halika , MAMA. lapitan mo ako . hipuin mo at damhin mo ang mga sakit ko.
huwag kang matakot , MAMA . hindi ka naman natakot noong patayin mo ko.
heto, hipuin mo ito... Nararamadaman mo ba ito ngayon , Mama? Ang di matingkalang
sakit na nanunuot sa mura kong katawan? Ikaw ang may kakagawan nito, hindi ba?
Tingan mo ang aking katawan , ngayon ay bulto na lamang ng nabubulok na laman at
namumuong dugo. Ang mga latak ng isang munting katawan ng tao noon. Isang katawan noon
ay malambot at may maliit na ulong may manipis na buhok ng isang sanggol. Isang maliit na
katawang may munting pusong tumitibok nang kasabay sa pagtibok ng sa iyo.
ang mga ito ang aking daliri. Heto ang aking hinlalaki na aking sinisipsip habang na
sa iyong sinapupunan.
Tignan mo, mahaba ang aking pilik matang kiatulad ng sa iyo. At heto ang aking taingang nakakarinig ng mabilis na pag tibok ng iyong puso kung ikaw ay natatakot.
Naging kahanga hanga sana kong bata kung hinayaan mo kong mabuhay. MAMA.
Isa sana akong sanggol na lalaki tulad ng inapangarap ni Papa. isang malaking bulas na karga-kargahin mo. Ang aking kalikutan ay marahil ay ikakainis mo.
Si papa? Hmmm.... sya sana ang coach ko sa baseball. Siya ang tagahagis at
ako naman ang taga palo, lalaki sana akong isang manunulat. Ipagmamalaki nyu ko
dahila sasali ako sa mga paligsahan.
MAMA, tignan mo ,buhay ako noon, ngunit hindi na ngayon. Kaya, pakiusap
hayaan mo ang bunso kong kapatid na lalaking buhay. Magiging isang kahanga-hanga
din syang bata katulad ko. Ang kanyang buhay ay hindi mapapagay sakin. IANG BUHAY NA HINDI BINIGYAN NG PAGKAKATAON.
by: maryln sanchez.
first place in national school press conferance (NSPC)