Chapter 1: Bitch
Freya's Point of View
Sasakay na sana ako ng taxi nang mapansin ko ang tatlong lalaki sa unahan. Ang angas nila kung lumakad, talo pa ang hari ng kalye.
Ang papanget nila pero kung umasta parang nakakalagkag ng underwear.
"What? Will yah take a ride or what?!" tanong ng taxi driver na pinara ko. Wow! English, nosebleed ako d'on.
"Hindi na po manong," umirap si manong driver at diretsong pinaharurot ang sasakyan. Ang bakla ni manong.
Pero in fairness english si manong. Hindi nagpapahuli sa new generation. Napatingin ulit ako sa tatlong lalake at sinundan ko ang mga ito.
Tama nga ang hinala ko, sinusundan nila ang babaeng nakasuot nang makapal na salamin. Nakayuko ito kung maglakad habang yakap-yakap ang dalawang makapal na libro. Naka-ponytail ang buhok niya sa hindi maayos na pagkakasuklay. Her uniform doesn't even match her physical appearance. It's too long and, at the same time, big for her petite figure.
Lumiko sa kaliwang daan ang babae. Takot siyang napasulyap sa tatlong goons na nakasunod sa kanya. Alam niya naman palang may nakasunod sa kanyang mga panget bakit pa siya dumaan sa walang katao-taong lugar?
Mas binilisan ko pa ang lakad ko at baka ano pa ang gawin nila sa babae.
Pagkarating ko, agad akong nagtago sa poste. Tinignan ko ang poste, parang two times lang ang taba nito sa braso ko. Bobo rin pala ako, paano ako makakatago nito?
"Hoy nerd, dead end ka na. Tumigil ka!" Nanginginig na lumingon ang babae habang inaayos ang salamin.
"A-anong kailangan n'yo?"
"Ibigay mo sa'min ang lahat ng pera mo. 'Yon lang at makakaalis ka na." Agad na naghalungkat ang babae sa bag niya. Inilabas niya ang kulay pink na wallet na may design pa na Hello Kitty. Nanginginig pa itong inabot sa isang lalake.
Napapikit pa siya sa oras na tinanggap ito ng lalaki na nakatayo sa gitna, must be the leader. "Ito lang?! Four thousand? Eh balita ko big time pamilya mo?!"
Mas yumuko pa ang babae. "P-pasensya na talaga, 'yan lang ang dala ko. I-iniiwan ko kasi sa bahay ang pera ko." Halos mabiak na ang boses ng babae sa sobrang takot.
"Hindi ako naniniwala! Hala kapkapan n'yo siya!"
"Huwag! Please! Maawa kayo!" paatras na umiiyak ang babae.
Ang babastos talaga ng mga 'to. Kapkapan pa ang babae? Lumabas ako bago pa nila mahawakan ang babae.
"Layuan n'yo siya!" umalingawngaw ang boses ko, dahilan para mapalingon silang lahat.
Tinignan ako ng tatlong lalake mula ulo hanggang paa. Sabay pa nilang nilawayan ang kanilang labi.
"At sino naman ang magandang chick na 'to at gusto pa atang sumali?" sabi ng lalaki at lumapit sa akin. Tumayo siya sa harap ko, at ngumisi. Nanatili akong walang ekspresyon at diretsong tumitig sa mata niya.
Hahawakan na sana niya ang kaliwang braso ko nang magsalita ako. "Ako si Freya," ngumiti ako at agad na hinawakan ang kamay niya. I twisted his hand which brought him too much agony. He wailed in pain and went on his knees.
Habang siya ay nakaluhod, mabilis ko siyang sinuntok sa mukha na siyang ikinahiga niya. Nandilat ang mata ng dalawa.
I walked seductively. Nahanap ng dalawang mata ko ang isang bote. Galit silang tumakbo patungo sa'kin. Noong nakalapit na ako sa malaking bote, malakas ko itong sinipa. Sumapol ang bote sa mukha ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Peritia Academy
FantasyAbilities. Beasts. A game. A mind-boggling mystery. An extraordinary twist. Get ready to be enthralled. Fantasy/Mystery-Thriller/Action/Comedy Date Started: June 25, 2017 Date Completed: ___