Written By: WanderingMind
© 2014
PROLOGUE
Nagkaroon ka na ba ng taong itinuturing mong inspirasyon sa buhay bukod sa iyong pamilya?
Ako kasi ay oo. May iniidolo ako! Mahal na mahal ko siya. Sobra. Para sa akin, siya na yung pinaka-perfect na lalaki sa buong mundo.
Hindi ko nga rin alam kung pano nangyaring naging fan niya ko. Siguro limang taon na ang nakakaraan ng marinig ko ang boses niya sa radyo.
Ang gara ng boses. Parang boses ng bata. Baduy.
Pero di ko alam kung anong nangyari sakin at isang araw ay sinearch ko na lang sa youtube ang kanta niyang iyon. Paulit-ulit kong pinakinggan. Namangha ako.
Alam mo ba ang sumunod kong ginawa? Pinakinggan ko pa ang iba niyang mga kanta. Hindi ko namalayan na sa mga oras na iyon, ako pala ay nagiging isang fan na.
Isang BELIEBER.
At oo, si JUSTIN BIEBER nga ang iniidolo ko. Wala kayong pakialam doon.
Ako nga pala si Ayesha Marithé Alhambra.
Isang Certified Filipino Belieber.
At ito Ang Buhay ng isang Fan Girl.
**
BINABASA MO ANG
Ang Buhay ng isang Fan Girl
FanfictionSi Ayesha. Isang Belieber. Sa pagpapantasya niya sa kanyang idolo, ano kaya ang patutunguhan nito? Ito ang Buhay ng isang Fan Girl.