MINE’S POV
*GRUUUUUUUUUUUU*
Ay grabe. Ang pangit ng tunog ng tyan ko. Gutom na gutom na talaga ako. Asan na ba kasi yung dalawa? Kanina pa ako naghihintay dito. Magkakabalbas na ako. Joke. Panigurado, marami nanamang inorder yung babaeng yun. Tss. Baboy talaga.
Ay! Dakdak ako ng dakdak, di pa pala ako nagpapakilala. Sarey.
Ako nga pala si Alex Mine Gonzalez. Mine na lang ang itawag nyo sakin. Ang cute kasi eh. Haha. Ewan ko ba sa imagination ng parents ko, masyadong malawak. Di ko alam kung saang kangkungan nila napulot yung pangalan ko. Haha.
“MIIIIIIIIIIIIIIIIINE!”
AY TINAPANGDAING! Andyan na pala sila. Kahit kelan talaga yung babaeng yun. May inborn speaker ata sa katawan. Haha. Si Zoey nga pala yun. Zoey Mendoza. Ang aking bestfriend.
At yung kasama naman niyang lalaking mukhang tahimik ay si Levi Valdez. Bestfriend ko rin. Nako, wag kayong papaloko sa itsura niyan. Di naman talaga tahimik yan. Maligalig na tunay yan. Haha.
“MIIIINE! Dala na naming yung pagkain! HOHOHO!”
O_____O -_-
Jusko. Sabi ko na nga ba. Sandamukal ang dalang pagkain ni Zoey. Kaya gamit na gamit ang yaman nila. Pano, napakataw ni Zoey. Parang may blackhole sa tyan. Di naman siya tumataba. Ano ba yun.
“Zoey! Andami mo nanaman biniling pagkain. Ano to, bertdey party?”
“Eh. Mine naman eh. Nagugutom kasi ako. Konti nga lang yan eh.”
“ZOEY! Konti?! Ayos ka lang? Nakadrugs ka ba? Andami mo kayang binili. Para kang di pinakain simula pagkapanganak ah. Umayos ka nga. Di naman ikaw ang nagdala. Lahat buhat ni Levi.”
“H-ha? Ay oo nga pala. Hihi. Levi, baba mo na yan. Haha. Gutom na ako eh”
Mabagal na binaba ni Levi yung mga pagkain. Kawawa naman. Maluwag kasi turnilyo sa utak ni Zoey. Pano, yung kendi lang ang dinala. Tsh.
“Uy Levi. Ayos ka lang?”
“Ha? HINDI! Ansakit sakit ng braso ko. Huhu. Parang nagbuhat ako ng dalawang Zoey at tatlong Mine. Huhuhu”
*pok*
“Aray Mine! Ba’t mo ko binatukan?”
“Para ka kasing ewan. Ba’t masmarami yung akin? Ikaw na nga tinutulungan dito eh”
“Masmataba ka kasi kay Zoey”
“ANONG SABI MO?”
“Ha? Wala. Sabi ko kain na tayo. Hehe”
“Tsh. Sige. Kuma—ZOEY! Ba’t konti na lang natira?!”
*munch munch*
“ZOEY?!”
“Ha? Ang bagal nyo kasi eh. Nagugutom na ako. Hihi.” Dungis dungis pa tong babaeng to.
“Hay nako Zoey. Wala ka man lang tinira samin kahit konti?”
“Uy, meron ha. Grabe naman kayo. Eto oh. Hamburjeeer”
Sabay bigay samin ng hamburger.
“Zoey! Hamburger! Hindi hamburjer”
“Hindiii. Hamburjer kaayaaa” Baby talk epek pa si Zoey
“Zoey! Umayos ka nga. Hamburger!”
BINABASA MO ANG
My Bestfriend, My Lover?
Roman pour AdolescentsPakibasa na lang po ang prologue!! Mehehe *u*