Nababalutan ng bulaklak ang buong simbahan noong linggong iyon. Ang mga taong naroroon ay pormal na pormal ang bihis. Iyon kasi ang araw ng kasal ni Carina.
Inip na inip na ang mga tao sa kahihintay sa babae, halos magkakalahating oras na itong late sa srili niyang kasal. Ang lalaking mapapangasawa nito ay pinagpapawisan na sa kahihintay s a kanya. Sa bawat kanto ng simbahan ay siya nag pinag-uusapan.
"Sa wakas!" sabi ng isang babae ng makita ang puting sasakyan na may bulaklak sa harapan na siguradong siyang sinasakyan ni Carina.
Nagulat ang mga tao ng lumabas ito, halos ang lahat ay pigil na pigil ang tawa ng makita ang hitsura nito. Ipit naipit ng girdle ang bewang nito. Ang mukha ay halos hindi mo makilala dahil sa kapal ng make-up at ang buhok ay higpit na higpit sa pagkakatali.
"Tiba-tiba si Kiko kay Carina," sabi ng isang lalaking lumuwa ang mata ng makita si Carina.
"Papaya ba yan," panloloko pa ng isa ng makita ang labas na cleavage nito.
Sa kalagitnaan ng seremonya, isang babae ang umagaw ng pansin ng mga tao, at ito ay si Anna, dahil sa maganda niyang boses na nagbigay emosyon sa walang kabuhay-buhay na kasalang iyon. Halos lahat ng tao ay napatingin sa kanya ng kantahin niya ang walang kamatayang "Ikaw" na maririnig mo saan mang kasalan ka magtungo. Ngunit ang lalong napanganga dahil sa simpleng hitsura nito ngunit talaga namang kaakit-akit ay si Adrian.
"Diyos ko ano ba ang nangyayari sa akin?" tanong ni Adrian sa sarili habang hindi inaalis ang tingin kay Anna.
"Ang galing-galing mo talaga iha," sabi ng isang babaeng lumapit kay Anna matapos ang kasal.
"Salamat po," sagot niya.
"Alam mo bang bilib na bilib sa'yo ang anak kong naroroon." Sabi pa ng babaeng kausap niya at tinuro ang lalaking naroroon sa isang sulok. Nang makita ng lalaki na tinuturo siya ng ina ay tumayo ito at nilapitan siya.
"Hi I'm Paul Torres, ang galing mo talagang kumanta, bilib na bilib talaga ako sa'yo." Ani ng lalaki.
"Sabi nga ng nanay mo, thank you."
"Gusto ko sanang ikaw ang umawit kapag ikinasal na ako," pagbibiro nito.
"Oo ba, iyon lang pala, kailan ba ang kasal?" ani Anna na seryoso sa pagtatanong.
"Malayo pa, wala pa kasing papakasalan," ani Paul.
"Ganoon ba, eh di matagal pa 'yon," siya naman ang nagbiro.
"At least hasang-hasa ka na." pagbibiro muli ni Paul.
"Sandali lang," ani Anna ng makita si Adrian sa isang sulok na nakatitig sa kanya. Nangingiti niya itong nilapitan. "Anong masasabi mo?" masayang tanong ni Anna kay Adrian."
"Y-you're great," nauutal na sabi ni Adrian na para bang nakakita ng kung ano.
"Talaga?" masayang sabi ni Anna na may kasamang ngiti.
"Talaga."
"Hayi!" natutuwang sabi nito at para bang nawala sa sarili at niyakap at hinalikan si Adrian. Ang halik niya ay para lamang sa pisngi ngunit dahil sa nabigla si Adrian sa yakap niya ay nauwi ito sa labi na talagang ikinabigla hindi lamang nilang dalawa kung hindi ng mga taong nakapaligid sa kanila.
Nabigla si Adrian sa ginawang iyon ni Anna at ganoon din si Anna. Mabilis na inalis ni Anna ang kamay mula sa pagkakayakap kay Adrian at lumayo ito. "Sige diyan ka muna," ani Anna sabay talikod at iniwan si Adrian na bigla pa rin na para bang lumipad ang isip.
Nang iwanan niya si Adrian ay nilapitan naman siya ni Paul.
"Again, I am impress, I hope na we could get to know each other." May kaarogantehang sabi nito kay Anna.
Gaya ng dati, kung wala siyang maisagot, dinadaan niya na lamang sa ngiti. At lumakad na siya papalayo, paiwas sa lalaking iyon.
"See you again!" sigaw ni Paul sa papalayong si Anna.
"Adrian, gusto kang makausap ni Padre Gabriel." Sabi ni Bining matapos ang kasalan.
"Bakit daw?" tanong niya sa matandang babae.
"Hindi niya sa akin sinabi." Sagot ni Bining.
Sumunod si Adrian kay Bining at pinuntahan ang pari.
"May kailangan po raw kayo sa akin Padre." Tanong niya sa pari.
"Sinabi ko naman sa'yo, pag-isipan mo muna ang mga hakbang na gusto mong gawin." Ani Padre Gabriel.
"Hindi ko po kayo maintindihan." Naguguluhang sabi ni Adrian.
"Sa simula pa lang ng seremonya kanina nakatingin na ako sa'yo Adrian, hindi mo lang alam. Paano mo malalaman, iba ang tinitingnan mo, at tiyaka nakita ko rin iyong ginawa ni Anna sa'yo kanina."
Nagulat si Adrian sa sinabing iyon ng pari, parang nahiya siyang tingnan ito sa mata.
"Hindi naman po ako ang humalik sa kanya." Nakayukong sabi ni Adrian.
"Hindi nga ikaw, pero alam mo ba ang naging reaksiyon mo, ako, alam ko, dahil tinitingnan kita. At naaala mo ba noong sumakit ang ulo mo? Binantayan kita habang nagpapahinga ka. At alam mo ba kung ano ang sinasambit mo noon, pangalan ni Anna." Kuwento ni Padre Gabriel.
Parang napahiya lalo si Adrian sa sinabing iyon ni Padre Gabriel. Hindi niya alam ang naging reaksiyon niya kanina dahil talagang nabigla nga siya sa ginawang iyon ni Anna, at kahit ngayon ay bigla pa rin siya.
"Patawad po padre," paghingi niya ng paumanhin.
"Huwag ka sa akin humungi ng paumanhin, sa Kanya ka humingi," ani Padre Gabriel sabay turo itaas. "sinabi ko naman kasi sa'yo Adrian, sa ganitong klaseng gawain, ang kailangan ay maging matatag ka, hindi ka dapat agad nagpapadala sa tukso. Sa nakikita ko sa'yo, mahina ka, hindi talaga ito ang propesyon na dapat mong tahakin."
"Pero gusto ko po ang ginagawa ko," pangngatwiran ni Adrian.
"Hindi sapat iyong gusto mo lang ang ginagawa mo, ang kailangan sa propesyon na ito ay ang pagiging tapat mo sa ginagawa mo. Adrian, hindi pa naman huli ang lahat, kung nanaisin mo ay maaari ka pang bumitiw."
"Pero Padre, ang paglilingkod sa Diyos ang nakapagpapaligaya sa akin."
"Iho, maaari ka namang maglingkod sa Diyos ng iba ang propesyon mo, hindi mo kinakailangang mag-pari."
"Pero nakapagdesisyon na po ako."
"Ang gusto ko sana ay pag-isipan mo muna ang desisyon mo."
Sa sinabing iyon ni Padre Gabriel ay wala na siyang maisagot. Sa pakiramdam niya ay may punto ang pari sa mga sinabi nito sa kanya, ngunit lalo itong nagpagulo sa kanyang isipan at nagpabigat sa kanyang dibdib.
Nang gabing iyon ay hindi mapakali si Adrian. Iniisip pa rin niya ang sinabing iyon ni Padre Gabriel. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nagdasal ngunit hindi niya maisentro sa Diyos ang kanyang pag-iisip dahil ang mukha ni Anna ay patuloy na nagpapakita sa kanyang isipan. Isang katok ang bumasag ng tahimik niyang pag-iisip.
"Sino Iyan?" tanong niya.
"Si Anna."
Kinabahan si Adrian. Hindi niya alam kung bubuksan niya ang pinto. Lumapit siya sa pinto at binuksan ito. "Pasiyensiya na Anna, pero wala akong lakas para makipag-usap sa'yo ngayon. Kung maaari ay sa susunod na lang." Ani Adrian at marahan niyang isinara ang pinto.
Nabigla si Anna sa naging reaksiyong iyon ni Adrian kahit alam niya kung bakit ito ginawa ng lalaki. Iyon nga ang dahilan kung bakit niya naisipang katukin ang pinto nito ng gabing iyon. Dahil sa ginawang iyon ni Adrian ay wala ng nagawa pa si Anna kung hindi ang umalis.
BINABASA MO ANG
A Summer To Remember
Teen FictionMay isang tag-araw na hindi makakalimutan si Anna..