Prolouge:
He was a boy, She was a girl,
Can I make it anymore obvious?
He was a nerd, she was the queen,
What more can i say? He wanted her, she’d never tell,
Secretly, she wanted him as well, but all of her friends, stuck up their nose, they had a problem with his nerdy looks...
He was a nerdy boy, she said “see ya later boy!”, He wasn’t good enough for her, she had a pretty face but her head was up in space, she needed to come back down to earth....
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
My first story, inspired by Avril Lavigne’s Skater boy..
Accidentally made story, I just heard the song and wrote this, Sorry for the wrong grammars.
(it’s TAGLISH)
-Gab
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Caitlin’s POV
“tsk! Ang lakas ng loob niya!”
“uy, di torpe si Maico”
“para kay Barbie na naman ba yan? Maico”
“consistent si Nerd ah!, kala ko bakla ka! Hahaha!”
And,there he goes again, may dala na naman siyang love letter at mga bulaklak galing sa garden ng mama niya, hay! Ang tibay din naman pala nitong nerd na ito, kahit halata namang hindi siya type ni Barbie, eh go pa rin siya, tsk.. masokista din eh, gustong-gustong nasasaktan. Yung binabanggit ko, siya lang naman si Maico Ethan Lopez, ang masugid na manliligaw ng Queen ng eskwelahang ito na si Barbie Anne Madrigal, lagi ko siyang nakakasabay sa pagpunta dito sa school, pati na rin sa pag-uwi, syempre magkatapat lang bahay namin at best friends ang parents namin.. tss.. pero di kami friends, magkaklase lang kami at nag-uusap lang pag may kailangan ang isa.
Anubayan? Bakit ba sila pinag-uusapan dito, eh akin POV ito, Ako nga pala si Caitlin Drei Romero, katapat-bahay ni Maico, kaklase, mabait naman ako, approachable pero ewan ko ba at sadyang inis lang ako dyan kay Maico, ang tanga kasi eh, sayang yung talino niya,nagagawa nga naman ng pag-ibig oh.
“pa-para sayo Barbie oh” tss.. nautal pa siya, pinagmamasdan ko sila dito sa table ko.
“best! Yung manliligaw mo oh! Hi Nerdy! What are those? a letter again? Flowers? Galing sa garden ng mama mo?”
“Yuck, ah! How cheap! and too primitive, by the way saan mo galing yang mga glasses mo?”
“edi, san pa sa friend niyang si betty la fea”
“hahahahahahahahahaha”
Tawanan lahat ng estudyante dito, Di ko alam kung bakit ang tibay ng sikmura nito eh, nakakaya niya yung mga panlalait ng mga kaibigan ni Barbie, makapanglait akala mo mga diyosa eh, isang wet tissue lang katapat ng mga to, mga mukha ng paa, mga payaso, school ito mga teh! Hindi night club..
“thanks Maico! but how many times do I have to tell you na, I don’t like you, you’re just wasting your time and efforts in courting me” sagot ni Barbie sa kanya sabay tayo at tapon sa basura ng mga binigay niya.
“So-sorry! Sige, bu-bukas titigil na ako sa pangliligaw sa iyo” sagot niya at nakatungong naglakad palabas ng canteen. Tss,, napagod din siya, bakit ngayon lang, sayang din ang isa’t-kalahating taong panliligaw niya huh. Saan kaya yun pupunta? Ay! Malamang sa room, may next subject pa pala kami.
BINABASA MO ANG
Nerdy Boy (One-Shot)
RomanceHe was a boy, She was a girl, Can I make it anymore obvious? He was a nerd, she was the queen, What more can i say? He wanted her, she'd never tell, Secretly, she wanted him as well, but all of her friends, stuck up their nose, they had a problem w...