1st Dear ❤

34 9 5
                                    

Dear myself,

Maaga akong nagising kanina para i-check yung message requests ng mga stalker ko. Kasi naman araw-araw ang daming message request kaya yun na din ang ine-expect ko pagka-mulat ng mga nakabibighani kong mga mata. Tapos alam mo ba puro 'Hi' ang mga chat nila, mga jejemon naman. Jusqo sa ganda kong ito umaasa pa silang mapapansin ko sila. Duh!

'Yung hearthrob nga sa room namin busted sakin e. Niligawan kasi ako ni Celestino kasi pinagpustahan nila ako ng mga kaibigan niya. Hay.. buhay nga naman.

Ako na lang ba ang maganda na nakikita nila at kailangan pa nilang pag pustahan? Well, sorry sila. Mataas standard ko.

Tapos kanina 'pag labas ko ng bahay nagtinginan lahat ng nasa daan sakin. Bibili kasi ako ng shampoo kasi syempre hindi pa ako naliligo, nagsusuklay at nagsisipilyo. Pero come on, walang ayos pa lang ako nun, pinagtitinginan na. How much more kung makapag-suklay ao ng mga bente, nagtoothbrush ng 30 seconds at naligo ng mabilis 'di ba? Hindi naman sa asyuming ako pero maswerte sila. Oo! Maswerte sila kasi ang ganda ng pasimula nila sa araw nila kasi nakita nila ako.

Ang ganda mo talaga sarili. Kaya mahal na mahal kita e.

Love,
Ash Yumi Era ❤

Dear myself, Love, AsyumeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon