IDOL TALAGA KITA PAPA!
Naging abala si Hannah nitong mga nakaraan kaya naman mainam na magkaroon sila ng retreat sa araw na ito.
Makulimlim ang panahon, habang tinatahak nila ang mabatong daan ay biglang gumuhit ang kidlat mula Itaas patungong Lupa.
Naalala ko ang maaring maging pagluksa ni Ella.
Nawalan ng control ang nagmamaneho ng kanilang sinasakyan ng dahil sa pangit na panahon.
Sinara ni Hannah ang kanyang palad saka taimtim na nagdasal.
Pagdungaw ko sa bintana ay nakakita ako ng mga Itim.
Kasabay ng pagdadasal niya, ay lumiwanag ang paligid ng bus na kanilang sinasakyan…
: ) to the rescue agad si papa :”>
Ang pagdadasal ni mama ay nakatulong maging lakas ni Papa sa pagkontrol ng kanilang sinasakyan…hanggang sa naging maayos na kanilang daan.
Sa loob ng bus ay nakakatuwa ang ilan sa mga kababaihan.
Tatlong pahalang na upuan ang layo mula ni Nihiru kay Hannah.
Pagkarinig ni mama sa mumunting tawanan ay nilingon niya ito saka nakitang pinagtritripan ng kanyang mga kaklase si Nihiru. Pinagkukuha nila ng larawan ang binata, makaraang sa sobrang sungit nito ay walang sino man ang nakakalapit sakanya.
Matagal na kasi siyang walang malay, hindi rin niya siguro naramdaman ang katakot-takot na kulog at kidlat kanina.
Hanggang sa nakarating na nga sila sa kanilang destinasyon.
Bago pa sila bumaba sa bus ay isisilid sana ni papa ang isang sulat para kay mama.
Adrian:recoletter
Xymon: gusto ko din siyang sulatan!
Buti na lang at nagbulsa ako ng ilan sa mga pangkulay na bigay niya sa akin.
Isusulat ko sana ang pangalan ni mama sa simula ng sulat dahil iyon lang naman ang kaya ko kayalang… pagbasa ko ay sinulat ni Adrian ang katagang ”para sa mahal ko”
Tinignan ko si papa, hindi ko alam kung saan ako susulat sa laki ng sulat niya.
Adrian: dito mo na lang isulat sa tabi ng para sa mahal ko.
Ngumiti ako saka sinulat ang pangalan niya H-A-N-N-A-H
Tapos ay sinilid na namin iyon sa bag niya.
Xymon: Papa, kung palagi kang magsasakripsiyo ng pakpak para maligawan si mama kailan mo pa matatapos ang isang daang pakpak mong alay?
Adrian: Wag ka mag-alala, gagawan ni papa yan ng paraan.
Yinakap ko yan ng mahigpit saka sinabing: I love you papa!
Hinawakan niya ako ulit sa ulo saka sinabing: Ingatan mo ang mama mo ha, wag ka magiging pasaway.
Tumango ako sa pagsang-ayon saka bumalik na siya sa katawang-tao.
Pumanhik sila sa magiging silid nila. Nilibot ko ang kanilang silid at nakarinig ako ng mumunting iyak sa loob ng c.r malapit sakanilang higaan.
Pinasok ko ito at nagulat ako sa nakita ko…
Isang nakaputing babaeng kaluluwa na umiiyak, tumatagas ang dugo niya sa bandang kamay na binalak akong sakmalin.
Tumakbo ako agad at humawak sa kamay ni mama.
Paiyak na ako nun… :s … mama…
Sinarado ni mama ang kanyang palad na para bang alam niyang nakahawak ako sakanya. Nagbuntong hininga ako saka paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na kailangan kong maging matapang para kay mama! Kailangan ko siyang protektahan sabi ni papa.
BINABASA MO ANG
NOTUS CERTANUS [season1]
RomanceANGEL-HUMAN-ANGEL how long will it takes to fight for your love? if everything seems to be UNCERTAIN, will you still fight for it?