Chapter 3: Breath of Fire

5.5K 224 20
                                    

Chapter 3: Breath of Fire

Freya's Point of View

Napalunok ako sa aking nanunuyong lalamunan. At sa hindi malamang dahilan, dumako ang paningin ko sa pinto ng bus. I stared at the door, weighing my decisions.

Kung bubuksan namin ang pinto, ilang minuto pa ang kakailanganin para makalabas ang lahat. Tumayo ang balahibo ko nang marinig ang palakas na palakas na kaluskos. Tila mga kuko ito na madiin na kinukuskos sa rooftop ng bus.

Nanginginig na umiiyak ang iba sa amin habang tinatakpan ang sariling bibig. Patuloy ang pag-agos ng kanilang luha.

Napasigaw ang lahat nang niyanig nang malakas na kalabog ang bus. Tila sinusuntok ng kung sinuman ang bubong ng bus. Makikita sa gitna ang mga marka ng sinuntok nito.

Someone or something above us roared outrageously. Ceaselessly punching, in raged of breaking in.

Tinignan ko ulit ang pinto. Ito na lang ang natitirang pag-asa namin. Nangunot ang noo ko nang mahagip ng mata ko ang pigura ng mga tao na nakatayo sa itaas ng puno. Kung tao nga ang mga ito.

Ibinaba nila ang kanilang katawan na parang naghahandang tumalon. Then in a blink of an eye, I saw them jump their way to us. Para silang lumipad sa taas ng kanilang tinalon.

Sunod-sunod ang nakabibinging tunog ng kanilang pag-landing sa itaas ng bus. Tumayo na ang lahat at hindi na magkamayaw. Sigaw na sila nang sigaw.

"Aaaaahhhhh!!!" sigaw ng iba at sapilitang binuksan ang pinto. Napaatras ako dahil sa baha ng tao. Napangiwi ako nang tumama ang likod ko sa kung saan dahil binabangga ako ng ibang estudyante.

Patuloy parin ang ingay sa itaas ng bus. Marami sila. At malapit na nilang masira ang bus.

Nahuli ng mata ko ang pamilyar na lalake. Kalmadong tumayo siya mula sa kanyang upuan.

Tila bumagal ang takbo ng oras noong tinignan niya ako sa mata. Those tantalizing cold eyes,... and the chaos.

Siya ang lalakeng nagligtas sa akin!

"Freya! Tumakas na kayo ni Ada!" sigaw niya sa gitna ng gulo. Unti-unti nang nasisira ang bubong.

Doon ko naalala si Ada. Nanginginig siyang nagtatago sa likod ng upuan habang tinatakpan ang dalawang tenga. Mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan sa braso.

Tumingin ulit ako sa lalaki. Nasa kabilang dulo siya ng bus. "Tara na!" noong una ay nagdadalawang isip pa si Ada. Hanggang sa tumayo siya at tumakbo kasama ko.

Bago kami nakalabas ni Ada, saglit kong tinapunan ng tingin ang lalake. Seryoso ang kanyang mukha, tila handa siyang pumatay.

Inilahad niya ang kanyang kamay. Biglang lumiyab sa itim na apoy ang kanyang kamay habang binabalutan ito nang kulay asul na kuryente.

"Tumakas na kayo! Sige na!"

Tumango na lamang ako saka kami lumabas. Napasinghap kami ni Ada nang sa paglabas namin ay sumalubong sa amin ang mga nakahandusay na katawan ng mga estudyante. Duguan sila,  kitang-kita ko ang mga nakatusok na malalaking tinik na nakatusok sa kanilang mata, leeg at ibang parte ng katawan.

Wala na silang buhay.

Narinig ko ang pag-iyak ni Ada, napalunok ako sa tanawing iyon. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay at hinila siya. Sinundan namin ang ibang estudyanteng nauna na sa'min sa pagtakas.

Tumingala ako sa itaas ng puno nang marinig ko ang pagkabali ng sanga. Nakatayo sa itaas ang pigura ng anyong tao. Nanlaki ang aking mata nang tumalon ito at naglanding sa aming harap.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon