Queen 1Tila binuhosan ako ng malamig na tubig sa narinig ko.
"Ano ulit yung sinabi mo?" Tanong ko sa lalaking kaharap ko. Gustong gusto kong sipain siya palabas dahil sa sinabi niya.
"A-Ate sorry"
"Sumali ka sa grupo na nila sino?"
"Sa grupo nila Supremo" Mahina nitong sabi. Mabilis ko namang hinagis sa kanya lahat ng makita ko dahil sa inis at galit ko.
"Bakit mo ginawa yun?! Ken naman! Alam mong delikado yung pinapasukan mo! Nag-iisip ka ba?!"
"G-Gusto ko lang tumulong ate"
"Tumulong?! Ken hindi ka nakakatulong sa mga ginagawa mo! Pinapahamak mo ang sarili mo!"
"Ate matutulongan kita"
"Sa anong paraan Ken? Sa paraan ng pananakit?! Ken pagod na pagod na ako tapos ginawa mo pa to" Umiyak na ako dahil sa bigat ng loob ko.
"Kaya nga ako sumali para matulongan kita. Matutulongan nila tayo ate. Hindi mo na kaylangang magtrabaho. Sabi naman ni Supremo sasamahan ko lang sila sa mga lakad nila"
"Umalis ka sa grupong yan!"
"H-Hindi pwede. M-Magagalit sila sa akin ate. Baka saktan nila tayo" Napasabunot ako sa buhok ko.
"Ken lumayas ka sa harap ko. Ayokong makita ka" Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya. Ginawa naman niya yun ng walang salita.
Napakagat ako sa labi ko. Ginagawa ko to kapag naiinis ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa pagkaka-alam ko hindi pwedeng umalis sa grupo ni Supremo. Makapangyarihan si Supremo. Kaya niyang gawin lahat ng gusto niya. Madali lang para sa kanyang saktan kaming dalawa ng kapatid ko.
Bumuntong hininga ako at tumayo. May klase pa ako kaya kaylangan ko ng pumasok. Lumabas ako ng bahay na wala na ang kapatid ko. Hindi ko alam kung saan pumunta yun. Nagsimula akong maglakad papunta sa eskwelahan ko. Malapit lang naman yun. Ayoko namang sumakay ng tricycle. Gastos lang yun.
"Irene!" Lumapit ang kaibigan ko na may iba't ibang color sa buhok niya.
"May bago daw member ang Shadow!"
"S-Sino?" Nagkibit balikat siya at pinulopot ang braso niya sa akin.
"Gwapo daw sabi nila" Tama naman yung balita. Gwapo naman talaga yung kapatid ko. Mukha nga siyang isang model.
"Carry, lahat naman yata ng member ng Shadow, gwapo para sayo"
"May point ka dyan Irene" Natigil kami sa paglalakad ng may mga babaeng sumigaw "Nandito na ata sila"
Tinignan namin sila habang naglalakad na parang sa kanila ang daan at ang mga babaeng kilig na kilig habang nakatingin sa kanila. May nahihimatay pa kapag tinitignan sila. Ang oa lang.
"Is that Ken? Yung kapatid mo? S-Siya ba yung bagong sumali kina Supremo?"
"Oo. Pero aalis naman siya"
"Irene, nasa panganib yung kapatid mo! Bakit siya sumali?" Napabuntong hininga ako.
"Ewan ko. Nahanginan ang utak"
"Pero hindi naman problema yun. Hindi naman siguro ipapahamak ni Supremo ang grupo niya. Matagal na rin ng masangkot sila sa isang gulo. Tsaka, ligtas kayong magkakapatid sa ibang tao"
Hindi ko nalang siya sinagot. Nakita ako ni Ken kaya yumuko ito. Mukhang guilty siya sa ginawa niya. At hindi naman talaga siya sanay na galit ako sa kanya kaya alam kong iiwas muna siya at magpapaka good boy para mawala ang galit ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Supremo's Queen (COMPLETED)
Teen FictionWhen Irene knew that her younger brother joined a group that envolves hurting people, she was determined to convince her brother to leave the group. But if her brother leave the group, he might end up 'dead meat'. Nobody leave the group without the...