Jack: Kaaaat oi teka lang
Jack: Ba't D sinagot mo dun sa challenge??? :(
Jack: dapat A ehh
Kat: picture MO naman ang hinihingi, di akin
Jack: pero date mo'ko eh
Jack: don't you care about me?
Kat: wow ha. kung makasalita ka, parang antagal na natin
Jack: sorry.. galit ka?
Kat: no
Jack: Kat?
Jack: i'm sorry wag ka magalit :(
Kat: you didn't do anything
Kat: bwiset lang ang classmate ko today. the night before, pinaghirapan kong ginawa yung taeng powerpoint na yun at ginago lang niya yung report di naman sineryosohan. nag-inom siya kagabi and "nalimutan" daw ayun tuloy, kitang kita yung hangover niya sa report. tangina
Jack: if it makes you feel any better, gi-repeat ko yung bar exam
Kat: di ako sure kung may mafefeel ako diyan
Jack: oh fak
Jack: well atleast may libreng pangblack mail ka sa'kin
Kat: i'm sorry i just..
Kat: minsan my emotions get the best of me
Kat: di ko sinadyang maging rude
Jack: me? oks lang kaya ako
Jack: just talk if you need someone to listen
Jack: este type pala
Jack: sino pala siya? ako na mismo mambugbog
Kat: :)
Jack: :)
Kat: tangeks ka. anyway about sa challenge,
Jack: haha bilis makarecover
Kat: anong A ka diyan? di naman tayo, ah?
Jack: panakot lang yon sa tao. para umaliss
Kat: kung gusto mo umalis, pwede naman sana C ah?
Jack: well kailangan naman niyang alamin na nagcocross siya ng bounderies and dapat mahiya eh. Dinedate kita sa scenario na yun so dapat tayo lang. Solo. Wala nang mageepal sa'tin so sa tingin ko, yung A ang nagbibigay ng sense of protectiveness(?), dominance and well...
Jack: care :)
Kat: may tinatamaan?
Jack: wala po
Kat: kaya D nga inanswer ko
Jack: di ko getss
Kat: kasi gusto ko marinig yang mga salita galing sayo. para ikaw na magroast dun sa third person na yun.
Jack: damn
Kat: that's how i care
Jack: eh pano kung iba ang isasagot ko and hindi iyon ang hinintay at inakala mo?
Kat: edi wow
Jack: sweet ka :((
Kat: HAHA bakit? iiba ba sagot mo?
Jack: ang confident mo ah
Kat: di kasi ako nagkakamali
Jack: HAHAH
Jack: ok, good one
Jack: woah napansin mo na tumaas compatibility calculation natin?
Kat: 4% lang naman nadagdag?
Jack: and that makes all the differencee
Jack: plus we won the challenge :D
Kat: how do you even "win" the challenge?
Jack: the goal kasi of the challenge is to test your bond. pagnagaway kayo or may misunderstanding, malolose yung challenge and maafect yung likeability and compatiblity points.
Kat: pano ba naman magawang matalo dun? easy lang ah
Jack: haha fairly compatible kasi tayo. may ibang nagbegin with lower compatibility calculation and more or less, prone to misunderstandings sa challenges.
Kat: dami mong alam.. pangilang date na ba ako sayo?
Jack: does it matter? xD
Kat: curious lang
Jack: panghuli
Kat: really??
Kat: first date kita
Kat: wow
Jack: fate?
Kat: kaloko. excited
Jack: HAHAHA aww
Kat: anong nangyari sa other three?
Jack: wala eh. yung pangthird ko lang ay yung medyo nagtagal pero natapos rin.
Kat: mahal mo?
Jack: i did
Kat: did?
Jack: past tense
Jack: selos ka? xD
Kat: no
Jack: :3 past tense nga sabi eh so shhh
Kat: i know. kaya nga di ako selos eh
Jack: not even one bit?
Kat: why would i?
Kat: pagnagselos ako, im being one annoying date
Kat: plus nagseselos ako about someone who is no longer a part of either our lives
Jack: deep
Kat: idk about dates honestly
Kat: you had 2 earlier dates na di nagwork out
Kat: first date kita and we're going really well kaya i feel na im lucky and magregret ako pagsinayang ko 'to
Jack: :') natouch acoue
Kat: or baka it's the Ria in me na nagsasalita ngayon
Jack: Ria?
Kat: best friend kong nagkumbinsi saakin na gumawa ng account
Jack: naah it's the you in you
Kat: call it whatever you want
Jack: roger
BINABASA MO ANG
Puzzle of Us
RomantikSaang mundo ba naman nagdedate ang isang Coke-in-can body geeky bookworm at Bench-bodied captain ng basketball varsity? O kaya isang nerdy nobody at super hot na cheerleader? Eh kaya yung tahimik na emo tsaka yung bully na transfer student nalang? ...