****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental***
ENLIL's POV
Iminulat ni Enlil ang kaniyang mga pagod na pagod mata. Inikot ng kaniyang paningin ang kabuuan ng lugar na hindi sa kaniya pamilyar. Ilang kurap at bukas sara pa ng mga mata ang kaniyang ginawa bago tuluyang maiwaksi ang napakabigat na damdamin na parang dumadagaan sa kaniyang ulo. Isang mahinang ungol ang kaniyang pinakawalan ng magising sa tila napakatagal niyang pagkakatulog.
Madilim ang paligid. Wala siyang makita. Tanging malamig na hanging pumapasok sa kung saan ang kaniyang nararamdaman.
"Ahhh.. f**k.." anitong napaaray ng maramdaman ang sakit na nagmumula sa kaniyang buong katawan. Hinaplos niya ng sariling daliri ang ilang parte kung saan nagmumula ang sakit ng mapagtantong may mga benda na ito.
Sinubukan niyang tumayo ngunit ang pagsusubok niyang makabangon ay hindi nangyari ng igupo siyang muli ng mahinang katawan sa pinagpatong patong na dahon na nasa lapag. Pilit niyang inabot ang baril sa kaniyang tagiliran ngunit hindi niya ito mahanap. Umusog siya ng kaunti ng maabot ng kaniyang palad ang lalaking nakahiga sa kaniyang tabi.
"Are you okay? M-may masakit ba sayo? " tanong niya sa lalaki.
Ilang beses niyang niyugyog ang lalaki ngunit hindi ito gumigising. Sa tulong ng kaunting liwanag sa labas ay napagmasdan niya ang sugat nito sa braso.
“Namtar..” tawag niya.
Nakapikit ito ngunit makikita ang takot sa kaniyang mukha. Ang bibig na nakasara ay parang nakatawa ngunit nasasaktan.
"NAMTAR.. gising..NAM" pilit niyang yugyog ngunit agad din itong itinigil ng maramdaman ang tila pag agos ng dugo sa kaniyang mga sugat. Muling humiga si Enlil at huminga ng malalim, inaalala ang mga nangyari kung bakit siya nakahiga rito na puno ng sugat.
“May mga rebelde po na nakapasok sa kampo Lt. Brinns” sambit ng isang sundalo kay Enlil.
“How many?” tanong niya
“More or less fifty rebels sir”
“Secure the students and make sure they’re all in. I cannot let anyone die in my care” utos niya at agad kinuha ang service fire arm na nakasuksok sa kaniyang bewang. Binilang ang bala at agad lumabas ng tent.
Ang mga putok ng baril ay umaalingawngaw sa paligid. Dahan dahan siyang tumakbo papunta sa lugar kung saan nakalagay ang mga estudyante ng biglang may tumama sa kaniyang braso. Agad niyang pinaputukan ang lalaking bumaril sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad. Gumawa ng maliit na sugat ang bala sa kaniyang braso ngunit dahil daplis lamang ito ay hindi niya ito masyadong pinansin.
Isa isang nagtutumbahan ang mga rebelde na kaniyang nakikita. Ang mga sundalong nakapwesto ay halatang sanay na sanay pumatay para mabuhay.
“Lt. nandito po sila”
Agad pumasok si Enlil sa shelter na napapalibutan ng barikada. Ang mukha ng mga estudyanteng dapat sana ay matutulog na ay balot ng takot at pangamba. Gustuhin man niya ay hindi siya makaramdam ng awa, ROTC trainees sila kaya dapat malalakas ang kanilang loob at hindi ganitong umiiyak sila sa tabi. Kailangan nilang maging handa sa lahat ng mga bagay maging sa giyera man ito o sa actual na buhay.
“I know this is sudden. But nothing good will come if you just whine and cry because of fear. This is Leadership Training. Show us what you got so we can survive” aniya na pasigaw. Hindi naman siya nabigong makuha ang atensiyon ng mga trainee na may takot pa rin sa kanilang mukha at alam niyang normal lamang iyon, ngunit kailangan nilang talunin ang takot para malampasan nila ang kanilang mga limitasyon.
BINABASA MO ANG
When A GOD Dies (COMPLETED)
RomanceKamatayan ang nagbibigay sa kaniya ng ligaya. Kamalasan ang nagpapagulong ng kaniyang buhay. Ito ang dalawang bagay na tanging mayroon siya. Siya si Namtar -tinaguriang Diyos ng Kamatayan at Pagkakasakit. Siya na nabubuhay sa kamalasan ng iba. Siya...