Chapter Seven

506 21 15
                                    

Nathan's POV

Nag-uusap lang kami ni Jake nang may narinig kaming malakas na tawanan sa labas.

"Lookie here, nandito pala si Bianca." Sabi ng isang pamilyar na boses.

Narinig ko namang napabuntong hininga si Jake at biglang tumayo.

"Sa'n ka naman pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"May gagawin lang ako." Seryosong sabi niya at lumabas sa room.

Napagisipan kong lumabas din para samahan siya nang marinig ko siyang sinuway ang nagmamay-ari ng pamilyar na boses.

"Just stop, hanggang ngayon ba naman? Look, Ash. College na tayo." Seryosong sabi ni Jake.

Nasulyapan ko ang kausap ni Jake and it turns out na si Ashley pala iyon, ang anak ng may-ari ng tinutuluyan kong dorm.

Sinundan ko naman ang tingin ni Ashley at nakita ang isang babaeng nakayuko. Napa angat ito ng mukha at nakita ko sa mga mata niya ang pagod at inis.

"Huwag ngayon Ash." Matamlay nitong sabi.

"Look, ayaw na ayaw kong makita ang pagmumukha mo dito sa school." Pagtataray naman ni Ashley.

"So? Kasalanan na ngayon ni Bianca?" Dinig kong sabi ng kasama nung Bianca. Hindi ko gaano nakikita yung mukha niya dahil sa sinag ng araw.

"Ye-" Sagot sana ni Ashley nang pinutol ito ng kasama ni Bianca.

"Tanga ka pala e! Hindi namin iyon kasalanan, mag sumbong ka sa dean sa problema mo. Hindi kasalanan ni Bianca na unang subject niya ay dito sa engineering building. Kung ayaw mo, ikaw na ang mag adjust!" Inis nitong sambat at hinila palayo ang kaibigan niya.

Doon ko na naisipang lumabas at nakita ko si Ashley na inis na inis tapos kumalma ito.

"N-Nathan." Mahina niyang sabi.

"Ashley," Nakangiti kong bati sa kanya. 

Nagkatinginan naman kami ni Jake at sabay na napatingin sa dalawang kaibigan na umalis palayo hanggang sa hindi na namin sila nakita.

"Tara na sa loob." Jake at naunang pumasok.

I bid Ashley a goodbye bago pumasok. Pagkaupo ko, agad akong napatanong kay Jake.

"Paano na yung dalawang yun?" 

"Mag a-absent yun, first day pa naman. Hindi gano ka strict yung professors." Kalmadong sagot niya.


Natasha's POV

Nasa school canteen kami ni Bianca ngayon, stress eating yung theme namin.

"Nakakainis na yang pinsan mo ha!" Galit kong sabi at napakain nalang sa waffle na binili ko. "Why can't she act like our age?! Hindi naman tayo high school para ipatuloy pa yang pinaggagawa niya sayo!" Dagdag ko pa.

Napatawa naman si Bianca habang binubuksan yung biscuits na binili niya.

"At ikaw pa talaga yung na stress sa ginawa niya ha?" Natatawa niyang sabi at kumain, "By the way, absent tayo niyan." 

"Chill, mabait daw yung prof. natin tapos chill and malaking magbigay ng grades." 

"Pero kahit na, first day na first day absent tayo. Ganda ba naman ng impression natin sa iba no?" Sarcastic niyang sabi.

"Edi pumasok ka! Ang ingay-ingay mo, kumakain yung tao e!" Inis kong sabi sa kanya.

Like duh, MUST talaga yung ma eenjoy mo yung food mo!

"High blood ka te, high blood."

"Manahimik ka kasi!" Pagtataray ko ulit sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fake Relationship With My Kambal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon