"Right! Ambulance! Wait lang!", natataranta pa ring sambit ni Zyrelle. Agad nitong kinuha ang phone at nag-dial ng 911.
Kung hindi lang talaga sumasakit ang tiyan ni Avery na para siyang hinihiwa, babatukan niya talaga tong lalaking to.
"Baby ko, huwag ka munang lalabas.", bulong niya sa sarili in between deep breaths. "Nasa elevator pa tayo. Sa ospital ka dapat lumabas para safe."
"W-what can I do to help?", baling sa kanya ni Zyrelle matapos makatawag ng tulong.
Humawak ito sa kanyang kamay habang ang isa naman ay nasa kanyang likod. Kahit papaano ay nakahinga si Avery ng maluwag. She leaned on him for support. Napapadaing din siya dahil sa mas lumalakas pa ang paghilab ng kanyang tiyan.
Maya-maya pa ay naramdaman na lamang ni Avery na may umaagos na likido sa kanyang binti. She looked down and saw a pool of clear liquid and blood at her feet.
"No, no, no!", nanlalaki ang mga matang sambot niya. "My water broke!"
Napayuko rin si Zyrelle at nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. This time, mas malakas ang kanyang sigaw dahil sumasagad ang pagsigid ng kirot mula sa kanyang kaibuturan.
"Damn, where's rescue?!"
The fifteen minutes before the elevator door opened were like the longest fifteen minutes both for Avery and Zyrelle.
Buti na lang at pati ang rescue team ay naroon na at agad nilang pinahiga sa stretcher si Avery. Zyrelle came with her sa ambulance dahil hindi rin naman binibitawan ng babae ang kanyang mga kamay. Kahit na medyo masakit ang pagkakakapit ni Avery sa kanyang mga kamay, hindi na ininda iyon ni Zyrelle dahil mukhang mas masakit pa ang pinagdadaanan ng babae. Pain was evident on her crying face and piercing screams.
"Misis, hindi na po pwedeng sumama si mister sa loob.", sabi ng nurse when they tried to remove her grip on him as they wheeled her inside the delivery room.
"Hindi, Z-zyrelle, dito k-ka lang!", malakas na sigaw ni Avery. Sa totoo lang, natatakot siyang mag-isa sa loob. "Help m-me!"
"Yes, yes. I'll go with you.", pag-aalo ni Zyrelle kay Avery. "Miss, I'll go with her inside. I'm her husband."
Wala ng nagawa ang nurse at doctor dahil na rin sa iyon ang kagustuhan ni Avery. They allowed him inside after instructing him to disinfect and put on a scrub.
"Push pa misis. At the count of three.", the doctor instructed.
Kanina pa sigaw ng sigaw si Avery. The pain is really unbearable. Alam din ni Zyrelle iyon. Matakin mo ba naman kasi, bumabaon na talaga ang kuko ng babae sa kanyang kamay. Para na ring mababalian siya ng mga daliri aa higpit ng pagkakakapit nito sa kanya.
"Kaya mo yan, Avery.", pag-encourage ni Zyrelle sa kanya. That's all he could do right now, after all. "Konti na lang and everything's over. Makikita mo na si baby!"
"One more!", utos pa ng doktora.
After one final scream and push, agad nakaramdam ng ginhawa si Avery dahil naramdaman niyang lumabas na ang sanggol mula sa kanyang sinapupunan. In a while, she heard the cries of her angel.
"Congrats, mommy and daddy!", masayang bati ng doktora sa kanilang dalawa ni Zyrelle. "It's a boy."
Nanghihina man, nagawa pa rin ni Avery ang ngumiti. Hearing her baby boy cry heartily, alam niyang all the pain she went through ay worth it.
Nakita niyang ini-abot ng nurse ang baby niya kay Zyrelle. Hindi niya makita ang ekspresyon ng lalaki dahil nakatalikod na ito sa kanya.
Hindi siya sure if guni-guni lang ba ang narinig niya bago siya tuluyang igupo sa mundo ng panaginip o totoo nga but it seems she heard Zyrelle say a few loving words to her son.
"Welcome to this world, my adorable prince."
BINABASA MO ANG
[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You Again
RomanceCOMPLETED. Meet Zyrelle Fuentebella, CEO ng Storm Shuffle Entertainment na isa sa mga elite game companies sa Pilipinas. Highly sought after bachelor sa alta sociedad. He's good at his job but there is one thing that makes him stand out from the r...