In Love Ako Sa'yo

3.1K 111 75
                                    

A/N: Haha.. Base on my Dream.. :) Sana magustuhan po.. Thanks..

========================================================

"Oh, Che, ikaw na bahala sa anak ko ha. Mag-ingat kayo dun." sabi ng mama ko kay Che.. Pasakay na kasi kami sa bus.. May fieldtrip kasi kami at 2 days and 1 night  yun..

Si Che.. Chelito Mondragon.. Kapitbahay at kababata namin ng ate ko.. Schoolmate ko rin.. May gusto nga ako sa kanya eh.. Mahal ko nga ih..Kaso, si Ate lang ang napapansin niya.. Ako nga pala si Anne.. Carla Anne Fernandez..

"Opo, Tita. Sayang nga lang po at hindi makakasama si Casey." sabi niya.. Ate ko si Casey.. Classmates ko sila ng Ate ko.. Same year level lang kami kasi isang taon lang ang tanda nila sa'kin..

"Oo nga, Mama." segunda ko.. Nagkasakit kasi ang Ate ko at kailangan magpahinga..

"Sige po, Tita. Alis na po kami." paalam niya sa mama ko.. 

"Bye, Mama." humalik ako sa pisngi ng mama ko at pagkatapos ay sumakay ng bus.. Naupo ako sa medyo gitna ng parte ng bus.. Katabi ng bintana ang pwesto ko.. Katabi ko si Che sa upuan.. Habang biyahe, ang ingay ng mga classmates namin.. 

"Anne, para daw sa'yo sabi ni Tonio." inabot sa'kin ni Josep ang isang chocolate bar at bumalik na sa upuan niya..

"Salamat." sabi ko..

"Ano ba yan? Ang cheap." komento ni Che..

"Pakelam mo ba? Inggit ka lang." mataray kong sabi.. Bakit ba lagi na lang mainit ang ulo niya kay Tonio? Si Tonio ang isa sa mga classmates ko at nagpapahayag ng pagkagusto sa'kin..

"Hindi naman masarap yan." sabi pa niya..

"Bakit? Nakatikim ka na ba nito ha?" tanong ko.. Idinuldol ko pa sa mukha niya yung chokolate..

"Ano ba?" tabig niya sa kamay ko..

"Hmft." inirapan ko siya at humarap na lang sa labas ng bintana.. Hindi kami nag-imikan hanggang makarating kami sa hotel na tutuluyan namin.. Lagi na lang kami ganito.. Parang aso't pusa.. Away-bati.. Si Ate nga lang nag nakakapagpaayos sa'min ih..

"Ok, class.. May designated rooms kayo.. Bawal makitulog ang boys sa room ng girls. Okay?" sabi ni Teacher namin.. "Now, go to your rooms." katapat lang ng room namin ang room nina Che.. Pagkatapos mag-ayos ng gamit.. Bumaba na kami sa lobby.. Mamamasyal na kasi kami..

"Wow. Ang ganda naman dito." sabi ko.. Kasama ko ang mga ka-roommates ko na sina Shene at Mae.. Nasa garden kami.. Ang daming naggagandahang bulaklak.. "Picture tayo." nilabas ko ng digicam ko..

"Doon naman tayo sa may falls." sabi ni Mae..

"Sige, tara." sabay naming sagot ni Shene..

Picture dito.. Picture doon.. Pero may napansin ako sa mga picture ko.. 

Si Che.. Palagi siyang kasama sa mga picture ko.. Malayo nga lang ang kuha niya.. Pero sure ako na siya yun.. At sa lahat ng picture.. Palagi siyang nakatingin sa direksyon ko.. Bakit kaya? Ay, oo nga pala.. Binabantayan siguro ako.. Pinagbilin nga pala ako ni mama sa kanya..

Nang pahapon na.. Bumalik na kami sa hotel.. Gagawa pa kasi kami ng posters tungkol sa napasyalan namin.. Syempre, kapag may gagawin.. Okay lang na pumunta ang boys sa room ng girls.. Kaya heto kasama namin sa room sina Che, Tonio, Josep at Mark.. Kami kasi ang magkaka-group.. Nagsisimula na kaming gumawa..

"Nagustuhan mo ba yung bigay ko?" lumapit sa'kin si Tonio at yumapos sa bewang ko..

"Salamat ha." inalis ko ang kamay niya sa bewang ko.. 

"Walang anuman." iniyakap pa rin niya ang kamay  niya sa bewang ko..

"Anne, halika nga dito. Tulungan mo 'ko." tawag sa'kin ni Che.. Paglingon ko. Salubong ang kanyang mga kilay na nakatingin sa amin..

"Oh, sige. Tonio, ikaw na muna dito." dali-dali akong lumapit kay Che..

"Ano ka ba? Nakikipaglandian ka pa. Imbes na nagawa ka dyan." inis na sabi sa'kin ni Che..

"Hindi naman ako nakikipaglandian ah." mataray na sabi ko..

"Hindi daw. Pinuluputan ka na nga eh." 

"Ewan ko sa'yo. Dyan ka na nga." nilayasan ko siya..

Nang maghahapunan na.. Nagpunta kami sa kainan sa hotel.. Kumuha na kami ng pagkain at naghanap ng pwesto..

"Anne, dito na kayo sa tabi namin." sabi ni Tonio..

"Sige. Tara." aya ko kina Shene at Mae..

"Anne!" tawag sa'kin ni Che.. "Dito na kayo." kinuha niya ang tray ng pagkain ko..

"Che, nakakahiya kina Tonio. Sila ang unang nagyaya ih." sabi ko habang nakasunod sa kanya..

"Doon na nga lang kayo sa pwesto namin." pamimilit niya..

"Pero, Che." magpoprotesta sana ako..

"Pag sinabi kong dito kayo. Dito kayo." mariing sabi niya.. Nagpanting ang tenga ko..

"Ano bang problema mo?" tanong ko sa kanya..

"Ikaw ang problema ko." sabi niya..

"Ewan ko sa'yo. Kaya ko naman ang sarili ko." mataray na sabi ko.. Heto na naman.. Away na naman kami.. Hirap naman maintindihan ng lalaking to.. Minsan okay kami.. Minsan hindi..

"Dito ka lang sa tabi ko." sabi niyang nakatingin diretso sa mga mata ko..

"Bahala ka. Ang hirap mong intindihin." sabi ko..

"In love ako sa'yo. Mahirap bang intindihin yon?"

 A/N: haha.. hanggang dyan lang po.. ginising na kasi ako ih.. haha.. hindi masyado detailed.. hirap i-recall ang panaginip.. haha.. Please.. VOTE AND COMMENT and LIKE na rin.. :) salamat.. :)

In Love Ako Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon