Just a Dream

76 4 4
                                    

PANAGINIP

(Kwentong Pag-ibig)

Prologue

Panginip, isang pangyayaring minsan gusto mong mangyari sa totoong buhay. Kung minsan naman ay itinatatak mo nalang sa iyong isipan bilang isang malaking bangungot.

Pero paano kung ang panaginip mo ay magkatotoo? Ano ang gagawin mo? Paano kung doon sa panaginip mo may masamang nangyari?

Itutuloy mo pa ba ito o iibahin mo na ang istorya?

CHAPTER 1

Bago ko umpisahan ang aking kwento magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Kisha Mae Salonga, sekundarya sa isang pribadong paaralan sa aming probinsya. Hindi kami ganun kayaman pero hindi rin naman kami mahirap. Average lang ang estado ng aming pamumuhay. Kaya masaya ako dahil kahit na hindi kami mayaman ay napapa-aral parin ako ng aking mga magulang sa isang pribadong eskwelahan. Bilang pamalit sa kanilang paghihirap ay pinagbubutihan ko ang aking pag-aaral. ~

Alas singko na nang umaga. Naririnig ko na ang pagtilaok ng mga manok sa aming bakuran. Dali-dali akong tumayo at tumungo sa palikuran upang maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos kong magpunas ng mukha ay dumiretso ako sa kusina upang magtimpla ng kape at kumuha ng makakain. Inihapag ko ito sa mesa at kinuha ang aking libro. Habang kumakain ay nagbabasa ako ng mga aralin dahil mamaya na ang pagsusulit sa aming paaralan. Pagkatapos kumain ay naligo na agad ako, sinuot ang aking uniporme at umalis ng bahay para pumasok sa paaralan.

Habang nasa sasakyan ako, pinagmamasdan ko ang mga taong nakasakay ko. Parang ako lang yata ang naiiba, dahil ang mga kasakay ko ay mag-asawa o kung hindi naman ay magkasintahan pa lamang. May hawak na isang kumpol ng mga pulang rosas ang babae at mayroon pang isang malaking paper bag na sa palagay ko ay mayroong isang malaking surpresa sa loob. Nakaakbay ang lalaki sa babae o di kaya naman ay magkahawak ang kanilang mga kamay habang nagkukwentuhan at nag-aasaran. Biglang huminto ang aming sinasakyang jeep at napatigil ako sa aking pagmamasid. Naalala ko bigla na kailangan ko pang mag-aral para sa pagsusulit namin mamaya. Muli kong binuksan ang aking libro atsaka tahimik na nagbasa. Habang ang mga kasakay ko ay naglalambingan, heto ako, hawak-hawak ang isang makapal na libro, nag-aaral nang mabuti dahil ayokong bumagsak at makakuha ng mababang grado.

Tumigil na ang sasakyan at bumaba na kaming mga pasahero. Alas syete pa lang ang pasok ko at mayroon pa akong natitirang tatlumpung minuto kaya napagdesisyunan ko na lamang maglakad papunta sa aming paaralan tutal malapit na rin naman ito. Habang naglalakad, nagmamasid na naman ako. Malamig ang simoy ng hangin na parang pasko. Kabilaan naman ang mga kainan na bukas ng bente kwatro oras. Ang mga kasabay kong naglalakad ay pawang mga estudyante rin sa paaralan na pinapasukan ko. May hawak silang mga papel na malamang ay kanilang reviewer, natural na lang ito sa akin dahil tuwing darating ang araw ng pagsusulit ay may kanya-kanyang gawa ng reviewer ang mga mag-aaral. Yung ilan sa mga estudyanteng kasabay kong naglalakad ay may hawak-hawak na isang tangkay ng pulang rosas at pangiti-ngiti pa habang may kausap sa kanilang cellphone.

Napadaan ako sa isang malaking simbahan atsaka ako nagtanda ng krus. Napansin ko na sa labas ng simbahan ay maraming nagtitinda ng bulaklak. Iba’t ibang klase ng bulaklak ang makikita na mayroon ding iba’t ibang kulay. May ilang bumibili ng piraso lang at mayroon ding bumibili ng maramihan. Sa tabi ng nagtitinda ng bulaklak makikita rin ang mga lobong kulay pula at hugis puso na binebenta rin. Mabentang-mabenta ang mga ito lalo na sa mga binata’t dalaga. Halos mga estudyante ang bumili ng mga ganito. Malapit lang kasi ang aming paaralan sa simbahan na tinutukoy ko.

Anong meron sa araw na ‘to? Bakit aligaga ang mga tao sa pagbili ng mga bulaklak at kung ano-anong bagay na kulay pula? Pilit kong iniisip kung bakit parang uso yata ngayong araw ang mga bulaklak at lobong hugis puso. Basta ang alam ko lang, ngayon magaganap ang pagsusulit sa aming paaralan kaya dapat lang na mag-review ako. Hindi ko talaga maisip kung anong espesyal sa araw na ‘to hanggang sa makarating ako sa aming paaralan. Napadaan ako sa malaking gate ng aming paaralan at laking gulat ko sa aking nakita, isang malaking tarpaulin ang tumambad sa aking harapan at may nakasulat na “HAPPY VALENTINES DAY!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon