Chapter 22 - Lucky Inlove with You

2.4K 45 0
                                    

Aia's POV

Pagkagaling namin ni RD dun sa may ilog, inuwi muna niya ako sandali sa bahay para magpalit ng damit. Medyo madumi na rin kasi yung suot ko kanina.

Si RD bumanat na naman ng kiss. Adik yun!

~lub-dub-lub-dub-lub-dub~

Waaah.. kanina pa itong puso ko, mula nang i-kiss ulit ako nung RD na yun! Grabe makatibok! Actually, nitong mga nakalipas na panahon, tuwing andyan siya yun ang nadarama ko.

Parang gusto ko ng maniwala na inlove na ako sa kanya. Ang kaso may boyfriend na ako!

Pero break na sila ni Angeline, finally!

Arggh! Buhay pag-ibig nga naman oh!

Naglakad lang kami papunta sa bahay nung isa naming  classmate. Malapit lang naman yun sa village namin. Habang naglalakad, hinawakan ni RD yung kamay ko. Parang may current ng electricity akong naramdaman kaya bigla akong napabitaw. Napatingin naman siya sa akin.

"S-sorry nabigla lang ako." hinawakan ko na lang ulit yung kamay niya.

"I know naiilang ka sa nangyari kanina. Sorry, nakalimutan ko na may boyfriend na nga pala ang bff ko."

"Pssh.. adik ka kasi!" medyo tinulak ko pa siya.

"Adik lang naman sa'yo!"

"Eeeh.. ang cheezy mo!"

"Hahaha... tara na nga, kanina pa daw tayo hinihintay nila Spencer." naglakad ulit kami, at narating din namin yung bahay ng classmates namin nun na si Spencer. Nalaman nila last week na uuwi kami dito sa probinsya kaya nagkayayaan na magbakasyon na rin sila nung mga iba pa naming classmates. Parang mini reunion na rin namin ito.

"Ayang!" sigaw ni Claire. Classmate ko mula elementary hanggang highschool. Siya na rin yung naging girl bestfriend ko nung time na yun. 'Ayang' tawag sa akin nung baliw na yan. Alam niyo naman sa province?

Inakap lang niya ako, kaya napabitaw ako sa pagkakahawak kay RD. Nung mapansin nila yung presence namin ni RD pumunta na rin sila sa pwesto namin at nakipag-group hug. Busy kasi sila sa pag-prepare ng pagkain. Jeez.. kahiya wala kaming dala ni RD.

"Uy, pasensya na wala kaming dala kahit konting snack ni RD."

"Okay lang yun ano ba!"

"Oo nga Aia, uy Renz, kayong dalawa, tara! Dun tayo sa loob, kanina pa nakahanda yung pagkain!" si Spencer na bestfriend naman ni RD at boyfriend ni Claire.

Sobrang na-miss namin ni RD yung tropa. Yung mga lalaki sinalubong kaagad siya ng bote ng beer. Hayy naku!

"Bro, dito. Kanina pa namin kayo hinihintay eh!" sumama din naman siya kaagad dun, ako naman nahila dito sa group ng girls syempre.

Kwentuhan, kainan at kantahan ang trip namin.

Di naman masyadong uminom si RD. Pero sa tingin ko may hang-over na rin siya ng kaunti. Mababa lang naman yung alcohol tolerance niya eh!

After makailang bote, lumapit kaagad siya sa akin at umakbay. Ginagawa din naman sa akin noon ni RD, kaya hindi na masyadong binibigyan ng malisya ng mga friends namin kung ano man ang nakikita nila sa amin ni RD. Kasi sanay na sila.

"Natatandaan niyo ba si Kristine at Luke yung love bird ng section natin nung highschool?" si Carl Tan.

"Oo bakit?" tanong nung isa naming classmate. Natatandaan ko rin yun kahit di ko sila masyado ka-close, ang alam ko bago maging sila, eh matalik na magkaibigan yung dalawa na yun.

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon