Umuulan.
Ang lungkot.
Ang ginaw.
Nakikisabay ang panahon sa kung anong nararamdaman namin ngayon.
Ramdam na ramdam ang lungkot sa kwartong inuupuan namin ngayon.Napakatahimik.
He was sitting at the right side of the bed, while I, facing the window, sitting at the left side of the bed.
Seeing and hearing the raindrops falling at the window.
The rain is too cold. Parehas sa nararamdaman namin ngayon. Too cold to talk with each other."Are you ready?" Agad akong naalerto sa pagkaupo ko nang agad sa tanong niyang yun.
Hindi ako mismo tumingin sa mukha niya pero nagside-view lang ako ng konti, nang sa ganun mas malinaw ang magiging sagot ko.
"Oo" walang emosyon na sagot ko sakanya.
'Hawak-hawak niya pala'
Hawak-hawak niya ang picture na nasa table.
'Yung picture naming dalawa. Kung san ang araw na yun ang pinakamasaya para saming dalawa.'
"Let's go" walang emosyong ulit na sabi niya at binalik yung picture sa mesa kasabay nung pagkuha niya sa susi ng kotse at kinuha rin ang coat niya.
*sigh*
Walang pipigil sa desisyon naming dalawa, kasi, kami mismo gumawa nun.
Sinout ko na rin ang jacket ko at kinuha ang sling bag pero bago pa ako lumabas sa kwartong yun, kinuha ko muna iyong picture at hinimas-himas kung panong ang saya naming dalawa dun, samantalang ngayon, wala nang pakialamanan sa nararamdaman para sa isa'i-isa. Binalik ko na yung picture at sabay labas sa kwarto.
'Ang tahimik'
Ang maririning mo lang ay ang engine, patak ng ulan, at yung mga kotseng busina ng busina.
Traffic at ulan.
Agad kaming pumasok sa bahay nung pupuntahan namin pagkarating namin dun. Walang usapan ang nagaganap. We both know what to do and we both feel the ambiance embracing us right now.
Kinuha niya ang payong dala niya sabay na lumabas sa kotse. Di na niya ako inintay, para saan pa?
At dahil wala akong dalang payong, medyo basa yung buhok ko pagkarating ko sa bahay.
"Bat di mo sinabing wala ka palang payong? Edi sana hinitay kita. Maabala mo pa yung Judge. Tsk."
Feel the coldness?
Di ko na lang siya sinagot kasi baka magkasagutan pa kami ngayon dito mismo sa harap ng pintuan ng bahay ng Judge.
Nag-doorbell na siya at ako, pinapahiran ko na lang yung damit at buhok kong napabasa medyo sa ulan dahil may dala naman akong panyo.
"Oh, Mr and Mrs. Eimeren, please please come in. Ang lakas kasi ng ulan, so I thought di na kayo matutuloy dahil medyo na late na kayo. But I'm sorry. Halika tuloy kayo"
Nginitian na lang namin ang Judge at tumungo nalang. Pinaupo niya muna kami dahil kukuha raw muna siya ng tea para medyo maalis ang ginaw sa katawan naming dalawa.
'Ang layo ng space namin sa isa't-isa'
Kahit medyo di kalakihan yung upuan, gumawa pa rin talaga kami ng paraan para di kami magkadikit.
"Here, drink this first bago tayo tumungo sa office at mag-usap"
Inamoy ko yung tea at sa amoy palang, ang bango na. Nakakaakit yung amoy niya. Inihipan ko muna yun at saka dahan-dahang ininom.