Rymsys' POV
2:30 AM
"Rymmmmm! Gising ka na pleashhh!"
Bigla-biglaan lang binuksan ni Lily ang ilaw kaya napatakip ako ng kumot sa mukha ko.
Sarap ng tulog ko tas ginising pa ako ng napakatupak sa kakulitan kong pinsan.
Dito kasi siya natulog kagabi kasi di raw siya maka.move on AF sa mga pinagsasabi ni Drake , ayan tuloy natakot ng mag-isa.
"Rymmm! Oi! Couz! Kwentohan mo ulit ako kung paano nakalabas si Drakey." pangugulit ni Lily.
Gusto kong matulog , pero ayaw kong deadmahin tong kasama ko.
Pero yung mga mata ko di ko maibukas.
Halos isang buong linggo rin ako hindi nakakatulog sa kakahanap namin kay pareng Drake.
Makatulog na n- "Rymmmmmmmm!" sigaw ni Lily.
Nakaranas ako ng kaba pagkasigaw niya sa pangalan ko.
Agad kong inalis ang kumot sa mukha ko.
"Lily? Anong nangyari sayo? Hoy , gumising ka."
Nakita ko nalang siyang nakahandusay sa sahig at nakapikit ang mga mata.
Hindi siya kumibo.
Tiningnan ko kung kumakabog pa ba puso niya.
Pagkalapit ko sa ulo ko sa dibdib niya para tignan kung kumakabog pa ba agad siya tumayo.
Kaya ayun yung ulo ko.
Tumama sa paa niya at napatapon ako papunta sa ilalim ng kama.
"Hoy! Rym. Wag mo akong manyakan! Ew mo!"
At ang lakas ng loob niyang pagbintan akong manyak.
"Hoy Lily! Nag-alala lang ako sayo baka napano ka na diyan. Baka ako pa mapatay ni Uncle Apollo." pagpapaliwanag ko.
Hay salamat , sana ito na ang rason para lumipat na siya sa kwarto niya.
Papunta na ako sa kama para humiga ng biglaan niya akong hinila.
"Rymmm! Sorry na pleash!" sabay pout. "Joke lang naman eh. Alam ko naman love na love mo ako cousin! Rym sige na kwentohan mo na ako!"
Ay naku!
Akala ko ok na ang lahat.
Eh wala palang gamot tong kakulitan ni Lily.
"Sige na nga!" and for the 8th time of the day ko na yang phrase na yan sinasabi sa kanya.
Wala eh.
Wala talagang nakakaresist sa kakulitan ni Lily.
Tas ang cute magpout.
"Ganito kasi yun Lily. After the opening ceremony , naghabolan sina Keira at Drake. Di nila nama-" hindi ko natapos ang pagkukuwento ko.
Si Lily na ang nagtapos ng kuwento.
"Ahhh blah blah blah things happened. Pero Rym! Alam mo ba? May sinabi sa'kin si Drake."
Dahil dun nag-iba na ang kutob ko.
"A-ano yun Lily?"
"Sabi niya , may matandang babaeng boses lalaki daw pagnakasuot ng hood ang nakipag-usap sa kanya sa gitna ng gubat."
Teka.
So ibig sabihin may ermitanyong nakita si Rym.
"And then ano? Lily ano ang mga sumunod na nangyari?" ngayon ako na ang nangungulit.
YOU ARE READING
The Chosen Ones
FantasyBased on Greek Mythology Stories Modern teens (Half god / half mortal) Manifold (adj.) - many;various Chronicles (Noun) - story;tales Welcome to the TCOA , Halfbloods! Here we'll help you to discover your true nature , kind and what you really ar...