" Ansakit! alam mo yung feeling na ginawa mo naman ang lahat, yung minahal mo sya ng sobra sobra lahat ng oras at panahon inilaan mo sakanya, lahat ng pangarap mo kasama sya, lahat ng plano mo sa buhay dapat magkasama kayo pero bakit ganun???bakit ngayon ako nalang mag-isa? bakit iniwan nya na ko?? ang sakit lang na walang klarong dahilan ang lahat. gusto kong magtanong pero wala akong lakas ng loob. HAAAAAY!"
____________________________________________
Isang taon na ang nakalipas mula nung iwan ako ni james. Isang taon pero umaasa parin akong malaman ang sagot kung bakit nya ako iniwan. kung bakit nawala sya ng wala man lang paliwanag, nang hindi man lan ako kinausap ng personal. Alam mo yung tatlong taon kayong magkasama, tatlong taon nagmahalan, nag away, nagkulitan, naglambingan. Tatlong taon na puno ng plano at pangarap para sa isa't-isa pero sa isang iglap umuho lahat ng yun. Alam ko sa sarili kong okay nako. Masaya naman ako sa mga kaibigan ko, sa mga kaklase, sa pamilya at sa pag aaral katunayan gagraduate nako ngayong semester OJT nalang ang kulang ko at makakapagtapos nako. Oo nga pala ako si Nadine Cruz 21, 4th year HRM sa CEU. graduating na this sem sa kabutihang palad. Sa ngayon naghahanap ako ng Hotel na mapag OOJT-han.. hanap dito hanap doon hanggang sa natanggap ako sa Edsa Shang-rila Hotel sa may Shaw Blvd. kasama ko yung bestfriend kong si Tom.
Si Tom bestfriend ko sya mula pagkabata. Mommy nya at Mommy ko magbestfriends eh tapos magkapitbahay pa kami kaya ayun naging magbestfriends din kami. Dati lagi kaming inaasar na para daw kaming may relasyon, bagay daw kami at bakit di nalang daw kami.. eh naku!! kababata lang an turing ko sakanya e. parang kakambal ko na nga. sakanya ko lumalapit pag may problema ako, sakanya ko umiiyak pag masama loob ko, kainuman ko, kakulitan ko at lahat na! sya may alam ng lahat ng sikreto ko sa mundo. hehe Isang araw nung gumigimik kami kasama ang mga kaibigan namin may sinabi sya..
Tom: Nadine? may ipagtatapat ako sayo.
Nadine: Ha? ano yun? lasing ka na oy!! tama na alak. hehehe. gigimik gimik tapos ambilis pala malasing ano ba yan tomyyyy.
Tom: Dine, I LIKE YOU!! dati pa lang gusto na kita eh. Di pa man dumating si James nun gusto na kita. Nung iniwan ka nya gustong gusto ko syang bugbugin! habang nakikita kitang umiiyak sa halos araw-araw mas nasasaktan ako. kaya nga hindi kita iniwan nung panahong yun eh, naging malakas ako para sayo kahit ang sakit na. kasi mahal kita. Hindi ko na kayang itago e. siguro naman sapat na ang isang taong paghihirap mo kay james, siguro naman baka pwedeng ako naman ang magpasaya sayo.
Nadine: HA!? Ano ka ba tom.. bestfriends tayo! wag ganto. tara na. umuwi na tayo. lasing ka lang eh. -.-
_________________________________________________
Nadine's POV
may feelings pala sakin si tom. ang hirap naman ng ganito bestfriends kami eh, sya lang yung nasasabihan ko ng problema ko, sya lang yung taong alam kong hindi ako sasaktan, yung taong laging nandyan sa tabi ko kahit anong mangyari at kahit anong oras. ayokong masaktan sya. mabait si tom. pero? bakit di ko kaya subukan?? tutal kilala naman namin ang isa't-isa .. mabait sya, masipag, maalalahanin, maaasahan, sweet, malambing at mapagmahal. lahat ng gusto ko nasakanya na. hmmmm. pag tinanong nya ko ulit ng hindi sya nakainom sasabihin ko na.
phone ringing..
CALLING: tom bff
Tom: Hi dine,Goodmorning.. sorry kagabi. pwede ba tayo mag usap/? dito ko sa labas ng bahay nyo.
Nadine: Uy, ok lang sige pasok kna.. tumawag ka pa sana pumasok kna agad parang d naman ako sanay hehe
Tom: Kasi tulog ka pa daw sabi ni yaya kaya d nako pumasok