Nasan Ako?

749 21 0
                                    

Nandirito sa apat na sulok ng kwarto
Hinahanap ang aking pagkatao
Umiiyak at iniisip ang pagtrato ng tao
Pilit hinanahap nawawalang piraso

Napakahirap gumawa ng paraan
Iniisip, oo nga para ba saan?
Yung sakit ng puso na nararamdaman
Yung tipong parang inapakan at sinasagasaan

Walang nakakaintindi sakin,
Ni walang gustong kumausap sakin
Kaya sakit ng puso laging kinikimkim
Isang milyong karayom nais akong tusukin

Kelan nga ba ako sasaya?
Kung palagi nalang akong mag isa
Minsan nawawalan na ng pag asa
Kung meron pa bang tao na pasasayahin ka

Lahat ng tao walang oras sayo
Tingnan mo ang paligid puro nalang blanko
Hinanap, Inisip bat puro ganto
Makikita lang sila sa imahinasyon mo

Naiisip na, ayoko ng ganito!
Palagi nalang lumuluha mga mata ko!
Ipipikit ko nalang sila at hihinto
Masakit man pero kakayanin ko.

Nasan Ako? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon