Isa

3.2K 8 0
                                    

"Oy Mau! Favor naman!"

"Ano na naman?!"

Tanghaling tapat, kinukulit ako ng isang ito. Busy ako sa pagsusulat ng assignment ko ng biglang tumawag at iyan agad ang bungad sa akin.

"Eh kasi! Yung kaibigan ko, si Aaron? Naghahanap ng student na pwedeng ma-interview for his project. Pinakiusapan ako kahapon kung pwede daw, ikaw ang interview-hin,"

"Hoy Andeng! Teka nga,"

Napatigil ako sa kasalukuyang ginagawa ko.

"Paano naman ako nakilala niyan, aber?! Isang beses pa nga lang ata kami nagkita nan. Saglit lang din pati yun dahil in-excuse lang naman kita n'un dahil mangungutang nga ako sa'yo n'un, diba? At saka, ba't ako?"

"Haler? Si Aaron pa ba? Basta nakakita yun ng maganda, natatandaan agad ang mukha. Saka ewan ko kung paano nalaman pangalan mo. Pinagtanung-tanong siguro. Yun pa! Nagulat din nga ako nung nalaman kong kilala ka at ikaw pa ang napiling interview-hin."

"Dapat sinabi mong busy akong tao! Hindi ako pwede! Ang daming estudyante sa atin, ba't ako pa?"

"Crush ka niya raw kasi,"

Ako? Crush ni Aaron? Tss. Malabo. Oo, gwapo si Aaron. Mayaman, mabait daw sabi nila, maganda katawan, talented pa. Pero argh! I'm not interested.

"Sabihin mo, ayoko!"

"Pero besh, kasi..."

"ANO?!"

"Wag ka namang ganyan, beshy! Sabi niya kasi, pag napapayag daw kita, tutulungan niya akong mapalapit sa kaibigan niya na ultimate crush ko since freshies pa tayo."

"Yung Clark ba yun?"

"Oo besh! Huhuhu. Alam mo naman siguro kung gaano ko kagusto yung tao, diba? Kaya nung sinabi sa akin ni Aaron yun, I grab the opportunity agad!"

"At dinamay mo pa ako sa kalandian mo, ganun?"

"Besh, interview lang naman! Sabi niya pa, mga five to ten questions lang naman daw yun tapos, done na!"

"Ayoko talaga, Andrea. Sorry. Kung tinadhana kayo ni Clark sa isa't-isa, kung ano pa man at magiging kayo din."

"Maureen naman... Please? Kahit wag mo na akong bayaran sa utang mo sa akin. Pumayag ka lang. Please? Serve this favor as your payment,"

Napaisip naman ako. Nasa tatlong libo din kasi yung utang ko sa kaniya. Pinambayad ko lang dito sa inuupuhan ko. Kinapos lang talaga ako nung oras na yun dahil halos nagsabay-sabay ang mga bayarin. Maka butas bulsa talaga ang pagko-kolehiyo. Hay.

Pero kung iisiping mabuti, tatlong libo rin yun. Kung babayaran ko siya, ang ten thousand na allowance ko for a month, magiging seven thousand na lang. Mas lalo akong kukulangin sa dami ng bayarin. Kung papayag naman ako sa favor niya, mukhang mas maganda. Tutal, interview lang naman yun. Five to ten questions lang, bayad agad ang tatlong libo kong utang. Makakatulong pa ako sa kalandian niya. Alright!

"HOY MAUREEN, ANO NA?!"

"OO NA!!!"

"HA?! ANONG 'OO NA'? PAYAG KA NA?!"

"OO NGA! WAG KA NGANG SUMIGAW! AAYAW AKO, SIGE!"

Walang talab na pagbabanta ko sa kaniya. Kulit.

"WAHAHAHAHAHAHA! YAHOO! ANG SAYA KO! KINIKILIG AKO! CLARK MY LOVES! MAPAPA-SAKIN KA NA NGAYON! HAHAHAHAHAHA! WEEEEEE~"

Hindi naman halatang masaya siya, no? May pagtili pa eh. Sakit sa tenga.

"Hoy Andeng!"

Pagpuputol ko sa pagtili niya at pagbulung-bulong ng 'Clark'.

"Yes my pretty and kind, friend? Hihihi,"

"Tigilan mo ako ha. Kailan ba ang interview? Siya ba ang ang magse-set ng date o ako?"

"Uhh, Mau? Bukas na ang interview."

"HA?!"

"Makasigaw ka naman! At saka, wala ka namang gagawin diba? Ako na nag-set ng date for you. Naisip ko na sobrang busy mo, at mahirap makasingit ng oras sa'yo kaya inagahan ko na. Okay naman daw sa kanya."

"Hoy ikaw babae ka ha! Ikaw ba ang interview-hin? Ikaw pa nag-set ng date."

"Edi sabihan ko na lang siya na hindi ka pwede bukas. Kailan mo ba gusto?"

"Hmmm... Napag isip-isip ko, okay lang din pala na bukas. Magiging busy na nga din pala ako starting Monday."

"Hahaha, kitams? Nga pala, sabi din niya na diyan na lang daw sa apartment mo gagawin ang interview."

"Ha? Paano niya nalaman na nangungupahan ako? Saka bakit dito? Wag! Sa iba na lang!"

"Sabi niya, nakakahiya naman daw sa'yo kaya siya na lang pupunta. Ayaw daw niyang pag aksayahan mo pa ng pagod ang project niya. About sa apartment mo, di ko din alam kung ba't niya alam. Baka stalker mo? Hala besh! Ang gwapo ng stalker mo! Ay! Admirer pala. Crush ka din naman niya, ayieee~"

Napa-irap ako sa sinabi niya. Stalker? Admirer? Tss. Iba kutob ko eh.

"Anong oras bukas?"

"Yun nga itatanong ko eh. Anong oras ba gusto mo?"

"Wow, nagtira ka pa ng pwedeng itanong sa akin. Nahiya naman ako."

"Eh hindi ko din kasi alam eh. Inisip ko nga kung umaga na lang kaso tanghali ka na gumising lalo pag weekend. Kaya sabi ko sa kanya, itatanong ko na lang sa'yo. Iyon ay kung papayag ka. Eh pumayag ka naman kaya, hooray! Hahahaha! So, anong oras?"

Nag-isip ako. Ano bang magandang oras?

"Mga 1pm siguro? Ayoko naman ng masyadong hapon at baka abutan pa siya ng gabi dito. Lalo na't masama pa ang panahon, baka mahirapan pa sa pag-uwi,"

"So thoughtful naman, Mau. Sige sige, sasabihan ko si Aaron. Thanks friend, ha? I love you so much! Nandito lang ako pag kailangan mo ako. Mapa financial, hahaha! Alam mo yan."

"Lukaret ka! Sige na, babye na."

At in-end ko na ang tawag niya at pinag patuloy ang ginagawa. Maswerte din pala ako kahit papaano. Kahit na hindi ganoon kaswerte sa pag-ibig, at least, sa kaibigan masasabi kong pinagpala ako. Kahit na kaunti lang sila. Gayundin sa pamilya ko. Kahit na kapos at may sakit pa ang tatay ko, nagagawa pa din nila akong pag-aralin at suportahan. Mahirap nga lang dahil malayo ako sa kanila, buwanan lang kung umuwi ako. Sa Diyos din, Siya ang laging gumagabay sa akin at hinding-hindi ako pinababayaan.

Alas-sais y mejia na ng gabi ng matapos ko ang pag kain ng hapunan. Pagkatapos kong linisin ang pinagkainan ko, nanood ako ng t.v at habang busy ako sa panonood, may nagtext sa akin.

Unknown number.

"Thank you so much! See you tomorrow, Maureen. ;)"

Aaron?

The InterviewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon