Chapter 23 - Company Party

2.2K 41 3
                                    

Aia's POV

Pagkagising ko kinaumagahan, hindi ko nakita sa loob ng kwarto ko si RD.

hmmph! Ang daya nun!

Agad akong bumalikwas ng bangon. hayy.. nag-I love nga pala ako sa kanya kagabi. Ang kaso baka di na niya narinig yun kasi for sure tulog na yun. Nakakagawa ba ako ng pagkakasala nun? Kasi may boyfriend ako tapos nag-a-I love you ako sa iba. Taksil na bang labas ko? Masama na ba akong tao?

Hehe.. oa ko lang!

Ginawa ko lang yung morning rituals ko, after nun pumunta na akong kitchen para mag-breakfast.

"Aling Pising, anong oras po umalis si RD kanina?" tanong ko dun sa nagse-serve sa akin ng pagkain. Siya din yung mayordoma dito sa mansion. Yung mga katulong naman na iba, ayun sa gilid ko nakatayo. Noong high school ako kapag wala si daddy inaaya ko silang kumain kasabay ko, ayaw naman nila. Di ko na rin pinipilit.

"Maaga iha. Mga alas syete siguro yun. Nakita ko na lang siya nung namalengke ako."

"Ah, ganun po ba? Di man lang po ako ginising!" ewan ko ba! Noon sa Manila kapag gustong matulog ni RD sa kwarto ko ayaw ko. Pinagtatabuyan ko pa siya! Pero ngayon, hayy.. eh inlove nga ako di ba? What is Love?

Love is blah.blah.blah! >_<

Kumain lang ako. Pagkatapos nun, nanuod lang ako ng t.v. Nakakainip naman! Umakyat na lang ulit ako sa kwarto ko at nag-laptop. Nung medyo na-bored ako, inayos ko na lang yung mga gamit ko na gagamitin ko sa pag-stay dito.

--

Mga bandang tanghali nung dumating si daddy galing Manila. Di ko na masyadong kinulit pa kasi pagod yata.

Naka-receive naman ako ng txt galing kay Luigi na susunduin niya ako dito sa bahay at padating na din daw siya galing din sa Manila.

After 30 minutes, dumating na din siya. May dala pa siyang bulaklak, chocolates and my all time favorite spaghetti!!! Pero yun daw yung galing sa restaurant nila.

Kinain na lang muna namin yung dalawa. Sabi niya punta daw kami muna sa kanila at doon daw ako tumambay. Ayos lang naman sa akin at nakakainip dito eh!

"Sweetie, mamayang gabi may company party sa mansion nila Mr. Tan, pupunta dun yung mga investors at mga businessman, isama kita as a date okay?"

"Mr. Tan?"

"Yea, business partner din yun ng daddy mo as well as me and my dad. Father siya ni Carl Tan. You're classmate in high school, natatandaan mo na?"

"Ah oo. hehe... uhm.. date? Nakakahiya! Wala pa akong damit na susuutin!" di naman kasi ako masyadong ine-expose ni daddy sa mga party, lalo na't may mga media dun. Gusto nga di ba ni dad simpleng buhay lang sa akin? Yung di obvious na mayaman ako? hehe

"There's nothing for you to worry about sweetie! Ako ang bahala okay! Basta sumama ka sa bahay ha?" then he winked at me. Hayy.. bahala na ang wonder pets mamaya!

Pagdating namin sa kanila, as usual sinalubong ako ng mommy at daddy niya. Ang daming kwento! Tapos laging sinasabi sana daw di na ako bawiin sa kanila kasi sobrang saya daw nila na ako ang girlfriend ni Luigi!

Ano yun Laban o Bawi?

Maghapon lang kaming nandun ni Luigi, di naman nakakainip kasi aside sa tinuruan nila ako ng mommy niya mag-bake, naglaro din kami sa xbox niya. Nung mga bandang 4pm na umuwi ako sa amin. Binigyan ako ni Luigi ng isang peach long gown, siya daw ang pumili nun para sa akin. 7pm sharp daw niya ako susunduin.

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon