THE SPY (The Lian Bellerose Diaries)

225 2 1
                                    

The Spy

Katelyn Rodriguez is a 24 year old bachelorette and works as an undercover agent. Nag-aral siya ng Criminology sa New York, at nagbalik dito sa Pilipinas upang paghusayin ang napag-aralan. Ang ama niya ay naglilingkod bilang isang Heneral sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas. 

                Hindi sineseryoso ni Katelyn ang trabaho niya. She only wants adventure. Kaya lagi siyang napapagalitan ng mga nakatataas sa kanya. Ngunit dahil anak nga siya ng Heneral, walang silang magawa upang pasunurin siya.

                Biyernes ng hapon, ipinatawag ng Heneral si Katelyn para sa isang importanteng misyon.

                “Ayoko nga!” Ang sabi ni Katelyn sa kanyang ama. “Ano namang gagawin ko do’n? Sumayaw?”

                “No.” The General said.

                “Ayoko. Baka pagkamalan pa akong dancer.” 

                “Katelyn!” The General snapped.  “This is for you. Not for me.”

                “I want to go back to New York. I’ll stay there for good.”

                “After this mission, ako mismo ang magpapadala sa’yo sa New York. F.B.I called me, said they need you there. Your promotion, I guess. ”

                Katelyn grinned. “So when am I going to start this mission?” 

~~~

               

                Si Carol ay nagtatrabaho tuwing gabi bilang dancer sa isang malaking club sa Maynila, at waitress naman tuwing umaga. Her parents died 2 years ago, at ngayon ay nakikitira siya sa may-ari ng club, at bilang kabayaran, nagtatrabaho siya para rito. 

                Alas-dos ng hapon, oras na ng pahinga ni Carol. Nililigpit na niya ang pinagkainan ng mga customers, nang bigla siyang tinawag ng katrabaho niyang si Maica. “Carol, ikaw muna bahala do’n sa isang customer. Sige na oh,please. May sakit ang anak ko, kailangan ko nang umuwi.” Pakiusap nito sa kanya.

               

                “O sige,ako na bahala.” Ang sabi naman niya.

               

                Mabait na bata si Carol. Hindi siya marunong lumaban, o magreklamo man lang kaya minsan ay naaabuso na ang kabaitan niya.

                Nilapitan niya ang dalawang customer na naghihintay na kuhanin ang kanilang order. “Hi Ma’am! Hi, Sir! May I get your orders, please?” Ang sabi ni Carol habang hawak ang isang booklet.

                “Clubhouse sandwich for two, please.” Ang sabi ng babae.

                “Any drinks po?”

                “None.”

                “Okay. Five minutes po, Ma’am. May I get your name?”

                “Katelyn Baltazar.”

                “Thank you.”

                Aktong aalis na si Carol, nang bigla siyang tinawag muli ni Katelyn. “24 hours ba kayong open?” Ang tanong nito.

THE SPY (The Lian Bellerose Diaries)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon