"Anubaaaaa babee!! Nakakainis ka! Sabing yoko eh!! Gusto mo susuntukin nalang kita para manahimik na rin yang mga demons na naginvade sa soul mo??" inirapan ko si Ria, ang aking best friend. Oi, for your information, straight female ako! Trip lang naming mag"babe" sa isa't isa kasi uso daw yon ngayon.
"Hindi mo naman binigyan ng chance, babe eeeehh!!" pagmamakaawa niya habang binibira ang bag ko na nilalaman ng isang mini notepad, mga ballpens, stone-age receipts na di ko pa tinapon oh and yung phone ko WHICH KANINA PA NIYANG SINUSUBUKANG NAKAWIN SAKIN-ESTE KUNIN PARA GUMAWA NG ACCOUNT SA PESTENG FRIZZLE NA YUN.
"Subukan mo nga lang, sabi!!!" God, kung alam nya lang na hinding hindi siya "cute" sa pagpapout niyang yan.
"AYAW." pagmamatigas kong sabi habang inaagaw ko balik ang aking kawawang slingbag.
Nagsisitinginan na ang aming mga kaklase dito sa cafeteria. Yung seatmate ko sa Bio na si Dan Alfierro at ang kanyang squad from the varsity ay nagsimula nang nagsituruan at nagbubulongan. Ughhhhh nakakhiyaa..
"You know what? Sige papayag na 'ko!! Bitawan mo na nga bag ko!!" Surrender na me!! Isang malaking buntong hininga.
"OMG yayy!!" At ayon, isang malaking superbear hug mula kay Ria Ventosa. "Ngayon na??"
"Mamaya pa. Sa gabi. Pagkatapos kong magstudy para sa tests. Plus yung powerpoint ko na irereport bukas."
"Awww.... Ako na nga lang kasi gumawa ng account para sa yo ehh! Ikaw ba naman kasi, Queen Crammer ka talaga, ayan na tuloy. Nagfofollow the leader na yang mga assignments mo, dumarami na." sabi niya sabay bitaw sa yakap. Tinaasan ko siya ng kilay at automatic na nireplayan niyang "Ah pero joke lang naman yun hihi. Basta gumawa ka ng account ha? Ikaw nalang nagmimiss out on all the fun! Halos buong Davidson College na ang nakapagdownload sa app."
"Oo na, ilang besses mo na yang inuulit." pagreremark ko. "Ang sa akin nga lang eh, napakastupid at childish ang ideya ng blind dating. Gagawa ng account that analyzes your personal shit pero pwede kang magdecide at pumili ng kahit anong name and profile pic you want?"
Tumawa si Ria habang kinagat ko ang burger na binili ko and rolled my eyes. "Yun yung fun part eh. The app has a game-ish style. First it virtually "scans" you to make up your profile info except your name and DP. Sa huli magugulat ka nalang kung narevealed na ang identity at nalaman mong umm I don't know, maybe isang sikat na part-time model tulad ni Zach San Castro pala yung kadate mong 1 year!! Hihi!"
"That's it?"
"Game-ish nga rin siya! Bale may 4 "lives" ka kuno and along your relationship journey, mafaface mo rin ang iba't ibang challenges na eencounter ng couples. May likeability points ka ring makuha as you maintain your relationship and if tuloy nga kayong magaactually go out in real life, voila!! You "win" the game!"
"And if you don't? Patuloy ka lang humahanap?"
"Ehh fun nga naman siya eehh!! Plus, one day marerealize mo rin na hindi buong buhay mananatili yang maganda mong mukha, babee!! Kaya go for it!! Iaactivate mo yang flirting skills mo!!" And dito na ako nachoke sa aking napakasarap na mango smoothie. Bwinibwiset ako ni babe, ah.
*:・゚✧ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ many moments later*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧
BINABASA MO ANG
Puzzle of Us
RomanceSaang mundo ba naman nagdedate ang isang Coke-in-can body geeky bookworm at Bench-bodied captain ng basketball varsity? O kaya isang nerdy nobody at super hot na cheerleader? Eh kaya yung tahimik na emo tsaka yung bully na transfer student nalang? ...