Hindi Mo Alam (One Shot)

712 23 9
                                    

Hindi Mo Alam

by ItsMePotato

 xxxxx

Ang gwapo niya talaga.

Napaayos ako ng upo nung makita ko siyang papalapit dito. Hindi ko alam pero ang bilis-bilis at ang lakas-lakas ng kabog ng puso ko. Paru-paro sa tiyan? Lagi ko yang nararamdaman 'pag andyan siya. 

Napapikit naman ako nung dumaan na siya sa harapan ko.

Ang bango...

Lihim akong napangiti nun. Kinuha ko na yung mga libro ko atsaka dumiretso na sa library. Ako si Gabby, third year highschool. Babae ako, kaso yung pangalan ko tunog-lalaki. Okay lang naman yan, kaysa maging tunog-aso diba? 

Isa akong dakilang grade-conscious. May malaking glasses. May braces. Invisible sa campus. Napapansin lang ako 'pag may mga paligsahan sa school about Science, Math.. lahat-lahat basta sa academics. Pero kagandahan? Wala ako nun. Pero may malalaki akong marka.

In short, ang tawag sa akin ng iba ay... Nerd.

Pero kahit ganito ako, hindi ako binubully. Friends ko lahat ng mga kaklase ko. Hindi kagaya ng ibang kwento sa Wattpad atsaka sa mga palabas sa TV, 'pag nerd, uso bully. Mabait kasi akong babae, pormal at loyal ako sa crush kong si JP.

Hindi ako obsessed.

Normal lang.

"Okay, let's have a quiz. Diba sabi ko naman sa inyo kahapon na mag-advance study kayo about the 5 main formulas?" Napangiti ako, buti na lang napag-aralan ko yun kahapon. Marami sa mga kaklase ko ang nagdabog at nagreklamo pero sabi ni Ma'am, magququiz talaga kami. Kaya no choice sila. 

Magsisimula na sana yung quiz nung biglang.....

"Good afternoon Ma'am. Sorry I'm late."

Lahat kami ay napalingon dun sa bandang likuran. 

"You're late again!"

Ibinalik ko yung atensyon ko sa papel. "Sorry Ma'am."

Ang boses na yun...... sobrang ganda sa tenga! Nakakainlove yung boses niya. Ang gwapo niya pa. Naramdaman kong umupo na si JP sa left side ko. Nabanggit ko na ba sa inyo na magkaklase kami? Magkatabi rin kami kaya 'pag may activities, ako yung tagasulat niya. Minsan kasi.. natutulog siya. O kaya 'pag may practice sila sa dance troupe. Okay lang naman sa akin. Crush ko naman siya eh. At sa pamamagitan doon, napapansin niya ako.

"Psssst." Napalingon ako sa kanya. Bumungad naman ang mukha niyang parang anghel... ang tangos ng ilong, mata niyang kumikislap, at ang ngiti niyang talaga namang nakakalaglag ng panty. Ang gwapo niya talaga.. kahit anong anggulo. Kahit pagpawisan, kahit natutulog.. walang kupas ang kanyang kagwapuhan!

At hindi ko namalayang halos dalawang minuto ko na palang sinusuri yung mukha niya, "Wag mo namang bilangin yung tigyawat ko Gabby." Atsaka nag-chuckle siya. Ang cute niya talagang------

OMG! Para naman akong binuhusan ng isang baldeng malamig na tubig nun.

Ugh! NAKAKAHIYA KA TALAGA GABBY! >_______<

Sobrang obvious na ba nung ginawa ko?! First time kong mapahiya kay JP! At nakakahiya talaga siya! Sabihin niya pang may pagnanasa ako sa kanya which is really true! Ayokong mahalata niya na crush ko siya noh! Mapahiya lang ako. Ang gwapo niya, pangit ako. 

Tumawa pa siya pagkatapos nun. Kaya kinuha ko na lang yung notebook ko at iyon ang ginamit ko para takpan ang mukha ko. Nakakahiya kasi yung ginawa ko. 

--

Kinabukasan, maaga akong pumasok dahil.... wala lang. Pero nagulantang naman ako nung pagpasok ko sa gate kasi hindi ko inexpect yung makikita ko. Hindi ko inasahang makikita ko siya.....

..kasama ang ibang babae. 

Tinignan ko yung babae mula paa hanggang ulo. Sandals check. Damit check. Jewelries check. Mukha shrek! 

Napatawa ako nun ng mahina. Nakita ko pang tinignan ako ng babae pero hindi ko na lang pinansin. Kung marunong lang sana akong mag-ayos, malamang, naging kami na ni JP. Pero hindi eh. Wala na akong magagawa. Kung gusto niya yan, susuportahan ko na lang siya. 

Ha.Ha.

Sino nga ba naman ako para sa kanya diba?

Tagasulat ng activities. 

I am nobody.

Invisible.

Napasinghap ako. Oo nga naman. Bakit ako umaasa? Umaasang maging kami? Nah. Kailanman hindi ako umasa. Oo, gusto kong mapansin niya ako. Kaya nga gumagawa ako ng activities niya eh. Siya yung dahilan kung bakit ako nag-aaral tuwing gabi. Siya yung dahilan kung bakit ko pinag-aralan yung 5 main formulas. Alam ko naman kasing hindi na naman siya nag-aral kaya atleast  mapakopya ko siya, diba?

At least mapansin niya ako.

At least malaman niyang may Gabby siyang kaklase.

May nag-iisang Gabby na nagmamahal sa kanya.

Kaso hindi niya alam eh.

Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Dali-dali ko naman itong pinunasan. 

Ngumiti ako ng mapait.. Sana malaman niya na andito ako. Handang gawin ang lahat para sa kanya. Sana malaman niyang siya ang dahilan kung bakit Valedictorian ako sa klase, kung bakit mahal ko ang grades ko. Gusto kong maging proud siya sakin. Gusto kong ipagmalaki niya ako bilang tagasulat niya ng activities. Sana ipagmalaki niya ako... ako na dahilan kung bakit nakakuha siya ng mga matataas na marka. 

Pero hindi niya alam. 

---

Ang gwapo niya talaga. Ang gwapo niya pa rin. After 5 years nang hindi kami nagkita. 

Napaayos ako ng upo nung makita ko siyang papalapit dito. Napangiti ako. Hindi ko alam pero ang bilis-bilis at ang lakas-lakas pa rin ng kabog ng puso ko. Paru-paro sa tiyan? Naramdaman ko na naman uli yan. 

Napapikit naman ako nung dumaan na siya sa harapan ko.

Ang bango... Ang bango niya pa rin. Ganun na ganun pa rin yung amoy niya nung high school. Walang nagbago, bukod sa tumangkad siya. Medyo pumuti yung balat niya. Ganun pa rin. Para pa rin siyang anghel... ang tangos ng ilong, mata niyang kumikislap, at ang ngiti niyang talaga namang nakakalaglag ng panty. Ang gwapo niya talaga.. kahit anong anggulo. 

Wala talagang nagbago.

Kasi yung pagmamahal ko para sa kanya, andito pa rin eh. Hindi nagbago. At kailanma'y hindi ito magbabago. 

Mahal ko siya... at hanggang ngayon... hindi niya pa rin alam.

Hindi niya pa rin alam yung dahilan kung bakit ako naging Valedictorian nung highschool. Hindi niya pa rin alam kung bakit ako nag-aaral ng 5 main formulas. Hindi niya pa rin alam na siya ang dahilan ng aking mga ngiti noon. Gusto ko sanang malaman niya ang lahat.

Pero huli na pala.

Two years ago, nagkaroon ako ng brain cancer. Unfortunately, I didn't survive.

Pero alam niyo ba, 'pag nakikita ko siya, nakakaramdam pa rin ako ng paru-paro sa tiyan, bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko.... kahit hindi na ako humihinga.. kahit di niya na ako nakikita...

Kaso hindi niya alam eh. :)

   xxxxx

Hindi Mo Alam (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon