Chapter XI - God's Love Gone MAD!

1.4K 55 1
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental***

NAMTAR's POV

Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin ng lumapat ang kaniyang mapupulang labi sa aking nakabukang bibig. Ilang segundo lang ang lumipas ngunit pakiramdam ko ay nalulunod ako. Nalulunod ako sa emosyon na nararamdaman sa kaniya..

Enlil… Enlil..

Enlil…

Naitulak ko si Riko palayo sa akin ng biglang tumunog ang aking telepono. Tiningnan ko ang maliit nitong screen. Tumatawag si Enlil. Napatingin ako kay Riko na naihilamos ang kaniyang palad sa mukha at humiga sa aking tabi. Hindi man lang nagtakip ng sariling katawan ng magbigay ng senyas sa akin upang sagutin kung sino man ang tumatawag.

Lihim akong nagpasalamat kay Enlil sa pagtawag sa akin ngayon. Nagiging emosyonal na si Riko at hindi ko alam ang gagawin. Wala akong ideya kung anong aking magagawa kung naitinuloy niya ang kaniyang balak.  Sanay ako na lagi siyang nagbibiro at tumatawa ngunit hindi ang ganitong pagkatao.

“H-hello?” sambit ko

“Bakit ngayon mo lang sinagot ang telepono?” galit na boses ni  Enlil ang agad kong narinig.

“Hindi ko naman alam na tatawag ka”

“May iba pa bang rason para bigyan kita ng telepono? Siyempre para matawagan ka”

“Pasensiya na..” hingi ko ng paumanhin. Pinagmasdan ko si Riko na nagsuot muli ng roba at lumabas ng kuwarto.

“I’ve been texting you. I called you several times din pero ni isang reply wala?!”

Hindi ko maintindihan ang kanyang inaasal. Naiinis na rin ako sa pagtaas niya sa akin ng kaniyang boses. Hindi ko naman gusto na magkaroon ng telepono at lalong hindi ko hiningi na bantayan niya ang aking ginagawa o kung bakit hindi ako nakakapagreply sa kaniya.

“Sige isosoli ko na tong telepono bukas. Hindi ko naman kasi kailangan ng bagay na ito at wala akong panahon para sa mga texts at tawag na to..b-bye na”

Binabaan ko siya ng tawag.  Napapaihip na lang ako ng hangin ng mapansin ang nakangiting mukha ni Riko na hindi ko napansin na nasa pintuan lang pala. Saka ko lang naalala na nasa loob pa rin ako ng kaniyang kuwarto. Nagpalit na siya ng boxer shorts at ibinaba ang ilan pang bote ng alak sa lapag.

“Sino ba yung tumawag?” tanong niya

“Nangungulit lang….sige aalis na ako” paalam ko na agad binitbit ang aking bag

“Teka lang .. pwede ka bang mag stay ng kahit sandali pa?” pakiusap ni Riko

“Kadalasan mga taong may problema lang ang nagsasabi niyan. May problema ka bang gustong pagusapan pa?” tanong ko

When A GOD Dies (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon