagsabi nun.

"Lengwahe pare." sabi niya ulit. "It's not my fault if she fell out of love. Choice niya yun."

"Cheesy mo! Pumayag ka na kasi! Daming volunteer o. Pili ka lang." I guess he's quite popular.

But I really don't know kung anong pumasok sa isip ko at talagang lumapit ako sa harap niya. I flash him my infamous sweet smile and said "Gusto mo ako nalang? I mean... hmm.." Medyo nahiya naman ako.

"Hindi ka nag-aaral dito ano?" Tanong nung isang kaibigan niya. 

"Yup. Dayo lang ako."

"O, ayan na pre! Sige na." Umiling nalang yung guy at sinabing fine.

Pinasuot ako ng veil tapos pinaluhod kami. Ouch. Masakit pa tuhod ko dahil sa practice ng cheer dance.

Kung ano-ano yung sinabi nung fake na priest saka tinanong "Do you...?" nakatingin siya saakin kaya sinabi ko yung pangalan ko. Inulit nung fake ng pari. "Do you Zhaira take Keith as your beloved husband?" Natawa ako ng kaunti bago ko sinabing I do.

And well.. his name's Keith. Bagay sakanya. I've always imagined that the name Keith is for someone who's really, really handsome.

"And you Keith, do you take Zhaira as your beloved wife?"

Tinignan niya muna ako before saying I do.

Ngumiti pa siya ng kaunti. If my gals were here they'd be squealing oh-so-loudly right now. Not just a squeal. But a squeal that will definitely break your eyes. They're quite loud.

After ng ilang kung ano pa eh sinabi rin na "You may kiss the bride". Tinignan namin yung isa't-isa at sa hindi malamang kadahilanan, sabay kaming tumawa.

"Nah, I won't kiss her."

"Oh come on man!" sabi nung isa sa tropa niya.

"Saka na kapag totoo na." at tumawa siya ng kaunti. Tumawa nalang din ako even though alam kong pula na yung mukha ko. I probably looked like a cherry now.

Thirteen Strangers [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon