HCHM 86

2.9K 59 2
                                    

~*~ 

After 2 years.... 

Napangiti na lang ako. 

Kahapon ang graduation namin. I was so happy dahil tapos na kami ng barkada sa college. Sobrang saya namin kasi nakatapos kami ng maayos. Halos lahat yata kami pagkatapos ng graduation, magkakasama pa din kami. Hindi pa din kami makapaniwala na tapos na kami. Kahapon, kausap naming lahat si Shine. Ka-skype namin siya. Uuwi na daw siya, pero hindi niya sinabi kung kailan. Miss na miss na siya ni Harold eh. I'm happy for them kasi sobrang okay na sila. 

Hmm, si Zach at si Bella? Well, they're okay. Nagliligawan na siguro sila. Ah, ewan ko! Pero, okay na sila. Nagkaka-developan na, pero hindi pa din nag-aaminan sa isa't-isa eh halata naman na mahal na nila ang isa't-isa. 

Si Justine at Jayvee naman, ayun naging super best friends yata. Sila kasi ang magkasama palagi. These past years, magkasundong-magkasundo talaga sila. Kahit sa chix. Nakamove on na sa akin si Justine. We're best friends pa din naman. 

At si Blake, ayun mysterious guys pa din. Joke! Naimik na din siya, hindi na siya tahimik palagi. Yun nga lang, no lovelife. 

Basta masaya kami. Magkakasama kami palagi, kahit nung pasko at bagong taon, magkakasama kami. Hindi na kami nagkakahiwalay na magkakaibigan. Nung una sa bahay nina Red pero last year, sa bahay kami nagpasko at nag-bagong taon. 

Kami ni Pula? Ayun we're getting stronger naman. Wala pang nadating na kontrabida. Si Mae? Okay na yata sila ni Red kasi nagkausap na yata sila. Pero hindi na niya kami ginugulo pa. Siguro nakahanap na din siya ng lovelife dun. 

"Ano ba! Ang kulit mo. Sasapakin na kita eh!" Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang umimik ng malakas si Bella. As always, nagkukulitan na naman sila ni Zach. 

"Kaya mo? Hindi naman 'di ba? Mahal mo kasi ako. Bakit hindi mo pa kasi aminin?" Sabi ni Zach at inakbayan pa si Bella pero tinabig yun ng huli. "Sus, pakipot pa more babe," 

"Pakipot your face! Zach, tigilan mo nga ako!" Lalayo sana si Bella kay Zach pero pinigilan ito ni Zach. "Ano ba?!" 

Inakbayan ni Zach si Bella. "Joke lang babe. Alam mo naman na mahal kita 'di ba?" Si Zach palaging sinasabi yun kay Bella pero hindi naman niya inaamin ang totoo kaya para kay Bella, nagbibiro lang si Zach. Pero alam ko na mahal nila ang isa't-isa. Hindi lang sila nag-aaminan. Mga tanga eh.

"Ano naman ang iniisip mo?" 

Napatingin ako kay Red na nasa tabi ko. Naglalaro kasi siya ng PSP, kanina pa siya tahimik. Ngumiti ako sa kanya. "Wala, masaya ako kasi graduate na tayo." Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. "Ang torpe ni Zach 'no? Tapos si Bella pakipot. Paano sila magkakatuluyan kung --" 

"Lovelife natin ang isipin mo, hindi lovelife ng iba." 

Napanguso ako. "Bagay kasi sila. Sayang naman kung---" hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko dahil tiningnan na niya ako ng masama. "Okay. Wag mo ako tingnan ng ganyan," inirapan ko siya at hindi ko na uli tiningnan. Nagulat ako nang biglang tumayo si Red at hinigit ako patayo. "Teka, saan ba tayo pupunta?"

"Sa labas lang kami." Paalam nito kina Zach. Hindi man lang tumingin sa akin! Buwisit na pula to. "Let's go, maid." Sabi ni Red at tuluyan na akong hinigit.

**

"Anong ginagawa natin dito?" Nasa park kami kung saan palagi akong napunta kapag nababadtrip ako sa kanya. Noong mga panahong maid pa niya ako.

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon