"T-teka po! Anong katibayan nyo?" ang nanginginig kong tanong. Pakiramdam ko ay tutulo na din ang mga luhang pinipigilan ko.
"Sa presinto ka na magpaliwanag." sabi ng isang pulis. Wala akong nagawa kundi ang sumama. Bawat malampasan naming tao ay iba ang tingin sa akin. Natatakot sila,nanghuhusga sila.
"Kendall! Susunod kami!" dinig kong sigaw ni Eunice ngunit hindi na ako lumingon. Nahihiya ako sa lahat ng taong nakasaksi at nakadinig.
Kaya hanggang makasakay sa police mobile ay nakayuko ako. At ang tanging nasa isip ko ay kung bakit ako itinuro ni Delo? Bakit nya ako idinadamay?
Pagdating sa police station ay kinausap ako. Ito din yung pinagkulungan sa akin dati. Paniguradong magugulat si kuya Gardo kung bakit ako ibinalik. Ang tanging tanong ko ay kung anong patunay nila na kasabwat ko si Delo.
Ilang saglit pa ay umupo si Delo sa kaharap kong upuan habang nakaposas sya. Awtomatikong lumipad ang paa ko sa sikmura nya sa sobrang galit ko. Inawat ako ng mga pulis. Nagliliyab ako sa galit.
"Ang kapal ng mukha mo! Pinatay mo na nga si Leila idadamay mo pa ako! Napaka walangya mo! Napaka wala mong puso! Putang ina ka!" tumulo na ang mga luha ko sa sobrang galit at gigil. Dapat din syang mamatay!
"Baka madagdagan ang kaso Kendall." walang ekspresyong sabi ni Delo. Tiningnan ko sya sa mga mata. Bakit iba nakikita ko? Bakit parang hindi sya guilty?
"Sya po ang dapat makulong at hindi ako! Tapos na ang kaso ko at napatunayan sa korte na wala akong kasalanan! Kitang kita yon sa CCTV!" nanggigigil ko pa ding sabi.
"Kung ganon. Paano mo ipagtatanggol ang sarili mo sa ebidensyang ito." sabi ng pulis at inilapit sa akin ang isang cellphone. Sigurado akong cellphone ito ni Delo. Binasa ko ang text at halos malaglag ang panga ko.
Kendall:
Uunahan na kita Delo. Hindi mo na aabutan pa si Leila. Wala kang kwenta.
"No! No! Text ko nga yan pero iba ang pinag uusapa--"
"See? Edi inamin nya mga sir? Inuutos nya pa dating patayin ko si Leila dahil gusto nya ako. Pero hindi ko magawa. May isa syang text na nabura ko sa pagkataranta matapos kong mapatay si Leila. Ang sabi sa text,ibablackmail daw nya ako pag hindi ko pinatay si Leila. Natakot po ako." mahabang sabi ni Delo,nag unahan na namang tumulo ang aking mga luha.
"Sinungaling ka! Hindi totoo yan! Makinig po kayo sa akin! Ang text na yon ay sinabi kong uunahan ko na sya dahil ang dami na nyang ginawa kay Leila. Uunahan ko sya sa pamamagitan ng ilalayo ko si Leila." humahagulhol kong sabi. Tiningnan ko isa isa ang mga pulis,huli kong tiningnan si Delo. May sinasabi ang kanyang mga mata pero hindi ko maintindihan.
"May ebidensya mister abalos. Sa ngayon ay mananatili ka muna dito at bibigyan ka namin ng pagkakataong humanap ng abogado." sabi ng chief police at may nagposas sa akin.
"Im sorry Kendall. Pero hindi ako papayag na mag isa dito." ani Delo na ikinalaki ng mga mata ko.
"Bawiin mo ang sinabi mo! Napaka walang puso mo!!" paulit ulit kong sigaw at pagwawala habang ipinapasok kaming dalawa sa kulungan.
"Aba?! Bumalik si Kendall!" sabi ng isang preso. Isa sa mga bata ni kuya Gardo.
"Mukhang na miss ka nila." nakangising sabi ni Delo. Sa galit ko ay binayagan ko sya,saka lumapit sa mga naging kaibigan ko dito dati.
"Ugh! Ang sarap mong gumanti! Pasalamat ka at ma-- at nakakulong tayo." ani Delo na tumatalon talon. Serves him right,baka mapatay ko pa sya dito sa loob.
"Nasan po si kuya Gardo?" ang tanong ko sa mga ito. "Dumalaw na ba si Orriz dito?" ang dagdag ko pa.
"Naku,nilipat na sa munti si boss,nahatulan na sya. Pero depende pa din kung mabibigyan sya ng parol." sagot ng isa. Nakaramdam ako ng ibayong lungkot. Wala na dito ang tanging kaibigan at taga pagtanggol ko.
BINABASA MO ANG
Love Above The Law
General FictionBOYXBOY BROMANCE GAY | Isa kang mabuting mamamayan,may magandang trabaho,may magandang set of friends. At kahit kabilang ka sa 3rd sex ay tanggap ka ng lahat. Paano kung isang araw ay magising ka na isa ka ng suspect sa isang krimen? Paano mo hahara...