Hindi makakaila na may mga employees talaga na hindi nakakakilala sa boss nila. Like if they don't plan to stay long in the company or if they have been in the company for a long time at hindi naman nila nakakasalamuha ang big bosses kaya naman hindi na nila naaalala kung sino nga ba yun. In Avery's case, it's the latter. She is familiar with her immediate superiors but forgot whose the CFO, COO, and heck the CEO too!
Kaya naman pure shock ang dumaan sa kanyang pagkatao ng malaman na ang lalaking nakabuntis sa kanya ay ang CEO ng kumpanyang kanyang pinagtatrabahuan.
Hindi pa man niya tuluyang ma-proseso ang bombang tinapon sa kanya ni Zyrelle ay agad din iyong nawala sa kanyang isip when the elevator jerked down for a few seconds and stopped.
Napatili si Avery sa takot at napakapit sa handrail habang sapo ng isang kamay ang kanyang tiyan. On the other hand, Zyrelle half-embraced Avery to prevent her from falling.
The lights flickered for a few seconds before it fully went out. Napalitan iyon ng emergency lights.
Both Avery and Zyrelle didn't move for a few seconds after that. Maya-maya pa ay nilapitan ni Zyrelle ang door panel at pinindot ng makailang beses ang emergency button.
"This is Zyrelle Fuentebella.", pakilala nito ng may sumagot. "What happened?"
"Mr. Fuentebella?!", mukhang kinabahan pa ito at hindi kaagad nakasagot. "We apologize sir. May technical failure po. We will make sure to repair this asap."
Hindi na inalintana ni Avery ang pinag-uusapan ng dalawa over the communication channel. Right now, hindi pa nga siya nakaka-get over sa fact na nakaharap niya si Zyrelle at ito pa pala ang boss niya, heto naman at mukhang stuck sila sa elevator after ng buwis buhay na saglit na pagbulusok nito pababa.
Siguro dahil sa nagkahalong takot at kaba, agad naramdaman ni Avery ang pananakit ng kanyang tiyan. Humihilab ito.
'No way!', hindi makapaniwalang bulong niya sa sarili ng maisip ang isang possibility kung bumakit humihilab ang kanyang tiyan.
"Sorry, I think we are stuck in here for a while.", apologetic na sabi ni Zyrelle kay Avery.
Napakunot-noo ito ng makitang namumutla siya at may napakaraming butil ng pawis sa noo. He immediately came closer when he saw Avery wince in pain.
She gripped his arm tight. Hindi niya mapigilan ang mapaungol sa sakit habang sapo niya ang kanyang malaking tiyan. The contractions were getting longer, faster, and more painful. Alam niya sa sarili niya na manganganak na siya.
"Hey, you all right?", nag-aalalang tanong sa kanya ni Zyrelle.
The mixed look of panic and worry is evident on his face. But right now, wala sa mood si Avery na intindihin ang lalaki. Manganganak na nga siya diba? May pa 'all right, all right' na tanong pa ang lalaking ito! What's worse is that they are currently stuck inside the elevator!
"G-Get help, stat!", mahina pero mariin niyang utos dito. Hindi na niya inalintana na ang lalaki nga palang ito ang boss niya. "Manganganak na ako!"
Na-blanko sandali si Zyrelle bago nag-sink in sa kanya ang sinabi ni Avery. Ng makabawi sa pagkabigla, hindi na man niya malaman ano ang gagawin. This is the first time he's been with a pregnant woman at yun pa talagang manganganak na! Wala siyang alam sa dapat gawin.
"Oh, shit! Oh, shit!"
Puro mura na lang ang nasabi niya habang nakatingin sa malaking tiyan ng babae. Nanginginig ang kamay na kinuha niya mula sa bulsa ang kanyang cellphone at pinindot ang numero ng kanyang sekretarya.
"Get someone to open the elevator door now!", sigaw niya at ibinaba iyon kaagad bago pa man makasagot ang nasa kabilang linya. Bumaling naman siya kaagad sa babaeng mahigpit na nakakapit sa braso niya. He doesn't know what to do to assist her kaya para na lamang siyang timang na pumusisyon na para bang sasaluhin ng free hand niya ang malaking tiyan ng babae. "Hold tight. My secretary will find a way to open the door."
"Secretary mo ang tinawagan mo?!", hindi makapaniwalang tanong ni Avery. Namumutla na siya at malapit na talaga siyang takasan ng ulirat sa sakit. But no! She can't fall unconscious! Hindi siya makakapanganak ng maayos if hihimatayin siya, especially when it seems like the man beside her doesn't even have a speck of a clue what to do with the current situation.
"Yes, he-"
"CALL THE AMBULANCE, IDIOT!"
-----
A/N: Mas masakit sa menstrual cramps ang manganak, tama?
BINABASA MO ANG
[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You Again
RomanceCOMPLETED. Meet Zyrelle Fuentebella, CEO ng Storm Shuffle Entertainment na isa sa mga elite game companies sa Pilipinas. Highly sought after bachelor sa alta sociedad. He's good at his job but there is one thing that makes him stand out from the r...