Ang kwentong ito ay ibinahagi sa akin ng aking Nanay. Tungkol ito sa kanyang pinsan na papangalanan nating Marisol.
Dalaga kami ni Marisol ng mga panahong iyon. Lagi kaming magkasama dahil nagpupunta ako madalas sa kanila para makipag kwentuhan. Namana niya ang mestisahing balat sa kanyang ina kaya naman maraming nagkakagusto dito. Napaka masiyahin at palabiro niya kaya naman hindi na ako magtataka kung mas mag kagusto lalo sa kanya ang mga lalaki sa amin doon.
Ngunit sa lahat ng mga nagbabalak manligaw sa kanya ay hindi niya pinapahintulutan. Ang lagi niyang sinasabi ay nakareserba na daw ang puso niya sa isang lalaki at mahal niya daw ito. Bilang isang malapit na pinsan niya ay hindi ko maiwasang magtaka dahil sa wala naman daw itong naipapakilala o nababanggit sa kanyang mga magulang tungkol dito, maski na sa akin. Ni wala silang nakikitang dalaw nito at lagi lang nasa bahay o nasa hardin.
Isang araw, papasok na ako ng bahay nila ng marinig ko ang boses ni Marisol sa may hardin na tila may kausap ito. Agad ko itong pinuntahan sa pag aakalang baka ito ang lalaking kanyang tinutukoy. Ngunit ng makarating ako doon ay wala akong naabutang kausap niya. Tanging siya lamang ang nagsasalita mag isa.
Naramdaman niya siguro na naroon ako kaya bigla itong lumingon sa gawi ko. Ganoon na lamang ang gulat ko ng parang galit na galit siya sakin kasabay ng panlilisik ng kanyang mga mata.
"Ayaw ni Adon na may nakikinig sa usapan namin! Bastos!!"
Simula noon lagi na siyang irita sa akin at hindi ako pinapansin. Hindi na rin ako nagpupunta doon sa pag aakalang galit pa rin ito sa akin.
Nang sumapit ang kaarawan niya, inimbita kami ng tiyahin ko kaya naman kahit nagdadalawang isip ay pumunta ako...
"Oh Len, pasensya ka na sa inasal ko sayo ha. Bati na tayo. Seloso kasi masyado si Adon. Pero pinaliwanag ko na sa kanya na best friend na pinsan kita." sabi ni Marisol sa akin nung gabing yon.
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niyang yon at nag enjoy na lang sa mga pagkaing inihanda nila. Alas dyes ng gabi ng sabihin sa akin ni tiya na doon na lang ako matulog sa kwarto ni Marisol dahil gabi na kung uuwi pa ako. Madalas naman kami magkasama ni Marisol matulog lalo na kapag wala si Tiya sa bahay dahil sa may mga importanteng nilalakad ito.
Tuwang tuwa si Mirasol dahil magkasama daw ulit kami. Lagi kasi kaming nagkukwentuhan ng mga nakakakilig na eksena sa radyo nobelang aming sinusubaybayan tuwing tanghali.
Alas dos ng madaling araw nang maalimpungatan ako sa langitngit ng kama niya. Nasa kutson sa lapag kasi ako natutulog. Para bang may kaharutan siya sa kama kaya ito nagalaw ng mabilis. Pinilit kong dahan dahan na dumungaw para kumpirmahin kung tama ang aking iniisip, ngunit pagtingin ko ay nakatalukbong ito ng kumot.
BINABASA MO ANG
Kababalaghan: Mga Misteryong Hango sa Totoong Buhay.
Short StoryMahirap paniwalaan ang isang bagay na hindi mo pa nararanasan. Ngunit paano kung bigla silang magparamdam sayo? Maniniwala ka na ba?