Yes, bintana na naman. The first story of mine na Bintana rin ang title is from my own window talaga. But this time, kwento ito ng bintana ng kapitbahay namin na si Ara. Matagal ko nang napapansin to pero sinasawalang bahala ko lang. Kaya lang nagiging trigger din ito ng anxiety at paranoia ko. Might as well ibahagi ko na sa inyo ang kwentong ito.
Matagal ko nang nakikita ang isang babae na nakadungaw sa bintana nina Ara. Mga edad labing siyam ang babaeng yon kung titingnan. Tanging ulo lang niya ang nakalitaw na para bang may sinisilip sa labas. Ang pinagtataka ko, ano naman o sino ang sisilipin niya gayong loob ng bakuran lang namin ang makikita niya.
Madalas ko siyang makita tuwing madaling araw pag nagigising ako ng maaga para pumasok sa trabaho. Lagi akong napapatingin sa bintanang iyon na para bang may kung anong boses ang nagsasabi sa aking tumingin ako.
Nang makasalubong ko si Ara nung umagang papasok ako, tinanong ko siya tungkol sa babaeng dumudungaw sa may bintana niya. Nawiwirduhan na kasi talaga ako.
"Ah, si Jessa yun. Pinsan ko. Niluwas ng maynila ng tita ko kasi pagagamot daw nila sa East Ave. Eh dun muna sa kwarto ko pinatulog. Lagi ngang dumudungaw yun pag napasok ako ng kwarto. Baka gustong lumabas. Kaso bawal siya eh. Baka atakihin sa puso."Nung oras na yon, parang natauhan ako at naisip na wala naman pala akong dapat ikabahala.
Ngunit nang mga sumunod na linggo, mas naging creepy o weirdo ang babaeng yon na Jessa daw ang pangalan. Kung dati ay ulo lang niya ang nakalitaw sa kurtina, ngayon ay buong katawan na niya. Nang pinagmasdan ko ito habang nakatingin siya sa mga ulap, doon ko napansin na halos buto't balat na lang siya at buti kinakaya niyang tumayo ng matagal sa may bintana.
Mas naging kakilakilabot para sa akin ang mga sumunod na araw nang umuwi ako ng ala una nang madaling araw at nakita ko siyang nakasilip pa rin sa bintana! Ganun pa rin ang posisyon at suot nito. Pagpasok ko ng gate ay bigla siyang tumingin sa gawi ko at ngumiti. Wala na siyang ngipin, puro bagang na lang. Inisip ko na lang ngitian ito pabalik dahil baka depressed lang ito dahil sa kanyang sakit.
Kinabukasan, nasalubong ko si Ara na nag aantay ng taxi dala ang dalawang malaking bag. Tinanong ko ito dala ng kyuryosidad ngunit nagulat ako sa mga sinabi nito...
"Pumanaw na si Jessa nung isang araw pa. Inatake sa puso nang umaga. Hindi na naihabol sa hospital. Dadalhin ko lang tong gamit kay tita."
Nung isang araw pa? Eh bakit nakita ko pa siya kahapon bago pumasok at nung gabing umuwi ako? Pumasok ako ng trabahong lutang ang isip. Pag-uwi ko kinagabihan, may tumawag sakin mula sa itaas. Ahh, baka si Ara, sa isip isip ko. Mahilig kasi itong dumungaw lalo na kung chismis ang hatid nito. Pag tingala ko sa bintana ganun na lang ang hilakbot ko... si Jessa nga!

BINABASA MO ANG
Kababalaghan: Mga Misteryong Hango sa Totoong Buhay.
Cerita PendekMahirap paniwalaan ang isang bagay na hindi mo pa nararanasan. Ngunit paano kung bigla silang magparamdam sayo? Maniniwala ka na ba?