ALYSSA'S POV:
JANUARY 01, 1968
Maaga akong gumising. Baka sakaling bumalik na ako sa panahon ko. Pero hindi. May mga pamilyar pa rin akong tinig na naririnig sa ibaba.
Ginising ako ng mahihinang katok."Merlyssa, bumangon ka na. Nandito ang bunso nating si Persia," si Felicia.
Excited akong bumangon. Excited akong makita ang hitsura ng Lola ko noong kabataan niya. Hindi ko man siya nakapiling sa panahon ko, makakasama ko siya sa panahon niya.
Nasa hardin si Persia. Pagkakita sa akin ay agad kaming nagyakap.
"O lola!" sigaw ko sa isip ko.
"Lyss? Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Parang namiss mo naman agad ako? Noong isang buwan lang no'ng Todos los Santos ay nandito ako ha? Nakakapagtaka."
"Masama bang yakapin ka?"I looked at Persia. Tama nga, mas kamukha ko si Merlyssa. Kamukha ng Lola ang Mommy. Ang saya ko na nakita ko ang Lola Persia ko.
"O siya," paalam ni Felicia. Maiwan ko muna kayong dalawa at may aasikasuhin pa ako. Lyss, si Rolando ay pupunta sa loob ng isang oras. Tumawag sa telepono."
Tumango lang ako. Inaya ko si Persia sa isang bench sa ilalim ng punong mangga kung saan parang naging paborito ko na ring upuan ang tumba-tumba na katabi no'n
Inuga-uga ko ang tumba-tumba habang nakatitig kay Persia. "Ang ganda niyo po pala. Pero hindi ko kayo kamukha eh.""Ano ba'ng nangyayari sa 'yo Merlyssa? Noong kahapon ka pa raw may kakaibang kinikilos?"
"Never mind. Ang saya ko lang na nakasama ko kayo."
"Saya? E para nga tayong aso't-pusa?"Hmmm…aso't pusa pala ang Lola ko at si Merlyssa? Kaya siguro siya nagtataka na ang bait ko ngayon.
"May boyfriend ka na?"
"Ano? Alam mong mayro'n hindi ba? Parang si Rolando lang sa 'yo? Na pinagkasundo rin ng Papa?"
"Ano'ng pangalan niya?"
"Juanito DelMar hindi ba? Ano ka ba?"
"Wow! Love wins sa panig mo Lola! Este Ate Persia."
"Ano?"
"Hindi siya ang mapapangasawa mo. Ang mapapangasawa mo ay isang Angelito Caymo. Magkakaanak ka ng isang babae at papangalanan mong Pablita. Si Pablita na magiging Mommy ko. Nakakatuwa diba?"Sasagot pa sana siya ng dumating si Rolando. Ambilis naman ng mokong na 'to!
"Pasensiya na sa abala," paumanhin ni Rolando.
"Ayos lang Rolando. Heto ang nobya mong miss ka na yata at kung anu-ano ang lumalabas sa bibig. Maiwan ko na muna kayo."
Umalis na si Persia. Nagtataka ako kasi iniisip ko lang siya kagabi pero hetong bigla siyang sumulpot. Umupo si Rolando kung saan umupo si Persia kanina. Tinitigan ko siya. May awa akong naramdaman.
BINABASA MO ANG
Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )
FanficA-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018