Isang linggo na akong walang trabaho.Isang linggo na din akong nanatili sa loob ng bahay.
Sumilip ako sa bintana at nakita ko na naman nakatingin sa apartment ko ang bagong tenant sa kabila.Agad akong nagtago.Natatakot ako sa paraan ng pagtitig nito sa akin.Pero mabait naman ito dahil simula ng lumipat ito dito ay binibigyan niya ako ng ulam o kahit anong pagkain.
Kinaumagahan ay binulabog ako ng mahihinang katok sa pinto.Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang bagong tenant sa kabila.May dalang bowl ng ulam sa kamay.
"Kunin mo." Sabi nito sabay abot ng dala nito.
"Salamat."Sabi ko at kinuha ang binibigay nito.
Namayani ang katahimikan.Ang tingin nito na parang may gustong sabihin.Hindi ko maiwasan matakot dito.Ganto na lang kasi ang laging binibigay nitong tingin ngunit wala namang sinasabi.
"Sige po."Paalam ko rito.Ayoko man maging bastos kaso hindi ko na matagalan pa.Kinikilabutan na ako sa titig nito.
Ilang araw pa ang lumipas at ganon at ganon ang nangyayari sa pagitan namin ng bagong tenant.
Ngunit nagbago ang lahat ng pakalabas ko ng kwarto ay bumungat sa akin ang tenant na 'yon sa loob ng apartment ko.Nakatayo ito sa sala.Gumimbal sa'kin pulang pintura sa dingding.
"Ano ginawa mo?"Galit at halos sigaw kong sabi dito.
"Wala akong ginagawa."Walang emosyon sabi nito.
"Ano ang tingin mo sa pulang pinturang yan?"Napupuyos kong sabi dito sabay turo sa dingding.
"Hindi ako ang gumawa n'yan.Matagal ng nandyan ng pinturang 'yan."Kalmadong sabi nito.
"Pinapalabas mong ako may gawa ng pinturang 'yan!" Sigaw ko rito.
"Tumahimik ka na.Tigilan mo na ang pagtigil sa lugar na ito."Sabi nito.
"Ano bang sinasabi mo?"Kunot noong tanong ko dito.
"Wala ka bang naaalalang nangyari sayo?"Tanong nito.
"Walang nangyayari sa akin.Baliw ka ba?"Nanlalamig na ako sa mga sinasabi nito.Natatakot na ako.Tumatayo na ang balahibo ko sa kilabot dahil presensya nito.
"Tignan mo ang sarili mo."Kalmado ngunit bakas ng lungkot sa boses nito.
Sinunod ko ito.Kinapa ang sarili.Napatigil ako sa leeg ko.Hiniwakan ko iyon.Tinignan.Nataranta ako.B-bakit may tali sa leeg ko?Nakita ko din ang maraming sugat sa pulsuhan ko.Ang damit ko ay puno ng tuyong dugo.
"Anong ginawa sa'kin?!Tangalin mo 'to!"Takot kong tanong dito.Habang pilit tinatangal ang lubid sa leeg ko.
"Bakit hindi ang sarili mo ang tanungin mo n'yan.Umalis ka na." Sabi nito.
"Ano bang sinasabi mo?"tanong ko.
"Patay ka na."Sabi nito.
"H-hindi.Hindi!" Sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Pula(One shot)
HorrorNormal naman ang buhay ko. Ngunit simula ng tumira ang tenant sa kabilang apartment ay maraming hindi maipaliwanag pangyayari ang nagaganap.