Devil # 35

2.4K 66 18
                                    

A/N : Sorry po sa late update na naman. Read and enjoy.

--

Chapter 35

//

Last night was the best night of my life so far. Napaaga tuloy ako ng pasok today kasi gusto ko siya makita. Ngayon lang talaga ako kinilig ng bongga. Si Adrian kasi. Bakit napakagetleman niya kagabe? Pero anyways, ang saya ko. Ang saya saya ko.

Biglang may tumakip sa mga mata ko kaya kinapa ko kung sino. " A-Adrian? " tanong ko sabay tanggal ng kamay niya sa mata ko. Agad din naman akong tumalikod para makita kung sino yung nagtakip sa mga mata ko.

Nakita ko siya, nakangiti. " He-hello. " Yan na lang ang nasabi ko sa sobrang kaba. Hindi ko alam na kaya ko palang maramdaman ang ganito.

" Hello lang? Wala bang 'I love you' dyan? " tapos bigla siyang tumawa.

" Ano itong nakikita at naririnig ko? Kayo na ba? " sabay singit ni Bestfriend Leslie sa usapan namin. Kakadating lang niya pero kung makachismis agad samin ni Adrian. Nako!

" Hi-hindi 'no. " pagtanggi ko. Hindi naman kasi talaga.

" Pakipot pa 'tong si Bhes e. " sabi ni Leslie sakin tapos humarap siya kay Adrian. " Ikaw Adrian. Sagutin mo ako. Kayo na ba? Sinagot ka na ba ng bestfriend ko? " sabik na sabik na tanong ni Leslie.

" Gusto ko nga sana kaso ayaw ng bestfriend mo e. Tsk tsk. " sabi niya Adrian.

" Nako Bhes, sagutin mo na si Papa Adrian. Mahal na mahal ka nito. Sigurado ako. Para may cale ako lagi, katulad nung dati. Diba Adrian? " Natawa na lang si Adrian tapos tinakpan ko agad yung bibig ni Cloe kasi kung anu-ano na nalabas sa bibig ng babaeng 'to eh.

" Maghunos dili ka nga Bhes. " bulong ko kay Leslie habang tawa lang ng tawa samin si Adrian.

Biglang full force na tinanggal ni Leslie yung kamay ko sa pagkakatakip sa bibig niya. " Sige. Maiwan ko muna kayong dalawa diyan. Yieee. " sabay labas niya ng room.

" Kita tayo afterschool. I'll show you something. " tapos tumayo siya bigla sa pagkakaupo niya.

" Anong ipapakita mo? " tanong ko.

" You'll see. " then he smiled. " Sige. I've got to go back sa classroom. See you later. " then he waved at me atsaka siya lumabas ng room namin.

Ano kaya yung ipapakita niya saken. Haaay. Sige, hindi ko na iisipin. Makikita ko din naman mamaya eh.

After mga 15 minutes nagsidatinggan din yung iba kong mga classmate at after mga 30 minutes, nagsimula na ang klase. Napakaaga ko kasi talaga kanina kaya antagal kong naghintay.

He's A Devil [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon