"So baby baby, come and save me.
Don't need those other numbers
when I got my number one."Nasa huling vase na pinupunasan si Dina at malapit na niyang matapos ang paglilinis sa kanyang apartment.
Bilang isang government employee, wala siyang pasok sa opisina tuwing sabado at ang lagi niyang routine tuwing umaga ay ang paglilinis ng kanyang apartment.
"Last night, I lay in bed so blue.
'Cause I realize the truth,
They can't love me like you.Naka shuffle ang music sa kanyang smartphone at nasa ikawalong kanta na ito.
Mahilig siyang mag play ng music sa tuwing may ginagawa. Para sa kanya, hindi niya masyadong ramdam ang bigat ng trabaho at pagod pag nakikinig siya sa saliw ng musika."I tried to find somebody new,
Baby they ain't got a clue.
Can't love me like you.Tumungo siya sa kusina at tinignan kung luto na ang kanin sa rice cooker at binuksan niya ang cupboard para ilabas ang mga paglulutuan niya ng tanghalian.
Una siyang nagluto ng pinakbet. Nang matapos ay sinunod niya ang porkchop na iluto.Habang naluluto ang kabilang side, umalis muna siya sa kusina at kumuha ng bimpo.
Nakatali ang lahat ng kanyang buhok paitaas at naka suot siya ng shorts at lawlaw na t-shirt.
Pero dahil summer, kahit siguro magbikini siya sa loob ng apartment niya, papawisin pa rin siya.She's a beautiful lady. Kahit walang make-up at parang pugad ng ibon ang buhok, guys would automatically fall for her looks.
"Shalalala ooh, shalalala oh oh,"
Ibinaliktad niya ang piniprito niya at habang hinihintay na maluto, sumasayaw siya sa salin ng kanta. Kung titingnan para lang siyang nagpaparty, solo nga lang.
"Shalalala, can't love me like you."
Patuloy siya sa ginagawa nang biglang may mga bisig na pumulupot sa kanyang baywang.
"Ay butiki!" Sa gulat,napatalon siya ngunit parang wala lang ito dahil sa higpit ng yakap ng mga bisig sa baywang niya. Buti at hindi tumilapon sa ere ang siyanse na pinampi prito niya.
"Butiki na ba ako ngayon? Tanong ng isang malalim na boses malapit sa tenga niya. Isinuksok nito ang mukha sa balikat ni Dina at ipinatong dito ang kanyang ulo. "Wow pananghalian!" Dagdag pa nito sa nakitang pagkain.
"Ikaw ba naman kasi susulpot-sulpot ng ganyan, pasalamat ka at hindi ko naihampas tong palayok sa ulo mo." Buntong hininga ni Dina at inilagay ang naluto nang ulam sa pinggan.
Nagulat siya sa biglaang sumulpot pero nagdududa siya kung dahil sa gulat lang ba ang rason ng mas malakas na pagpintig ng puso niya.
Pinatay niya ang stove saka nilagay sa sink ang palayok na pinaglutuan.
Humarap siya dito at kinunot niya ang noo.
"Sorry na, hindi na mauulit." Lumungkot ang itsura ni Lyle-ang kanyang bestfriend. Matatalas ang features niya. Matalim na shape ng mata at jawline, matangos na ilong at manipis at mapupulang labi.
Tinanggal ni Dina ang mga kamay sa baywang niya na siyang mas ikinalungkot ng binata. Tumungo ito at tahimik na naghihintay sa sasabihin ng dalaga.
"Hindi naman ako galit eh." Tumingala si Dina upang matamang matingnan ang mukha ni Lyle.
Iniangat ng binata ang tingin at lumiwanag ang mukha. Ngayon, ang dalaga naman ang tumungo. "Hindi pa kasi ako nakaligo. Katatapos ko lang maglinis kaya amoy pawis na siguro ako."